Chapter 104

14.5K 362 57
                                    

Chapter 104: Message

Kanina pa ako ayos para pumasok. Nadagdagan ang eyebags ko dahil hindi ako nakatulog ng maayos dahil kakaisip sa bwisit na nagngangalang Phoenix Ryler Velasquez.

Hindi talaga ako makatulog kakaisip kung nasaan siya. Matapos kasi akong makarating rito sa bahay, hindi pa rin ako matahimik kung saang lupalop ba siya ng mundo.

Inulan ko siya ng mga tanong sa messages kaso hindi sumasagot. Nagtext pa ako kaninang three ng umaga tapos nabasa niya kaso hindi pa rin nag-reply!

“[He didn’t show up, darling?]” Kausap ko si Mama habang nagto-toothbrush ako.

Umiling ako at tinapos ang pagto-toothbrush.

“[Why?]”

“Malay ko, nagluto pa ako, ha? Tapos limang oras akong naghihintay sa kaniya kaya instead na maghintay ulit, umuwi na lang ako. Hindi ko nga rin alam kung anong oras siya umuwi.”

“[Then you should ask him why. Maybe it’s important kaya hindi siya agad nakauwi.]” Tumingin ako sa laptop para makita siya. “[You know Phoenix, hija, he’s busy when it comes to his personal life. Although you are his life, he still needs to do his responsibilities.]”

Hindi ako makapag focus sa sinasabi ni Mama dahil ang paningin ko ay nasa likuran niya. Para kasi siyang nasa gintong lugar, puro mga gold ang nakikita ko sa paligid tapos kanina noong naglakad siya kita ko ang malaking chandelier sa sala, at iyong hagdan ang haba. Dalawa pa ‘yon, ha? Hindi ko lang nakita iyong malaking portrait sa likod niya kanina pero masasabi kong babae ‘yon at isang lalaki.

Iyong babae, parang may sash na blue sa katawan. Ano kaya ‘yon?

“[Serine...]” Biglang sumulpot ang isang magandang babae, pero tanders na siya. Maganda ang ayos ng matanda, naka-white dress at simple makeup. Wait! Siya ba ang Mama ni Mama?! [Darling, I’ll call you later.]” Hindi ako nakapagpaalam dahil pinatay na ni Mama ang facetime.

Siya kaya ang aking grandmother?

Nagpatuloy ako sa pag-aayos. Kinuha ko na ang uniform para magpalit. Sinuot ko rin ang ID ko, kinuha ko na ang bag para bumaba na. Gutom na gutom pa rin ako. Ang sarap ng kaldereta pero konti lang ang kinain ko dahil nga gusto ko ng umuwi.

“Si Tita raw ang maghahatid sa akin,” sabi ni Amir sa Mommy at Daddy niya.

Which is true, gusto ko lang na ako ang maghahatid sa kaniya. Malayo pero ayos lang. Gusto kong makita kung gaano ba kalaki ang School niya. Saka ‘yong Chelsea, gusto ko makilala. Sure akong maganda ‘yon.

“Okay, then let’s have breakfast first,” sabi ni Papa.

Naupo ako sa tapat ni Darius. Iyong tingin ni Darius sa akin parang nanunuri, isa na kaya siyang imbestigador? Huwag niya akong ine-echos ngayon, masama pa rin ang loob ko sa bestfriend niya! Pagbuhulin ko silang dalawa.

“Where did you go last night, Darlene?” Tanong ni Papa.

Natigil ako sa pag-nguya. “Sa bahay ni Velasquez.” Tapos pumunta ako sa condo niya dahil akala ko nga magdi-dinner kaming dalawa pero umabot na ng limang oras hindi pa rin dumating.

Tumango si Papa. Hindi na ako nagsalita hanggang sa matapos akong kumain.

Umakyat muna ako sa taas para kunin ang cellphone ko. Iyong kotse ko ang gagamitin ko, iyong regalo sa akin ni Mama. Mas maganda ang sasakyan ko kaysa kay Darius.

“Tita, can I sit in the shotgun seat?” Tanong ni Amir.

“Sige, basta mag-seatbelt ka.”

Nilagay ko ang bag niya sa back seat.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now