Chapter 106

16.5K 403 101
                                    

Chapter 106: Sakit

Wala ako sa mood na pumasok. Parang may parte sa akin na huwag muna pumasok dahil parang may mangyayari. Parang alam ng puso ko kung ano ang mga ganap ngayong umaga.

Hindi ko rin mapigilan ang umiyak kagabi. Parang tinutusok ang puso ko tuwing naaalala ang lahat ng sinabi ni Iris. 'Yong tungkol sa pustahan. Lahat iniyak ko kagabi dahil sobrang bigat ng dibdib ko.

Gusto ko lang magpahinga. Pero ang pahinga ko. . . nauuwi sa pag-iyak.

Nasasaktan ako.

Nakahiga pa rin ako sa kama ko at iniisip ang posibleng mangyari ngayong araw. Tumayo ako at naupo sa tabi ni Lucy. Lumapit naman siya sa akin, hinaplos ko ang buhok niya bago magpakawala nang mabigat na paghinga.

"Sa tingin niyo ba totoo 'yon?" Lumandas ang luha sa pisngi ko. "Hindi naman, 'di ba? Hindi niya magagawa 'yon kasi... mahal ko siya at mahal niya ako. Walang gano'n, 'di ba?" huminga ako ng malalim para mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

Hindi 'yon totoo.

Pero bakit ang hirap isipin na hindi nga? Bakit hindi ko matanggap sa sarili ko na hindi nga totoo? Bakit ang hirap? Dahil ba alam ko na sa sarili ko na totoo? O baka pinapaniwala ko lang ang sarili ko sa isip na hindi nga totoo lahat?

"Mahal niya ako..." nanginig ang boses ko. "M-Mahal na mahal." Hindi ko mapigilan ang umiyak habang nakatingin sa kaniya. "Sobra pa sa sobra kaya imposible 'yon," pilit akong ngumiti. "At kung mahal niya ako... hindi niya 'yon magagawa sa akin. Hindi niya hahayaan na m-masaktan ako. Hindi niya hahayaan na masira kami dahil ang gusto niya kaming dalawa hanggang dulo." Sinandal ko ang ulo sa kama. Muling bumagsak ang mga luha ko.

Sa totoo lang, hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling totoo.

"Miss Darlene, breakfast na raw po." Katok ng kasambahay sa labas ng kwarto.

Inalis ko ang mga luha sa pisngi. "Sige po! Maliligo lang po ako." Nagawa kong maging maayos ang boses ko.

Dumiretso na ako sa bathroom. Kinuha ko rin ang cellphone ko at bumungad ang text message ni Phoenix at sa GC namin. Pati sila. Isa-isa kong binuksan ang mga message nila pero hindi ako nag-reply.

Iyong million pinusta nila ay nasa isip ko pa rin.

Kay Phoenix ang huli kong binasa.

From: love
Good morning.

55 minutes ago na ang nakalipas matapos niyang isinend 'yon. Pinatay ko ang cellphone dahil wala akong plano na magreply.

Hindi ko kaya.

Bumaba na ako matapos mag-ayos.

Nasa dining na silang lahat. Naupo ako sa tabi ni Mama. Nag-breakfast kaming lahat, nakikisali naman ako sa usapan nila pero madalas.

Wala akong gana kumain. Tumayo na lang ako at nagpaalam sa kanilang lahat bago dumiretso sa sasakyan ni Darius.

Hindi naman nagsasalita ang kapatid ko habang papunta kami ng School pero ramdam ko ang mga tingin niya sa akin. Iyong tipong gusto niyang magsalita pero pinigilan niya lang ang sarili at hinahayaan ako.

"Darlene, are you okay?" Tanong ni Darius habang naglalakad kaming dalawa papunta sa classroom ko.

"Oo," sagot ko. "Dapat dumiretso ka na sa classroom mo. Kaya ko naman pumunta doon mag-isa."

Umiling siya "No, I have a bad feeling today. Parang may mangyayari."

"Wow, kailangan ka pa naging si Madam Auring?"

"Stop it," saway niya.

Naguluhan ako ng maraming tao sa labas ng classroom. Nakita ko si Laureen at Tricia na parang ayaw akong papasukin sa eksena. Sinubukan nila akong lapitan pero naglakad na ako.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now