Chapter 92

18.4K 420 75
                                    

Chapter 92: Grandmother

‘Yong babae pa rin ang nasa isip ko hanggang sa makabalik kami ng Manila. Gulong-gulo na ako kakaisip. Gusto ko lang naman malaman kung bakit niya alam ang pangalan ko? I mean, it was Lin! Lin ang nickname ko at hindi ko ‘yon sinasabi sa lahat, kila Nix o sa mga ungas lang.

Nakakaasar lang bakit hindi ko mahuli-huli! Gustong-gusto ko makita ang mukha noong babae kaso nagmamadali tapos naka-face mask pa. Ano ‘yon? Wala namang virus o kung ano man tapos nag-gagano’n?

“Are you still thinking about that woman?”

Lumingon ako kay Phoenix. “Oo, hindi kasi siya mawala sa isip ko.” Binalik ko ang tingin sa daan.

Hinahatid na ako pauwi ni Phoenix. Si Lala at Jin naman ay sa bahay na kung saan nakatira si Phoenix dumiretso.

At mukhang totoo nga ang sinasabi ni Phoenix na may halloween party sa GFS mamaya kaya ayon, mukhang aattend lang saglit sa party ni Phoenix. Pati sina Trevor, katulad ng sinabi nila pupunta sila pero aalis din naman kaagad.

Balak lang nilang suportahan ang tropa nila.

“Me either.”

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. “Hindi siya mawala sa isip mo?” Ulit ko.

“Yeah—what I mean is about what she said. She knows you and that’s made us shocked,” paglilinaw niya sa sinabi kanina. “Iyong sinabi niya ang hindi ko makalimutan. Damn, sometimes I’ll fix my words.”

“Nakaka-shocked nga naman talaga. Kahit pa na isang word lang ‘yon! Nakakapagtaka talaga.”

Kinuha ko ang vape niya sa bag para lagyan ng juice.

“Sana makita ko ulit ang babaeng ‘yon…” mahinang usal ko bago mag-inhale sa vape.

Gusto ko lang naman makasigurado kaya ko siya gugustuhin makita.

“Miranda, can we go to cemetery first?”

“Huh? Para saan?” Lingon ko.

“I’m gonna visit my Dad and Mom’s grave today, then tomorrow I’ll be with Tita Grace and my two kittens to visit our grandfather,” sagot niya.

“Kittens?” Naguguluhan kong tanong.

“Phoebe and Preston are like cat, palagi silang nangangalmot dalawa, so I named them kittens. Since they’re cuties too.” Natawa pa siya sa palayaw na binigay niya para sa dalawang kapatid niya. “And you… you like a…”

“Ano?” Dahan-dahan kong binuga ang usok bago tumingin sa kaniya.

“Wala,” umiling siya.

“Ano ‘yon? I’m look like ano?”

“Nothing! It was nothing…” Tinuon niya ang paningin sa daan. “You look like a momma beast,” bulong niya na narinig ko.

“Velasquez!”

“It’s true! You look like a momma beast!” Natawa siya. “Everytime you talk and sometimes you losing patience? You look like a Mom! Iyong tipong inis ka na pero hindi pa rin sumusunod ‘yong anak mo,” mas lalo siyang natawa.

Hindi ako mukhang nanay!

“Amats mo,” napairap ako. “Saan ba nakalibing ang Mommy at Daddy mo?”

“Cemetery,” simpleng sagot niya.

“Oo nga, cemetery. Saan banda doon?”

“At Miranda’s grave. I mean, beside the Miranda graves. It was like a house, you know? Then inside of that house, you’ll see their tombstone.”

The Girl in Worst Section (Completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz