Chapter 12

27.2K 678 107
                                    

Chapter 12: Saturdate

"O, lagyan mo ng yelo ang pasa mo." Binigay sa akin ni Dash ang yelong nasa plastic.

Sobrang sakit ng kamay ko at katawan. Akala ko kakayanin ko ang pag-ikot na 'yon, hindi pala. Parang tinotorture ang katawan ko. Ang sakit pa ng likod ko.

"Muntik mo nang mapatay 'yong lalaki kanina," sabi ni Arvin habang may kinakain.

Muntik? Sayang naman.

"'Buti na lang ay dumating kami," sabi naman ni Harvey.

Sila kasi ang pumigil sa akin kanina. Panay ang awat na ginagawa nila pero hindi ko maawat ang sarili ko sa pagsuntok sa lalaking 'yon.

Habang ginagawa ko 'yon ay bumalik lahat sa akin ang masasakit na salitang binitawan sa akin noong bata ako. Hanggang ngayon dinadamdam ko ang mga salitang 'yon.

Partida words lang 'yon, ah? Pero masakit.

Kaya minsan iniingatan ko ang binibitawan kong salita, hindi katulad nila na walang pakialam sa nararamdam ng iba. Hindi nila alam na ang bawat salitang binibitawan nila ay nakakasakit na at minsan iisipin nila na katatawanan o kalokohan lang. Hindi nila alam maaaring makasira o makasakit 'yon sa damdamin ng tao. Doon ko tuloy sa lalaki naibunton ang sama ng loob ko.

"Pati ako dinamay mo," inis na sabi ni Rafael habang binabantuan ng yelo ang pasa sa mata.

"Sorry na. . ." ngumiti ako sabay peace sign.

Habang inaawat nila ako kanina ay hindi ko sinasadyang masuntok si Rafael. Nasa harap ko kasi siya para humarang at para matigil ang pagsuntok ko doon sa lalaki.

"Sorry ka d'yan!" Sabi niya at umirap. "Paano na ako haharap sa mga girls ko nito," bulong pa niya.

Nagkaroon siya ng black eye.

Ang problema ko lang nito ay kung paano haharap kay Kuya ng ganito ang itsura. May pasa ako sa braso, idagdag mo pa ang sugat ko dahil sa katangahan ng skateboard kanina. Lagot na naman ako sa kaniya. Panigurado ng raratrat na naman ng laway mamaya.

Minsan nga napapaisip ko kung siya ba tatay ko, parang mas tatay pa kasi siya kaysa kay Papa.

"Pahingi ako!" Sabi ko nang dumating si Finn na may dalang ice cream, french fries at mga inihaw na nakalagay sa paper plate.

Napatingin siya sa akin at parang nandadamot ang itsura. "Ayoko."

Napanguso ako.

Gutom na ako! Hindi ko naubos ang pagkain ko kanina dahil sa mga walang hiya. Tapos natapon pa ang binili kong burger dahil sa kaharutan nila Harvey at Arvin.

"Ang damot mo!" Sabi ko at tumawa naman siya. "Mabulunan ka sana," pabiro akong umirap bago ibaba ang hawak na yelo.

"Joke lang!" sabi niya at nilapag ang mga pagkain sa harap ko.

"Libre 'yan ni Nix sa 'y—sa 'tin kasi. . . wala lang," dagdag niya at umiling.

Hindi ko na pinansin ang pinagsasabi niya at kumain na lang. Ang sarap talaga ng inihaw na pagkain, 'no? Lalo kapag may sawsawan na suka na may sili. Sa bagay, lahat naman ay kinakain ko except sa mga palaka, 'yong ginagawang adobo? Hindi ko talaga kaya. Kaya ko lang humawak ng palaka pero hindi ko kayang kainin.

"Why do you have a wound on your arm and elbow? Ang laki ng sugat, oh." Puna ni Trevor bago umupo sa tabi ko.

"Ah. . .  ang tanga kasi ng skateboard, eh, hindi iniwasan 'yong bata na kapatid ni Satanas este Phoenix. Tapos sabihan ba naman akong tanga ng lalaking 'yon? Kasalanan noong skateboard 'yon, hindi ako," mabilis na sabi ko.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now