Chapter 135

21.7K 407 52
                                    

Chapter 135: Peace

Darlene

Nagmulat ako ng mata. Bumungad sa akin ang liwanag. Napaiwas pa ako ng mukha dahil nakakasilaw. Hindi ko kinaya ang liwanag kaya sandali akong pumikit.

Bumangon ako at tumingin sa katawan. Parang wala akong maramdaman na sakit sa katawan. Pati ang tama ng bala sa katawan ko ay hindi ko maramdaman. Kinapa ko ang sarili dahil nakakapagtaka lang na gano'n pero may parte sa akin na natutuwa dahil wala na akong maramdaman na sakit.

Napapikit ako nang tumambad ang maliwanag sa harapan ko. Umalis ako sa kama para sundan ang liwanag. Humawak ako sa tainga ko nang may narinig na boses. Nawala rin naman agad kaya nakapaglakad ako.

Habang naglalakad... biglang nagflash sa utak ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko mula pagkabata hanggang ngayon.

Iyong mga mukha nila Mama, Papa, Kuya, Darius, at... Phoenix.

Napangiti ako habang nakatingin sa mga 'yon. Lahat ng mga kasama ko buong buhay nag-flash sa isip ko. Lahat... lahat sila pumasok sa isip ko. Lahat ng mga masasayang alaala ko pumasok sa isip ko.

Pero ang mas taong nanatili sa puso at isip ko ay si Phoenix. Lahat ng ngiti niya sa labi... na para bang hinding-hindi ko 'yon makakalimutan. Iyong mga masasayang tawa niya habang kasama ako.

Tumingin ako sa paligid at bakit nandito ang pagmumukha ko? Kaniya-kaniyang video yata 'yon? Hindi ko maintindihan basta... nandoon ang lahat ng nangyayari sa buhay ko.

Naglakad pa ako nang naglakad. Napahinto lang ako nang may makita. Hinarap ko ang isa at bigla akong nagulat nang makita kaming dalawa ni Phoenix.

Napangiti ako nang makita ang nangyari noong nasa Spain kaming dalawa. Iyong nasa Tagaytay kaming dalawa, nasa condo niya, at ang mga masasayang alaala naming dalawa.

Naglakad ulit ako hanggang sa matigil sa isang putting hagdan at sa taas no'n ay ang gintong gate. Balak ko sanang umakyat nang may marinig na naman akong ingay.

Tinakpan ko ang tenga ko para hindi na marinig.

"Darlene, don't leave me in pain, baby... please..." sambit ng nagmamakaawang boses.

Nagpatuloy ako at hindi na 'yon pinansin.

"Lola?" Gulat kong tanong nang makita siyang nakaupo sa... ewan. Hindi ko alam ang tawag doon. Nakaupo siya at malaki ang ngiti sa labi.

"Finally, you're here." Tumayo siya bago lumapit sa akin. Mahigpit niya akong niyakap nang makalapit.

Kahit gulat na gulat nagtanong ako. "Bakit? Hinihintay niyo po ba ako?" Tanong ko nang bumitaw sa kaniya.

Tumango siya. "Hinihintay kita. Para may kasama ka kapag pumasok sa loob."

"Doon po?" tinuro ko ang gintong gate sa harap namin.

Tumango naman siya. "Maraming naghihintay sa 'yo dahil sa mga mabuting nagawa mo. Isa ka sa sinusubaybayan nila."

"Huh?" naguguluhan kong tanong.

"Sinusundo kita dahil wala ka na... nag-aagaw buhay ka pa," sagot niya. "But if you accept your fate... we'll go there," turo niya sa gate.

Tumango ako. Hindi na ako nagsalita at humawak sa kamay niyang nakalahad sa harap ko.

"Darlene... don't go..." balak ko sanang maglakad kasama si Lola pero narinig ko ang boses ni Phoenix. Siya 'yong nagsalita kanina! "Don't leave me... mahal na mahal kita huwag mo akong iiwan... " nagmamakaawa ang boses niya.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now