Chapter 11

30K 743 153
                                    

Chapter 11: Trouble

Sobrang sakit ng patilya ko! Grabeng makahila si Kuya. Ang sabi naman ng Doctor ay wala akong galos pero may isa daw problema at 'yon ang hindi ko alam dahil si Kuya lang ang kinausap. Hindi na nga ako nakatulog dahil sa nangyari sa Hospital.

Parang gusto ko na lang tanungin ang sarili ko na... 'ginawa ko 'yon?' At iyong about ligaw thing talaga, e, bakit ba iniisip ni Kuya na may nanliligaw sa 'kin?

At dahil nga hindi ako makatulog ay nag-twitter nalang ako at si Phoenix ang pinaringgan ko. Nag-dm naman siya sa akin sa Instagram.

velasquez_phoenix: what the heck... what's with your tweet and to your fleet?

Kanina pa niya na-view ang fleet ko.

darlene.michelle: bakit? gusto kitang sapakin!

Kaagad siyang nag-reply. Bilis, ah?

velasquez_phoenix: ng halik ba 'yan? I will not refuse it.

Namula ang mukha ko nang maalala ang kagaguhan niya.

darlene.michelle: Hoy! Sapakin ng suntok! Kapal mo!

velasquez_phoenix: Haha you look like a red again for sure... anyway stop replying and sleep now.

Hindi kaya ako makatulog!

darlene.michelle: Tse! Hindi ka sana makatulog o baka naman hindi ka makatulog dahil ako ang iniisip mo!

Ang kapal ko sa part na 'yon... pero guys... hindi ko gusto si Phoenix, ha? Baka isipin niyo may gusto ako diyan... wala. Promise, wala.

At hindi pa rin mawala sa utak ko si Iris, kailangan ko talaga ng kasagutan sa mga sulat na nabasa ko. Kailangan ko ng sagot!

Pinagalitan rin ako ni Kuya kagabi nang makauwi kami kahit wala akong ginagawa, pinagalitan niya rin ang mga kaklase ko dahil sa pakikisama ko sa kanila. Wala naman silang kasalanan eh, kasalanan 'yon ng mga kinginang Blazers na sinasabi nila.

Saturday ngayon kaya walang pasok! Dapat ang plano kong gawin ngayon ay ang mag-aral kaso nagbago ang isip ko. Tuwing binabalak ko tinatamad ako. When katamaran hits you talaga, e, 'no?

Kakatapos ko lang rin kumain ng pananghalian pero parang hindi ako nabusog, gulay kasi ang ulam tapos konti lang ang kinain kong kanin.

Ako lang din ang mag-isa sa bahay bukod sa mga helpers. Bantay sarado ako ngayon ng mga 'to pero madali lang utuin ang mga 'yan kaya makakagala ako. Umakyat na ako para maligo, nang matapos ay naghanap ako ng damit, panay ang hanap ko ng pants kaso wala. Nasa labahan pa! Wala na akong damit sa closet, puro denim shorts at jeans.

Wala na akong choice kung hindi ang mag-shorts. Nag-loosen shirt na lang din ako. Nag-nike slippers lang ako sa paa para hindi hassle sa paglalakad. Kinuha ko ang wallet at cellphone ko bago bumaba.

"Miss Darlene, bawal daw po kayong lumabas," sabi ng kasambahay nang makitang palabas ako sa pinto.

"Saglit lang ako, promise! Magpapaalam rin ako kay Papa at Kuya!" Sabi ko at nagtaas pa ng isang kamay.

"Kayo po ang bahala pero sagot niyo po kami, ah?"

"Oo naman!" Lumabas ako papunta sa garahe.

May hahanapin lang ako.

"Yes!" Sabi ko nang makita ang skateboard ko.

Matagal na 'to dito pero mukhang bago pa rin. Regalo kasi 'to sa akin ni Papa noong 18th birthday ko.

Pinagpagan ko muna bago apakan. "Nice."

Lumabas na ako at sumakay sa skateboard. Namiss ko 'to! Pupunta ako sa plaza, marami rin nagbebenta ng street foods doon meron ding skatepark kay mas mag eenjoy ako. Hindi nga lang ako marunong ng mga tricks na ginagawa ng iba.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now