Chapter 35

22.4K 611 114
                                    

Chapter 35: Bullets

"Sinasabi ko sa 'yo kapag ito nalaman nila, ipapalapa kita sa buwaya," banta ko kay Alexis habang pabalik kami kung saan namin iniwan ang mga kasama namin.

Matapos naming magkita ni Stella ay nagdesisyon na siyang umuwi. Wala na rin siyang balak makipagkita pa kay Kier. Balak na rin niya yatang makipaghiwalay. Pinilit naman daw niyang lumaban dahil mahal niya kaso nauntog, e, kaya bumitaw. Noong una, against ako sa desisyon niyang palakihin ang bata na hindi kinikilala ang sariling ama pero desisyon naman niya 'yon.

"Oo na!" Kamot-ulo niyang sabi.

Sana lang talaga.

"Saan ba kayo nanggaling?" Tanong ni Harvey at dumila sa ice cream niya.

Lahat sila may hawak na ice cream na may cone pero 'yong kay Phoenix mukhang magnum. Nang mapansin niyang nakatingin ako, agad niya akong ininggit.

Aaminin ko, hindi pa ako nakatikim ng magnum. Mamatay na lang yata ako nang hindi pa nakakatikim ng magnum.

"Starbucks..." sumipsip ako sa straw.

Nakita nila ang hawak kong cup kaya napairap sila. Ang aarte naman ng mga 'to. Sila nga naka-ice cream, e, naka-cone nga lang, samantalang ako naka-starbucks.

Pasimple akong lumapit kay Phoenix habang abala ang iba. "Pahingi ako, Phoenix."

"That would be indirect kiss." Binigay niya sa akin ang magnum.

"Hinalikan mo na ako several times, 'di ba? Ayos lang 'yan," mahinang sabi ko bago kumindat. Iniwan ko na siyang mag-isa.

Napansin kong nakatingin sa kawalan si Kier. Nilapitan ko siya at pumitik sa harap niya. Napaangat naman siya ng tingin.

"Gogora na tayo, nakatulala ka pa rin d'yan?" Tanong ko.

Tumayo na lang siya at unang nag-lakad. Sinundan ko siya ng tingin.

Hay nako, Kier, ang gago mo sa part na itinanggi mo ang sarili mong anak. Ang sarili nating kadugo. Sana lang talaga huwag mong pagsisihan ang ginawa mo.

Minsan naiisip ko ang magiging sitwasyon ng buhay ni Stella kung sakaling itakwil siya ng magulang niya. Nagsisimula palang siya sa pagiging modelo pero parang ititigil niya agad dahil sa pagbubuntis.

Napahinga nalang ako mabigat.

Naririndi na ako sa pinag-uusapan ng mga taong 'to. Puro mga pag-aanak ang pinag-uusapan, e. Akala mo naman sila ang manganganak kung makapag-bilang.

"Sa akin, gusto ko lima anak ko tapos lalaki lahat para may magdadala ng apelyido ko," sabi ni Owen at ngumisi.

Eh? Lima? Kung ako ʼyon... hindi ko yata kakayanin.

"Oo nga, puro lalaki anak mo, pareho-parehong panganay." Tumawa si Arvin na sinundan ng mga gago.

Ano 'yon? Sa iba't ibang babae?

"Sa iba't-ibang babae kaya panganay lahat?" Tanong ko.

Kita ko ang pag tawa nila Dash at ang pag-tango ni Arvin. Mga nagtatawanan naman ang lahat, except kay Phoenix. Nilingon niya ang likod. Hawak pa niya ako sa braso, akala mo naman tatakas ako.

"Syempre hindi, 'no! Sa one and only love ko lang syempre." Umirap si Owen.

Ang gago niya kung gagawin niya 'yon. Dapat sa isang babae ka lang kuntento, hindi 'yong sa marami.

"Gusto ko din ng anak na lalaki," sabi ni Rafael.

"Edi gumawa kayo tapos ninong kami!" Parang tanga na ngumisi Finn.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now