Chapter 70

22.2K 505 106
                                    

Chapter 70: Game

Darlene

Ang sakit ng ulo ko ngayon kumpara sa unang inom ko noon. Pagkamulat na pagkamulat ng dalawang mata ko, kwarto ko na agad ang bumungad sa akin. Hindi pa muna ako bumangon dahil parang binibiyak ang ulo ko kapag gumagalaw ako.

Sabi ko na, eh, masarap nga ang alak, nakakasakit naman ng ulo sa umaga.

"Shit, ano bang ginawa ko..." bulong ko sa sarili at dahan-dahang naupo. Isinandal ko ang ulo sa headboard ng kama.

Pumikit ako habang inaalala ang nangyari kagabi. Wait, iyong pinagsasabi ko kay Phoenix kagabi. Iyong sinabi kong kami na lang, totoo ba 'yon o panaginip lang? Shit, hindi pala 'yon panaginip! Hinalikan ko pa nga siya sa labi at nagsabi pa ako na mahal ko siya!

Well, totoo naman 'yon. Pero sinabi kong kami na lang at huwag na siyang manligaw! Sinagot ko siya kagabi.

Napahilamos ako sa mukha. "Putangina." Hanggang doon na lang ang naalala ko.

Nakakahiya, paano ko siya haharapin ngayong araw? Teka ano bang araw ngayon? Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang araw. Friday, October 15. Ang araw ng underground nila. Huwag ko lang talagang malalaman na kasali talaga sila doon. Dadagdagan ko talaga mismo ang sugat na makukuha nila.

Wait, si Phoenix, maaalala niya kaya lahat ng sinabi ko kagabi? Tangina, ibig-sabihin boyfriend ko na siya? Nababaliw na yata ako dito! May anim na text message galing sa kaniya kaya agad kong binuksan para basahin.

From: Phoenix
Hoy, Michelle, gising.

Grabeng bungad naman 'yan! Wala man lang 'good morning, love'? Maka-hoy, amp. Parang hindi ako girlfriend, ah?

From: Phoenix
Good morning.

Akala ko walang good morning, e. Mga bandang 8 AM niya sinend ang message.

From: Phoenix
I love you, Darlene.

Natigilan naman ako. Shit, I love you na may label.

From: Phoenix
Tagal mag-reply.

From: Phoenix
Nasa akin ang unicorn mo. Susunugin ko 'to kapag hindi ka nag-reply.

From: Phoenix
Tss, kaya naman pala ang tagal mag-reply kasi tulog pa rin. Baka matuluyan ka sa pag-tulog mo.

Nagsalubong ang kilay ko bago napairap. Nakakabaliw siguro 'to maging boyfriend? Nag-compose agad ako ng ire-reply sa kaniya.

To: Phoenix
Ang sama mo! Dapat sayo hindi nagkakaroon ng girlfriend!!

Wala lang, trip ko lang na gano'n ang i-text. Wala pang isang minuto nag-reply na siya.

From: Phoenix
Maybe you forgot, you are my girlfriend now.

Napasinghap ako. "Confirm nga," bulong ko sa sarili.

To: Phoenix
Sure ka diyan? Wala akong maalala.

Biglang tumunog ang cellphone ko at pangalan niya agad ang lumabas.

"[Are you kidding me?]"

Tumawa ako sa tanong niya. "Gago, syempre joke lang! Anong akala mo sa akin ay may amnesia?"

"[You really asked that, huh?]"

"Darlene," dinig ko ang boses ni Mama sa labas.

"Papatayin ko na 'to, nasa labas si Mama."

"[Alright, then. Bye, I love you, Darlene. Take care.]" aniya sa kabilang linya.

"I love you... too... Bye!" Agad kong binaba ang tawag.

The Girl in Worst Section (Completed)Where stories live. Discover now