Chapter 19

41.9K 1.1K 25
                                    

Chapter 19

(Rain)

New Year. New life. New Beginning

Iisa lang naman ang nararamdaman ko sa nagdaang araw.

 I’m happy and contented.

Max is trying his best to be a good husband to me. Every now and then ipinapakita niya sa akin kung gaano ako kaimportante sa kanya in his own way. Kung dati halos umaga na siya umuwi, ngayon sinisikap niyang umuwi ng maaga at sabay kaming kakain ng dinner. Ipinakabit din niya yung mga wedding photos naming sa sala. Pero mag-kahiwalay pa rin kami ng kwarto.

Hindi ko naman sinasabing para kaming mag-asawa pero para kami nung dati, yung Rain at Max na mag-best friend. At kahit yun lang masayang-masaya na ako. Yun lang naman kasi ang hiling ko ang bumalik kami sa dati.

“Ms. Rain, may naghahanap po sa inyo.”

Tumango ako. Wala naman akong ineexpect na bisita ngayon sa studio. Pero ayos lang, wala naman akong magawa.

“Sige, papasukin mo. Salamat.”

Tumingin muna ako sa salamin saglit. Baka mamaya gulo-gulo pala ang itsura ko. Nakakahiya.

“Hi, Rain.”

Ngumiti ako kaagad pagpasok niya.

“Eric! Buhay ka pa pala!”

Natawa naman siya sa sinagot ko.

“Grabe ka naman magsalita niyan. Ano akala mo sa akin, mamatay agad-agad?”

Umiling lang ako.

“Ang tagal mo naman kasing hindi nagparamdam sa akin. Busy ka ba sa company mo? Hindi mo man lang ako binati nung pasko at new year.”

Kakamot-kamot siya sa batok niya.

“Sorry naman. Medyo nagging busy din kasi ako. Para naman makabawi ako sayo, libre kita ng ice cream.”

Bigla naman nagningning ang mga mata ko sa sinabi niya.

“Sure! Tara na!”

--

Pumunta kami sa isang ice cream parlor malapit sa studio. Wala namang masyadong tao doon kaya peaceful ang aura. Doon kami pumwesto malapit sa may bintana, gusto ko kasing nakakakita ng tao. Natutuwa kasi ako.

“Kamusta ka naman nitong mga nakaraang panahon na hindi tayo nagkita?”

Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti sa tanong niya. Iniisip ko pa lang yung mga magagandang nangyari sa akin, speechless na ako.

“Base sa ngiti mo, mukhang maganda. So tell me, sino ba ang nagpapangiti sayo ng ganyan? Don’t tell me siya yung lalaking humatak sayo noong huli tayong nagkita?”

Oh? Naalala pa pala niya yun? Hindi ako makasagot, kinikilig kasi ako.

“Silence means yes. He’s Maximillian Del Valle, right?”

Kilala niya si Max? Well, siguro kasi iisang school lang umikot ang mundo naming. Wait, ibig sabihin chance ko na siguro ito para malaman kung bakit ako pinapalayo ni Max sa kanya. Nararamdaman ko may iba pa silang ugnayang dalawa.

“Yes. You know, kilala ka niya. Friends ba kayo?”

Pagkatanong ko sa kanya. Bigla siyang tumawa. Parang may nakakatawa sa tanong ko sa kanya. Wala naman di ba?

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon