Chapter 35

43.7K 1K 216
                                    

(Rain)

Natutuwa akong pagmasdan si Eric at Lucia. Parang dati lang, mag-amo silang dalawa ngayon ikakasal na sila.

"Kamusta ka na kayong dalawa? And the baby?"

Napalingon silang dalawa sa akin na may ngiti sa labi.

"We're fine. Our baby is healthy. Ikaw?"

Ang ngiti nila kanina ay napalitan ng pag-aalala.

"I'm okay."

Sabay ngiti.

"You know Rain pwede kang humingi ng tulong sa akin. Kahit ano."

Matagal akong natahimik bago ulit nagsalita.

"Eric, can i ask you one last favor?"

Tumango siya.

"Of course. What is it?"

Tinignan ko ang wedding ring namin ni Max. At saka hinubad iyon. Alam ko nakatingin silang dalawa.

Mukhang naintindihan ni Eric ang ibig kong sabihin.

"Are you sure about this?"

Tumango ako.

"Anong nagpabago ng isip mo?"

Mapait ako napangiti.

"Nasisira ang lahat ng dahil sa akin. Nag-aaway-away sila dahil sa akin. Ayokong ako na naman ang dahilan para hindi sila maging masaya."

Hinawakan ni Lucia ang kamay ko.

"Anong gagawin mo pagkatapos?"

Tumingin ako sa labas kung saan maraming pamilya ang namamasyal.

"I'll travel the world."

Wala sa loob kong sagot.

"How about your studio?"

Tanong ni Eric.

"Ipinasa ko na ang lahat kay Sam. It's time for the world to see his abilities. Baka nga mahigitan ako ng batang iyon balang araw."

Yesterday, kinausap ko na si Sam tungkol doon. Siya lang naman ang mapagkakatiwalaan ko sa studio. Alam kong kaya niyang higitan ang ginawa ko.

"How about the music school? the High Notes Foundation?"

Ah. Yan ang pinakamahirap kong desisyon  na ginawa. Malaki ang parte ng High Notes School of Music at High Notes Foundation sa buhay ko, lalung-lalo na ang mga bata.

"I will give it up. Tutal Melody can replace me naman. Isa pa, hindi naman ako kawalan doon and Carisse can also teach in there. I just have to talk to Madam Crystal."

Napailing si Eric.

"I really can't believe what you are doing. Naplano mo na ang lahat sa simula pa lang."

Binigyan ko lang siya ng isang matamis  na ngiti.

"So ano bang plano mo?"

(Max)

Paggaling ko sa opisina dahil sa biglaang emergency agad akong umuwi. Wala naman kasi si Carisse ngayon may mga inaasikaso siya. Mga ilang araw din siyang busy kaya hinayaan ko muna siya.

Hindi ko nakita si Rain sa loob kaya sinilip ko siya doon sa garden. At gaya ng inaasahan ko nakaupo siya doon sa swing chair na ibinigay ko sa kanya.

Pinagmasdan ko lang siya, ang layo-layo ng tingin niya. Pakiramdam ko tuloy pasan-pasan niya ang daigdig.

Ilang araw ko na siyang napapansin na ganyan. Hindi na rin siya masyadong nagsasalita. Dati-dati kasi lagi niya akong kinukwentuhan. Hindi na rin siya sumasabay sa akin kapag papasok sa opisina. Kapag umuuwi ako sa gabi dito ko siya laging nakikita. Tatanungin niya ako kung gusto kong kumain kapag sumagot ako ng hindi, hindi na siya nangungulit. Tatahimik na lang siya.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon