Chapter 28

40.2K 1K 159
                                    

(Max)

I can say na nag-enjoy ako nitong nakaraang araw. Kasi naman puro kalokohan ang mga kaibigan ko. Atleast they are doing their  job in entertaining me.

Hindi na rin naman kasi awkward ang relasyon namin ni Carisse. In fact, parang kami lang dati. We do what we are doing in the past. Ang kaibahan lang ngayon magkaibigan na lang kami. But i still enjoyed being with her.

Si Rain naman sa gabi tumatawag yun lang kasi siya walang ginagawa. Pero kapag sa araw naman lagi siyang nagtetext. Sa makalawa na rin ang uwi niya.

Isa pa, nag-hire ako ng private investigator para alamin ang lahat tungkol kay Rain. Pero wala pang report ang inutusan ko. Mga ilang araw pa.

"Are we going to fetch Rain in the airport?"

Tanong ni Hugo.

"Bakit 'we'?"

Tanong ko naman.

"Syempre sasama ako. Alam mo naman baka may pasalubong sa akin si Rainy baby. Isa pa, namiss ko na siya. Biruin mo 2 weeks siyang nawala pero hindi man lang niya ako minemessage. Puro na lang si Max, si Max. Paano naman ako?"

Napailing na lang kami sa kadranahan ni Hugo. Si Angelique pinikot siya sa tenga.

"Manahimik ka nga dyan! Hindi naman ikaw ang asawa! Kaibigan ka lang!"

Nagtawanan lang kami sa gulo nilang dalawa. Nagkatinginan kami ni Carisse.

Ngumiti lang siya.

"Ay  nga pala. Mauna na ako sa inyo. May appointment kami ngayon ni Eric sa wedding planner."

Tumayo siya. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya.

"Ganun ba? Okay! Ingat ka."

Sabi ni Angelique.

"May sasakyan  ka ba?"

Tanong ko. Nagkatinginan sila.

"Susunduin ako ni Eric. He's on his way na. Hihintayin ko na lang siya sa labas."

Tumango ako.

"Okay. Sige.."

Umalis na siya. Hindi nakaligtas sa akin ang mga tingin nilang may laman.

"Alam ko kung ano ang iniisip niyo. We're friends, okay? Nagkasundo na kaming dalawa. Isa pa may kanya-kanya na kaming buhay."

I can't help but to explain to them. Ayokong sa pagbalik ni Rain magkaroon kami ng problema.

"Mabuti ng nagkakaintindihan tayo Max. Dahil pansin naming lahat ang pagbabago ninyong dalawa. Siguraduhin mo lang na hanggang magkaibigan lang kayo."

Seryosong sabi ni Hugo. Pagdating talaga sa kanya, lumalabas ang pagiging attorney ni Hugo. At ayokong kalabanan siya matindi kaya si Hugo kapag nasa loob ng korte.

"Oh well. Uuwi na kami. Kailangan ko pang mag-ready para sa dinner ng mga bata."

Sabi ni Lily.

"Oo nga. I have to do something pa din for tomorrow."

Tumayo na silang lahat. Tunayi na din ako para ihatid sila sa labas.

"Bukas na lang ulit!"

Isa-isa na silang nag-alisan. Hindi muna ako pumasok sa loob. Pumunta muna ako sa may garden. Nag-ready kasi ako ng regalo kay Rain. I just hope she'll like it.

Nagising ako ng may marinig akong yabag ng paa sa baba. Bigla akong bumangon, tinignan ko kung anonf oras na. 2 am. Sino naman kaya iyon?

Kumuha ako ng pamalo at dahan dahan naglakad pababa. Nakakarinih pa di  ako ng yabah ng paa pero maya-maya lang nawala.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon