Chapter 1

102K 2.2K 404
                                    

Chapter 1

 

(Rain)

1: 00 AM. Still no sign of him. Hay, lagi na lang ganito?

" Hay naku Rain, hindi ka pa ba nasanay? Dalawang taon ka ng ginaganyan ng asawa mo."

Parang baliw na nga ako dito at kinakausap ko na ang sarili ko. Natawagan ko na ang dapat tawagan pero hindi nila alam kung nasaan si Max.

Mabuti pa sa may labas ko na siya hintayin. Tumayo ako at naglakad palabas at sakto paglabas ko ang pagdating niya. Automatic na akong ngumiti, pagod siya sa trabaho dapat sasalubungin ko siya ng masigla para maging masigla din siya.

Bumukas ang pinto ng kotse niya at bumaba na siya. Kaya dali-dali akong lumapit sa kanya.

"Max, buti naman at nakauwi ka na.."

Hindi niya ako pinansin, agad natuon ang tingin ko sa sumunod na bumaba ng kotse. A beautiful girl. Para siyang model. No. She is a model. A super model to be exact. I know a model once I saw one. Agad siyang lumapit kay Max.

"Who is she, hon?"

 Tanong nito. Base sa accent niya she's a brazilian. But what did she say, hon? Tinignan ko si Max. He's not looking at me. Ano pa bang bago? He never looked at me.

"Don't mind her. She's just my wife."

Malamig na sabi nito at tapos umakyat na sila sa taas. Pinagmasdan ko lang sila hanggang mawala sila sa paningin ko. Alam ko naman na ang mangyayari. He's always like this. And he's right i'm just his wife.

A wife he will never love...

Bumalik na ako sa kusina, nasayang na naman ang niluto ko. Again, hindi pa ba ako sanay? Niligpit ko na lang iyon at pumunta sa secret haven ko.

Ah nga pala, I'm Crystal Rain Garcia-Del Valle, 23 years old, a photographer. There isn't much to know about me. Dahil hindi naman ka-interesadong tao. Yung kanina si Maximillian Del Valle, 24 years old, business tycoon, model, philanthropist, etc.

And he's my beloved husband that hates me so much..

Pinagmasdan ko ang mga litratong nakasabit sa dingding ng kwarto. Siguro kung makikita niyo lang ang laman nito sa loob, masasabi  niyong obsessed na ako. Kasi lahat ng mga litratong yun iisa lang ang subject, si Max.

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga litrato niya, ang ganda kasi ng ngiti niya. Ito na yung stress reliever ko, isang ngiti lang niya solve na. Yun kasi ang una kong nagustuhan sa kanya.

Pero ngayon hindi ko na nakikita ang ngiting yu.. Simula nung umalis ang babaeng mahal niya. At ako ang sinisisi niya.

"I know. It's always my fault.."

------

Maaga akong gumising para ipagluto si Max ng umagahan bago siya pumasok sa opisina niya. Ito na yung routine ko araw-araw sa loob ng halos isang taon naming mag-asawa. And I always feel contented taking care of him. Kasi alam ko kahit sa ganitong paraan naipapakita ko kung gaano ko siya kamahal.

Inaayos ko na yung lamesa at saka umalis. Alam kong ayaw niya akong makita paggising niya. Funny isn't? Ganun niya ako kamuhi. Ni anino ko ayaw niyang makita.

Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko napansin na nakatayo na pala ako sa tapat ng photo studio ko.

"Ms. Rain! Buti naman po andito na kayo, may tao po kasing naghahanap sa inyo."

Bungad agad sa akin ng assistant kong si Sam pagdating ko sa studio.

"Ganun? Pero wala naman akong inaasahan na bisita ngayon.."

Takang tanong ko. Wala naman kasing naka-schedule na photoshoot ngayon at  meeting.

"E Ms. Rain, puntahan niyo na lang po. Kanina pa po niya ako kinukulit!"

Natawa na lang ako. Halatang inis na inis na kasi si Sam. Si Sam na mahaba ang pasensya. Sino kaya ang taong nakasira sa pagiging pasensyoso ni Sam?

"Ok sige. Nasan na ba siya?"

Tanong ko. Pupuntahan ko na yun at baka layasan ako ng assistant ko na 'to.

"Nasa loob po ng opisina niyo. Bahala na po kayo a!"

Sabay alis. Napailing na lang ako. Kung sino man talaga yun na badtrip niya ang assistant ko na sobrang bait. Napailing na lang ako.

Pumunta na ako sa opisina ko. Pagbukas ko ng pinto.

"Why are you late Ms. Garcia or should I say Mrs. Del Valle?"

(Max)

"O bakit nakabusangot yang mukha mo? Ang aga-aga e!"

Paano ba naman hindi masisira ang umaga ko e, yung babae na inuwi ko kagabi ang ingay! Akala niya porke't naiuwi ko, kami na! In her dreams. Walang sinuman ang makakapalit sa babaeng mahal ko.. maski ang "asawa ko"

"HUY!"

Sinamaan ko lang ng tingin si Zach.

"Hmp. Suplado! Nagtataka tuloy ako kung paano ka natatagalan ni R---"

Pinutol ko yung sasabihin niya.

"Don't dare mention her name! I don't want to hear it for as long as I live!"

Tinaas niya ang dalawang kamay niya. As if saying surrender.

"Whoa! Easy! Sorry.. Wala naman kasing ginagawa sayo yung tao, galit na galit ka.."

Mahinahong sabi niya. What did he say, wala?

"Zach, ng dahil sa babaeng yan.  Nawala siya! Dapat ngayon masaya kami ng babaeng mahal ko. Kundi lang dahil sa pagiging makasarili niya."

I hate her! I f*cking hate Rain!

"It's been two years, siya pa din ang sinisisi mo. It's Carisse choice kaya siya umalis."

Carisse. The name of the girl i truly love. Nawala siya sa aking ng dahil sa babaeng 'yon. I hate my wife so much.

"Kundi lang niya tinulungan si Carisse, she will never left me."

I remember everything back then. The day she left me. My world crumble in just a snap when she left me without a trace.

"But she did, Max. Hindi na natin mababawi ang nangyari na. You just have to face the reality na she's not here with you. And Rain she's your wife."

Wife.  Hindi bagay kay Rain ang salitang yun. It should be Carisse not her. Hindi dapat siya ang may dala ng apelydo ko. Dahil wala siyang karapatan.

"I already face the reality, Zach. And that is to make Rain suffer until she gives up."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon