Chapter 56

48.3K 1.2K 127
                                    

(Rain)

Andito lang ulit ako sa isang sulok pinapanuod ang mga nangyayari sa reception. Pansin ko rin na kanina pa sila tingin ng tingin sa paligid nila. I know they're looking for me. Gusto kong pumunta sa kanila at makisaya pero hindi ko na kaya.. 

Ang nakakuha ng garter ay si Zach at syempre sa bouquet si Melody. Maabutan ko pa kaya ang kasal nilang dalawa? 

Nagsasayaw ngayon si Mrs. Del Valle at Max. Ang cute nilang tignan, nung kasal namin walang ganito, kasi naman wala naman talagang may gusto nun kundi ako lang ata.

"And for the father of the bride and the bride.."

Tumayo si Mr. Sanchez at lumapit sa kinaroroonan ni Carisse, inilahad ang kamay at inalalayan papunta sa dance floor. And they started dancing..

I always dream myself dancing with my own father. Gusto kong malaman ang pakiramdam.. Pero mananatili na lang yung pangarap. Mas mukha silang mag-ama kaysa sa amin. After all, I'm not their daughter anymore..

"For the couple's first dance as husband and wife.."

This time I will sing for this part. Just like what i did many years back during our prom. Gusto ko maalala nila ang unang beses na nag-sayaw sila.

This is my first wedding gift to them..

"I hope you don't mind na ako ang kakanta.."

Nagulat sila ng makita ako. 

"Medyo na short na kasi ang budget ni Max kaya ako na lang. Mababa lang naman ang talent fee ko. Just save your wedding cake for me.."

Nagtawanan yung iba. Umupo ako sa piano na andun. Sinadya ko talagang ipalagay ito para sa akin. Medyo nahilo ako kaya napapikit ako. Huminga ako ng malalim at muling nagmulat ng mga mata, nakita kong papalapit na si Hugo pero umiling ako. 

"This is my first wedding gift for the both of you.."

I smiled and touched the piano keys. And I started singing..

Pinapanuod ko lang kung paano sila mag-sayaw. They do fit for each other, my sister and my best friend.. 

 All my life I've prayed for someone like you                                                                                                               And I thank God that I, that I finally found you                                                                                                         All my life I've prayed for someone like you                                                                                                         And I hope that you feel the same way too                                                                                                                 Yes, I pray that you do love me too  

And i ended the song.. At silang dalawa yakap-yakap ang isa't-isa. I see tears in Max's face, and i know those are tears of happiness.

Huminga ako ng malalim. Nilapitan ako nilang lahat at niyakap. 

"Thank you, Rain.."

Sabay-sabay nilang sabi. I just smiled to them. Hindi na ako nakatakas sa kanila, doon nila ako pinaupo kung nasaan sila. Medyo malapit ito sa magulang ng dalawa, ngumiti lang ako.

Ngayon, magsasabi ng messages ang mga ibang bisita. They all did say their messages pero ako hindi, aba kumanta na ako kanina!

Now turn naman ang dalawa na magsabi ng message. Si Carisse ang nagsalita.

"Sa lahat ng andito, maraming-maraming salamat. Hindi niyo alam kung gaano kami kasaya na kasama namin kayo na masaksihan ang isa sa pinakamasayang parte ng buhay naming dalawa. Marami kaming napagdaanan bago mangyari ang lahat na ito. May mga taong nagsakripisyo para lang maging masaya kaming dalawa.."

Tumingin sa akin si Carisse. 

"Nagpapasalamat ako sa mga kaibigan namin. Andyan sila parati.. Sila ang saksi sa lahat. Pero amy gusto kaming pasalamatan na dalawa. Siya ang dahilan ng ito, siya ang may pinakamalaking ginampanan sa buhay namin dalawa.. Si Rain.."

Lumapit sa akin si Carisse.

"Thank you, Rain sa lahat.."

She hugged me. I hugged her back.

"You're my sister, how can i hurt you?"

Ngumiti ako sa kanya. I know she won't the sister word literally. 

"And i know you'll love him more than i did."

Tumingin ako kay Max. He smiled to me. And it melts my heart.

"Sige na bumalik ka na sa asawa mo. I hope you'll like my wedding gift.."

(Hugo)

Nagpatuloy lang ang party, pero parang may mali. I looked around pero hindi ko na naman makita si Rain. 

Biglang lumapit sa akin si Madam Crystal at Sir Reign. Bakas ang pag-aalala sa mukha nila.

"Si Rain?"

Tanong nilang dalawa.

"Hindi ko po alam. Kanina lang andito siya tapos nawala na naman."

Nagkatinginan ang dalawa.

"We gotta find her now!"

I searched around the area, nagtanong na rin ako pero walang Rain silang nakita. Hindi namin ipinapahalata sa iba ang alam namin dahil mas mainam na ang ganito. Lalo ngayon na may okasyon.

"Hugo, parang kanina ka pa balisa dyan. May problema ba?"

Tanong ni Zach.

"Wala naman. Masama lang ang pakiramdam ko. Mabuti pa mauna na kami sa inyo."

Kamalas-malasan lumapit pa ang bagong kasal.

"Si Rain?"

Tanong agad ni Max.

"Hindi namin alam. Sige, Max congratulations ulit. Mauna na kami.."

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Max at hinila na si Angelique palabas.

"Saan natin siya hahanapin Hugo?"

Napatingin ako sa araw, malapit na palang mag-sunset..

"Sunset.. Sh*t"

Kailangan namin siyang maabutan..

"Let's go. I think i know where she is."

Kailangan namin siyang maabutan...



A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon