Chapter 54

46.6K 1.1K 109
                                    

(Rain)

Masayang-masaya siya habang kasama si Carisse. Para tuloy akong invincible kasi hindi naman niya ako pinapansin. Bakit naman kasi ako umaasa na mapapansin niya kung kasama niya si Carisse? 

Kasabay ko kasi sila pauwi. Tumakas na nga ako para hindi na makasabay sa kanila kaya lang nakita nila ako. At sa pilitan akong pinaupo dito sa likod ng kotse. Wala naman problema kung kinakausap nila ako kaso pinapanuod ko lang silang masayang nagkukwentuhan. 

Pero kung pagmamasdan silang dalawa, alam kong true love na ang nararamdaman nila. The sparks in their eyes, their smile.. everything. As if two souls finally found their other half.

"Rain? Ayos ka lang ba dyan? Hindi ka nagsasalita."

Sabi ni Max. Nawala tuloy ako sa pag-eemo ko, i mean pag-iisip. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman ako kasali sa usapan nilang dalawa.

"Okay lang. Enjoy niyo lang. Invincible lang ako dito."

Biro ko sa kanila. Una niyang inihatid si Carisse. Pinagbuksan pa niya ito ng pinto, nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Halos ayaw na nilang bitawan ang isa't-isa. Ang higpit ng yakap nila na parang bukas katapusan na ng mundo. Bago pumasok sa loob ng bahay nila si Carisse, binigyan niya ito ng isang halik sa noo.

Ipinikit ko ang mga mata ko, kunwari wala akong nakitang ganun. Naramdaman kong bumakas ang pinto ng kotse. Kitang-kita ko ang napakagandang ngiti niya. Pinalipat niya ako sa unahan at kinwentuhan lang ng kung anu-ano. Ako naman nakikinig lang. 

"Rain.."

Lumingon ako sa kanya. 

"Mangako ka kapag kinasal kami ni Carisse gusto ko, andun ka. Ikaw ang tutugtog ha?"

Kasal agad? Talagang wala na akong pag-asa. Sa sinabi niyang iyon para akong nabasted. Pero hindi ko naman ipapahalata sa kanya. Ayokong magkaroon kami ng problema. Kaya ngumiti ako sa kanya.

"Pangako. Ikaw pa, kailangan andun ako best friend mo ako e!"

Natawa siya pero ako sa loob-loob ko ilang ulit ng sinasaksak ang puso ko. Pero alam kong hindi ko na magagawa ang pangako ko sa kanya. Kailangan ko ng umalis, iniisip ko kung malulungkot siya pero alam ko naman na hindi ako kawalan sa kanya. Baka nga hindi niya mapansin na wala na ako.

---

"Rain hija.."

Tumingin sa akin si Sir Reign. Andito na kami sa airport papuntang America. Doon nila ako dadalhin para gamutin ako.

"I-I can't leave..."

Kumunot ang noo niya sa isinagot ko pati rin si Madam Crystal. Lumapit silang dalawa sa akin.

"Akala ko ba payag ka na? We're doing this for you.."

Napayuko ako. Alam ko naman na ginagawa nila ang lahat para sa akin, halos sa akin na nga nakatuon ang atensyon nila. Lalo na sa kalagayan ko.

"Alam ko po, pero.."

Tumingin ako sa kanilang dalawa.

"Anong pumipigil sayo?"

Naalala ko na naman ang mukha ni Max na sobrang lungkot sa pag-alis ni Carisse. Halos hindi ako mapakali tuwing naaalala ko siya. Para siyang pinagbakgsakan ng langit at lupa.

"Kailangan ako ni Max.. Hindi ko siya pwedeng iwan."

Sagot ko. Nakita kong unti-unti ng nagagalit si Sir Reign.

"At paano ka? Importante pa ba ang lalaking iyon kaysa sa buhay mo!"

Nag taas na ng tono si Sir Reign. Napayuko ako..

"Sana po maintindihan niyo ako. Hindi ko kayang iwan siyang naghihirap ng ganun. Baka kung ano po ang mangyari sa kanya. Isa pa, may kasalanan din naman po ako sa nangyari.. "

Hindi na umimik si Sir Reign at tumalikod na sa akin. Alam ko na grabe ang pag-aalala nila sa akin. Pero hindi ko kaya talagang iwan basta si Max.

"Hija.. Naiintindihan kita alam namin kung gaano mo siya kamahal, pero hindi mo na saklaw ang pangyayaring iyon. Ginawa mo na ang parte mo sa buhay nilang dalawa. Kung anuman ang pinagdadaanan ni Max, hayaan mo siyang harapin iyon ng mag-isa."

Hinawakan ni Madam ng mahigpit ang mga kamay ko.

"Dahil sa huli baka masaktan ka lang.."

Malungkot akong ngumiti.

"Mas masasaktan ako kung hahayaan ko siyang ganun ka-miserable. Siya ang dahilan kung bakit hanggang ngayon andito pa ako, he light up my world.."

--

Akala nila nagpunta ako ng Singapore. Pero andito lang naman ako sa paligid nila, kailangan ko lang kulitin si Sam na kung may magtanong talagang wala ako. I just wanted to see things behind my back. Sabihin na lang natin na pinagtutulakan ko pa rin silang dalawa. Pero ayokong mawala sa akin si Max, ang gulo ko ba? Ako din naguguluhan sa sarili ko. Alam ko lahat, their secret meeting .. everything. 

And now here I am in a simple bar. Don't worry hindi ako iinom, kakanta lang. Temporary singer muna ako dito. Naisip ko lang at least bago ako mamatay ma-experience ko naman maging singer. Kumakanta ako dito kasi gusto kong ibuhos ang sakit na nararamdaman ko. I can't still play the piano so, umaasa muna ako sa boses ko.

"Carissa, ready ka na?"

I've used my real name. My birth name.

"Simulan na natin!"

Umupo na ako sa mini stage. Syempre nag-suot ako ng disguise baka may makakilala sa akin dito. Nag-signal na ako sa pianist. At nagsimula na akong kumanta..

Nearing the end of the song.. Ibinuhos ko lahat ng emosyong nararamdaman ko. 

But if you ask me

What you were to me

Even if it doesn't matter now

I must say it somehow

You were mine

Every tear I'd catch from falling

You were mine

Always knew that in this heart you were inside

You were mine

I believe that you were my best friend

Though I know I'm just a memory

Like the end to one of your stories

But to me you were the one I love and loved until the end

You are mine

Nagpalakpakan ang mga tao. Napayuko lang ako and hindi ko na napigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata ko. 

"Sino ba talaga ako sayo, Max?"

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon