Chapter 13

46.1K 1.2K 51
                                    

Chapter 13

(RAIN)

Hindi ako mapakali sa sinabi ni Max sa akin kagabi. Pakiramdam ko kasi parang niloloko lang ako ni Max. Kasi isipin niyo nga, bakit bigla-bigla na lang siyang magsasabi ng ganun? Kaya tuloy hindi ako nakatulog, maaga akong umalis ng bahay nila at pumunta sa studio.

Pero kasi..

Ramdam ko din yung sincerity sa mga sinasabi  niya. Hindi ko kasi alam kung maniniwala ako. Sa totoo lang gustung-gusto ko pumayag sa kanya kanina, kaya lang babalik na siya.. Malapit ng matapos ang tungkulin ko sa kanya. At kailangan ko na din silang hanapin.

"Rain.."

Tumingin ako sa tumawag sa akin.

Si Melody.

"Melody, anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?"

Tanong ko.

"Hmm.. Hindi naman. Kaya ako nandito feeling ko kasi kailangan mo ako sa mga oras na ito. Alam mo yun, parang may connection tayong dalawa. Kaya heto ako sa harap mo ngayon."

Then umikot siya sa harap ko. Nakakatuwa talaga si Melody, lagi siyang masaya.

"Ikaw Rainy, anong ginagawa mo dito? Normally, ganitong oras nasa bahay ka na at hinihintay ang magaling mong asawa. So, what's the matter?"

Huminga ako ng malalim. At saka kinuwento sa kanya ang nangyari kanina. Tahimik lang siyang nakikinig sa akin.

"Tama ba ang sinabi ko? Alam ko naman kasi na hindi siya sigurado sa desisyon niya. At saka pakiramdam ko kasi parang niloloko lang niya ako. And anytime sasabihin niya na biro lang yun.."

Inakbayan niya ako.

"Rainy, tama ang ginawa mo. Alam ko naman na baka paasahin ka lang niya and then sa huli bigla ka na lang niyang sasaktan. Pero paano na lang kung sincere siya na gawin ang sinabi niya? You may never know baka nauntog yun, kaya bigla-biglang nagsabi ng ganun."

Haay.. Ano nga ba ang gagawin ko? Wala namang alam si Melody kung gaano kakomplikado ang sitwasyon ko.

"Hindi ko alam, Melody. Anytime babalik na si Carisse, alam ko kung anong mangyayari kapag nagkita na silang dalawa. Ma---"

Pinutol ni Melody ang sasabihin ko.

"Mababalewala ka na naman."

Bumuntong hinga ako at tumango.

"Rain, malay mo hindi naman mangyari yun?"

Hindi ako umimik. I heard her sigh.

"Ayokong paasahin ka sa sasabihin ko pero malay mo Rain, this time ikaw naman.."

I want to believe her. I really want to, but...

"For once, isipin mo naman ang sarili mo, ang kaligayahan mo. Hindi puro sila na lang, ikaw naman. Ang dami mo ng isinakripisyon, may karapatan ka din naman sumaya. Just give yourself a chance."

I was really touched sa sinabi ni Melody. May point siya, maybe this time iba naman ang maging resulta.

"Sige.. Susubukan kong gawin 'yan. I'll try to be happy.."

Ngumiti siya at niyakap ako.

"Kahit na naiinis ako sa lalaking yun sa mga ginawa niya sayo, siya lang ang makapagpapasaya sayo. Pero kung nag-aalala ka sa mga mangyayari, kahit anong mangyari nandito lang ako sa tabi mo."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon