Chapter 3

60.1K 1.6K 140
                                    

Chapter 3

(Rain)

"WHAT! SI ERICSON MOORE!!!!"

Napatakip tuloy ako sa tenga sa biglang pagsigaw ni Melody. Kinuwento ko kasi si Eric. Tapos nung narinig na yung buong pangalan niya, ganyan ang reaksyon buti na lang soundproof itong office ko sa studio. Ang lakas ng boses!

"Oo. Bakit ganyan ka maka-react? OMG! Don't tell me may past kayo nun! ARAY!"

Pitikin ba naman yung noo ko! Ang sakit kaya! Hinimas-himas ko yung noo ko. Kaasar!

"Imagination mo wagas! Hindi mo ba siya natatandaan? Schoolmate natin siya.."

Eh? Schoolmate? Wala naman siyang nabanggit sa akin..

"Hay.. Papaalala ko sayo. Siya yung Head ng Art Club dati nung high school tayo, plus siya yung salotatorian natin! Nung college naman siya ang cum laude at ang representative ng Accounting Department.."

Clueless pa din akong tumingin kay Melody. Hindi ko siya maalala. Promise! Per infairness mahilig din siya sa art!

"Nevermind. Ikaw pa man din ang valedictorian at summa cum laude pero ang hina ng memorya mo."

Ako pa ngayon ang mahina ang memorya? E hindi ko nga matandaan na magkakilala pala kami. Dahil siguro puro si Max lang ang lalaking kilala ko noon.

"Nevermind. Wag ka na nga mag-isip. Baka ma-stress ka pa at magkasakit ka, kasalanan ko pa."

Ngumiti ako sa kanya. Ganyan si Melody, ayaw niya akong pinag-iisip masyado. Ewan ko ba dito, paano kaya ako magtatrabaho kung hindi ako mag-iisip di ba?

"Nga pala, yung concert natin, may naisip ka na ba? Para makapag-start na tayo ng preparations."

Tumango ako. At kinuha yung mga papeles sa drawer ng desk ko at saka inabot sa kanya.

"Tutal valentine's day kinabukasan natin gagawin, siguro imbis na sa loob ng Hotel mag-set up tayo ng stage sa labas sa may tabing dagat. Para mafeel naman nila yung presentations ng mga students. Gusto ko kasi parang romantic ang magiging atmosphere that night."

Napangiti ako kasi naiimagine ko na yung magiging set up. Sigurado ako matutuwa ang lahat ng dadalo sa concert.

"Why romantic? Hindi ba parang malayo sa concept ng concert for a cause natin yan?"

Tanong ni Melody.

"Of course not. I wanted a  different theme naman. Kaya nga I decided na ganapin the day before valentine's day. Hindi lang naman tungkol sa mga couple 'yon, para sa lahat ng taong nagmamahal ang concert na 'yon. Para sa mga donor's natin na mahal ang mga bata na tinutulungan nila."

Tumayo ako at saka naglakad papalapit sa bintana.

" At saka 2 in 1 ang gagawin nating concert. Ito na rin ang way ng pasasalamat at paghingi ng tulong natin sa kanila. Dumadami na kasi ang bilang ng mga batang napupunta sa ampunan. Nakakalungkot lang isipin. Kailangan ng paluwangan pa ang mga bahay ampunan, para maging komportable ang mga bata."

Totoo yun. Nang malaman ko ang ganitong sitwasyon nalungkot ako. Naawa kasi ako sa mga batang 'yon. Hindi nila mararanasa kung paano mahalin ng isang magulang. Parang ako.

"And besides, it will be a very special day.."

Tumango lang si Melody. Alam kong naiintindihan niya ako sa gusto kong mangyari.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon