Chapter 48

50.4K 1.3K 186
                                    

(RAIN)

"Aalis na kayo?"

Malungkot kong tanong kay Hugo at Angelique. Nagpapaalam silang dalawa na kailangan na nilang bumalik sa Manila.

"Oo pero babalik din naman kami. May importante lang kaming kailangan ayusin."

Sagot ni Angelique.

"Ganun ba? Okay lang naiintindihan ko."

Kahit na nalulungkot ako hindi ko naman sila pwedeng pigilan kasi may buhay din naman silang sarili. Kaya lang sila andito ay dahil sa akin.

"1 week lang kami doon Rainy."

Lambing ni Hugo sa akin. Napangiti ako sa inaakto niya lagi siyang nagpapacute.

"Promise, 1 week lang?"

Tumango silang dalawa.

"Tapos babalik kayo ulit dito?"

Tumango silang dalawa ulit.

"Sige hihintayin ko kayo. Tapos kamustahin niyo na rin si Melody, baka kasi ano na ang nangyari doon. Si Zach din baka na-stress na kakaalaga kay Melody. Yung triplets din, si Lily at Dino."

Wala kasi akong balita sa kanila. E paano naman kasi akong magkakaroon ng balita e malayo ako sa kanila.

"Sige sasagap ako ng tsismis tungkol sa kanila lalo na tungkol kay Max at Carisse."

Nginitian ko lang si Hugo.

"At saka pasalubong na din na ice cream. Yung double dutch ha? Then pakibilhan na rin ako ng chocolate, kahit anong brand basta chocolate. O bago ko makalimutan, puntahan niyo nga si Sam, kamustahin niyo siya kung buhay pa sa studio ang batang yun."

Muntik ko ng makalimutan si Sam. Namiss ko din ang dati kong assistant na yun! Pero alam ko magiging successful siyang professional photographer.

"Rain, sa Manila kami pupunta hindi sa ibang bansa. At saka dito ka na lang magpabili may grocery store naman. Yung ice cream kapag inuwi pa namin dito tunaw na yun!"

Kunot noong sabi ni Hugo sa akin.

"Ano ka ba? Sikreto lang natin iyon! Hindi kasi nila ako papakainin ng mga yun. Puro healthy foods lang ang ihahain sa akin ng mga tao dito. Kulang na ang katawan ko ng sweets!"

Totoo naman, walang lasa ang kinakain ko dito. Takot kasi silang suwayin si Sir Reign sa mga ipapakain sa akin. E mas lalo lang naman akong nanghihina dahil na-stress ako hindi ko makain ang gusto ko.

"Bawal naman pala sa iyo? E Bakit kita bibigyan?"

Masungit na tanong ni Hugo.

"Kasi mahal mo ako!"

Napatingin ako sa gawi ni Angelique at nag peace sign.

"Don't misinterpret Angelique!"

Natatawa lang siyang tumango sa akin.

"Yeah right! Alam mong hindi kita matitiis. Pero kapag napagalitan ako, humanda ka sa akin!"

Nagtawanan lang kaming tatlo hanggang sa oras na para umalis sila. Nakatanaw lang ako sa bintana ng kwarto ko. Hindi ko naman kasi sila maihatid sa baba dahil ayaw nga akong palabasin. Maya-maya pa umalis na ang kotse nila.

Natahimik na naman ang mundo ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang ingay ng dagat at ang mga taong nasa ibaba.

"Sino na ang makakausap ko ngayon?"

Naalala ko ang camera ko. Kinuha ko ito sa ilalim ng kama. Ang tagal ko rin hindi ito nahawakan simula ng bumalik ako. Kung hindi ba naman ako pabalik-balik sa kwartong puno ng machines!

Hinalungkat ko ang laman nun at hindi ko maiwasang hindi mapangiti tuwing nakikita ko ang mga litrato. Sa pamamagitan kasi nun parang bumabalik ako sa mga pangyayari noon.

Yung iba nga nakakalimutan ko na. Napapansin kong may mga bagay na akong nakakalimutan. Kaya nga kahit anong mangyari lagi kong dala ang camera ko. Dahil natatakot ako.. Natatakot akong makalimutan ang mga alaala ko kasama silang lahat. Masaya man o malungkot, ang mga alaalang iyon ay iniingatan ko ng mabuti. I treasure it, more than my life.

"Rain?"

Lumingon ako sa may pintuan.

"Kumain ka muna.."

Pumasok si Madam Crystal dala-dala ang tray na naglalaman ng pagkain ko. Inilapag niya ito sa harao ko. Pero hindi ko pa rin binibitawan ang camera ko.

"Madam bakit hindi na po kayo nag-asawa?"

Wala sa loob kong tanong kay Madam habang tumitingin pa rin sa mga kuha sa camera ko. Narinig kong natawa si Madam.

"Para saan pa? May pamilya naman na ako. Ikaw, si Reign, si Sister at ang mga bata sa ampunan. Hindi ko na kailangan nun!"

Naangat ang tingin ko sa kanya.

"Seryoso po?"

Muli siyang natawa pero maya-maya sumeryoso din.

"Lahat naman ng babae pinangarap magkaroon ng isang fairytale na buhay. Yung magkakaroon ka ng isang asawa, mag-kakaanak at magiging masaya. Pero hindi ganun ang reyalidad ng buhay."

Tumingin si Madam sa malayo.

"Just like you, nagmahal din ako. Nabuo na ang pangarap ko kasama ang lalaking mahal ko. I was already pregnant at that time. Sobrang saya ko kasi lahat ng pangarap ko na magkaroon ng isang masayang pamilya ay mangyayari. But then sadyang malupit ang tadhana. Nakatakda siyang ikasal sa iba. Pinaglaban niya ako sa mga magulang niya, tumakas dinkaming dalawa. Pero natunton din kami. Hindi kami sumuko dahil sa pagmamahal namin sa isa't-isa pero nagbanta sila na papatayin ako at ang anak namin. Knowing him, alam kong hindi niya papayagan mangyari iyon. Kaya wala siyang nagawa kundi ang magpakasal."

Tumingin siya sa akin

"Alam mo ba kung kanino siya ikakasal?"

Umiling ako.

"Sa best friend niya. Kagaya niya wala rin magawa ang best friend niya. But i know all throughout may gusto ang kabigan niya sa kanya pero the girl supported us. And hindi ko makuhang magalit dahil sa kabutihan na ipinakita niya sa akin. I even attended their wedding. And until now i can still remember everything that day.."

Napangiti si Madam.

"Pero nang araw din na yun, habang pinapanuod ko sila. I decided na baka hindi kami ang para sa isa't-isa. Kasi ginawa na namin ang lahat pero hindi umaayon ang tadhana sa aming dalawa. At alam ko mamahalin siya ng babaeng yun ng higit pa sa ginawa ko. At hindi ako nagkamali, they look so in love now."

Hinawakan ko ng mahigpit ang dalawang kamay ni Madam.

"Hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko, Rain. Kasi ng mawala siya ang daming taong pumalit sa pwesto niya. Andyan kayong lahat. Pero inaamin ko after him wala ng iba, he is my true love."

True love.

"Pero ang anak niyo po?"

Nakita ko kung paano lumungkot ang kanyang mukha.

"He didn't make it. Isa rin yun sa naging dahilan kung bakit alam kong hindi kami ang para sa isa't-isa. Siguro paraan na rin iyon para hindi niya maramdaman ang kalungkutan ng mundo. Pero natagpuan ka ni Reign. Kahit papaano naging isang ina pa rin ako sa pamamagitan mo."

Hinawi ni Madam ang buhok na nakaharang sa mukha ko.

"You've been through a lot. Ikaw ang nagpakita sa amin kung paano magmahal ng walang kapalit. You showed us how to love unconditionally, Rain. We want to give back the love you gave to us. We are all willing to do anything for you. Just for you."







A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon