Chapter 37

45.4K 1.1K 143
                                    

(Rain)

Mabigat sa loob ko ang umalis sa bahay namin ni Max. For the past 2 years, this place is my only home. But now...

Pagkauwi-pagkauwi ko kahapon galing meeting namin ni Max, inayos ko na ang mga gamit ko.

Pumasok ako sa secret haven ko. Umupo sa gitna ng kwarto at ipinikit ko ang mga mata ko.

Gusto kong isipin na bukas magiging maayos ang lahat. Na bukas makakangiti pa rin ako. Pero alam ko naman sa sarili ko na kahit anong kumbinsi ko tapos na ang lahat. Sa pagkakataong ito talagang wala na.

Tumayo ako at isa-isang iniligpit ang mga litrato. Habang inililigpit ko iyon, hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Naalala ko kasi ang mga pangyayari dahil sa mga litrato.

These photographs are my memories.. Ito lang ang magpapaalala sa akin ng lahat ng mga bagay na pwdeng kong makalimutan.

Mga alaalang ang sarap balik-balikan. Mga alaalang hindi na maibabalik pa. Mga panahong masaya pa ang lahat. Pero dahil sa pagmamahal ko kay Max, sa kanilang lahat. Ibinalik ko ang nakaraan pero sa pagkakataong ito, hindi ako kasali.

Tumingin ako sa huling pagkakataon sa kwarto kung saan namalagi ako ng 2 taon.

Ang sinunod ko naman ang tanggalin ang mga wedding pictures namin. Naalala ko noong araw ng kasal namin. Akala ko hindi dadating si Max. Sa totoo lang ipinagdasal ko na dumating siya dahil kinumbinsi ko na lang ang sarili ko na mahal niya kaya gusto niya akong pakasalan. Gusto kong maramdaman kung paano ikasal sa taong mahal mo. Gusto kong maramdaman ang pakiramdam ng mga babae kapag nagsuot sila ng wedding dress nila. Kahit na hindi totoo ang lahat ng araw na iyon masasabi kong iyon ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Dahil hindi ko alam kung mararanasan ko pa ba ang ganoong bagay.

Napaupo ako sa sofa at hindi ko mapigilang hindi umiyak.

Ganito naman talaga ang mangyayari, pero bakit masakit? Kung siguro lumayo na ako noon pa hindi ganito kasakit. Kung hindi lang sana umalis si Carisse noon, hinayaan ko na silang masayang dalawa noon pa man. Pero walang may kasalanan nun kundi ako dahil ginusto ko ang nangyari.

Tumingin ako sa labas at nakita ang swing chair na ibinigay sa akin ni Max. Pinahiran ko ang luha ko. Lumabas ako at lumapit doon.

Sa tagal ko atang nakatitig doon hindi ko tuloy napansin na may tao sa likod ko.

"Rain, hija.."

Nagulat ako.

"Mr. Del Valle.."

Ngumiti siya sa akin.

"Malalim ata ang iniisip mo."

Ngumiti lang ako at muling pinagmasdan ang swing chair.

"Nabalitaan ko ang nangyari.. Kaya ba hindi mo tinanggap ang tulong ko?"

Hindi ako lumingon pero sumagot ako.

"Gusto kong tapusin ito ng walang dinadamay. Baka kasi kapag nalaman pa ni Max na may alam kayo baka magkaroon lang po kayo ng problema. Ayokong ng dahil sa akin, may magkagulo na naman.."

Huminga ng malalim si Mr. Del Valle.

"Walang kaso iyon Rain. Para ka na naming anak.."

Napangiti ako. Ang sarap pakinggan kapag tinawatawag kang anak..

"Kung sana totoo ang lahat ng ito, gusto ko rin magkaroon ng magulang kagaya ninyo. Nakikita kong magiging kagaya niyo si Max pagdating ng panahon. Isang mabuting magulang. Gusto kong makita ang mangyayari sa hinaharap pero imposible na. Wala na akong lugar dito."

Lumingon ako sa kanya.

"May lugar ka sa amin, Rain. Alam kong masakit sa iyo ang hiniling namin. At humihingi ako ng tawad pero hindi ibig sabihin nun hindi ka na namin kailangan. Isa pa, ikaw lang ang nakakatagal sa kaweirduhan ng asawa ko."

Natawa ko tuwing naalala ko si Mrs. Del Valle.

"Hindi lang po ako. Si Carisse, may pagka-weird din kasi iyon kaya alam kong magkakasundo silang dalawa. Siya naman po talaga ang dapat nasa posisyon ko."

Tumingin ako sa malayo.

"Saan ka na pupunta ngayon?"

Tanong niya.

"May gusto po akong puntahan lugar. Gusto ko po sanang kasama si Max pero hindi na mangyayari iyon. Tatapusin ko na lang po ang photo exhibit ko. Pumunta po kayo ah."

Ngumiti siya.

"Oo naman."

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Mr. Del Valle. Isang yakap ng isang ama para sa anak niya. Ang sarap sa pakiramdam.

"Kung madidiktahan ko lang si Max, ikaw ang gusto kong makasama niya."

Nararamdaman ko na naman ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko.

"Pwede naman po. Pero hindi siya magiging masaya. Kayo na rin po ang mahalaga sa inyo ang kaligayahan niya. Naiintindihan ko naman po."

Humiwalay sa akin si Mr. Del Valle.

"Napakabait mo, Rain. Mahahanap mo rin ang tunay na magmamahal sayo."



Palubog na ang araw. Hindi na talaga bumabalik si Max dito o baka naman babalik lang siya kung wala na ako. Sa totoo lang miss na miss ko na siya. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na puntahan siya kahit masulyapan ko lang siya kahit sandali.

Muli kong pinagmasdan sa huling pagkakataon ang bahay namin. Maraming alaala ang meron ako dito. Hindi lang naman puro lungkot kundi may mga masasaya din.

May humintong sasakyan sa harapan ko. Bumaba ang bintana ng kotse.

"Crystal.."

"Madam Crystal.."

Ngumiti siya sa akin. Bumaba ang driver niya at pinagbuksan siya ng pinto. Bumaba si Madam Crystal at niyakap ako ng mahigpit.

"Sabi ko naman sayo, kung hindi mo na kaya. Tama na.. Tignan mo ang nangyari lalo ka lang nasaktan."

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang na yakapin niya ako.

Humiwalay si Madam Crystal at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Oras na para bumalik ka doon.."

Napayuko ako.

"Madam, pwede po bang pagkatapos na lang ng exhibit? Gusto ko lang i-enjoy ang lahat.."

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa braso ko. Iniangat niya ang tingin niya sa akin.

"Crystal.. Nag-aalala na ako sayo, kaming lahat. Pero kung iyan ang kagustuhan mo, sige. Sa ngayon, dadalhin muna kita sa lugar kung saan ka pwedeng manatili."

Tumango ako at ngumiti.

"Thank you, Madam."











A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon