Chapter 40

49.2K 1.3K 162
                                    

(Max)

Paano siya nagkaroon ng litrato na ito? She's in Singapore that time.. Pwera na lang kung---

"Max?"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Zach.

"Are you okay? Kanina pa kita  tinatawag. Pinapaupo muna tayo."

Napalingon ako sa paligid. Oo nga wala ng tao lahat nakaupo na.

"Uh ganun ba? Tara.."

Pumunta na kami sa table kung nasaan sila. Andun na rin si Carisse, kaya sa kanya ako tumabi. 

"Nakita ko sila Tito at Tita, kasama nila sina Mama at Papa doon sila nakaupo."

Sabay turo sa akin sa pwesto nila. Nakita ko nga sila mukhang masaya silang nagkukwentuhan. Nakakatuwa lang kasi maayos naman ang samahan nila. Hindi na kami mahihirapan ni Carisse sa hinaharap.

Umakyat si Madam Crystal sa stage.

"Good evening, ladies and gentleman and let me begin by telling all of you how great it is to see that so many of you took out time from your busy schedule to come to this exhibit. From the bottom of our hearts, we thank you for being here.."

Nagpalakpakan ulit ang mga tao.

"Wag na natin itong patagalinI would like to introduce to you the creator of these wonderful exhibit. Let's give a warm around of applause to Ms. Rain Garcia!"

Tumayo ang lahat at pumalakpak para kay Rain. Nakatingin ako sa stage kung saan siya tatayo. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad siya. At ng huminto siya sa gitna ngumiti siya sa mga tao.

Iniabot ni Madam Crystal sa kanya ang mic. Dalawang kamay niya ang nakahawak doon.

Sa totoo lang hindi ko mapigilang hindi mapangiti habang pinagmamasdan ko siya. She looks beautiful. She's not even wearing too much make up. Iyon pinagkaiba niya sa ibang babae, she's beautiful on her own way.

"Magandang gabi sa inyong lahat. Ang tagal ng simula ng humarap ako sa ganitong kadaming tao. Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat sa pagpunta. Alam ko naman may mga sari-sarili kayong schedule at yung iba baka napilitan pang pumunta dito."

Parang kami lang ang pinariringgan niya. Kung hindi naman talaga dahil kay Carisse, wala kami ngayon dito.

"Gusto ko lang ibahagi ang mga larawan na nakikita niyo ngayon. Alam niyo kasi ang tagal kong inipon ang mga ito. They are my memories, mga alaalang kahit kailan ay hindi ko makakalimutan lalung-lalo na ang mga taong naging bahagi nito. They are my everything. Sila ang pamilya ko at mahal na mahal ko silang lahat. I always dream of having a family because I don't have one and God give them to me. I couldn't ask for more."

Hindi maalis ang tingin ko kay Rain. So ang ibig sabihin wala siyang magulang? Nagkatinginan kaming lahat na magkakaibigan.

"I also want to take this opportunity to say goodbye to everyone. Probably this is my last exhibit."

Maraming nag-react sa sinabi niya. Pati di naman kami, maski ako. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Why would she say goodbye?"

Naiiyak na tanong ni Melody.

"Alam kong nabigla kayo pero kailangan kong gawin ito. Nangako kasi ako sa isang importanteng tao sa akin na I'll leave kapag tapos na ang lahat.."

Alam ko na ako ang tinutukoy niya. I can feel their eyes looking at me. Hinawakan ni Carisse ang kamay ko.

"Natapos ko naman na ang mga dapat kong gawin kaya magpapahinga na ako. I consider this as my vacation after a very long time of working."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon