Chapter 7

49.5K 1.3K 54
                                    

Chapter 7

(Max)

"Son.."

Nagulat ako ng biglang dumating dito si Papa sa opisina. Ano kayang ginagawa niya dito?

"Papa.. What are you doing here?"

Tanong ko. Umupo ito sa sofa na nasa harap ng table ko.

"Wala lang. Gusto ko lang makita kung paano ka magtrabaho. Alam mo kasi napag-isipan ko ng ibigay sayo itong kompanya."

What? Ibibigay na niya sa akin? Napangiti ako.

"Tutal naging mabuti ka namang asawa kay Rain. At saka wala akong nabalitaang kalokohan mong ginawa these past years. But.."

Tumingin siya sa akin ng may nakakalokong ngiti.

"Doon muna kayo tumira ni Rain sa bahay. Until ibigay ko na sayo ang kompanya. Besides, I want to spend time to my daughter-in-law."

Damn!

"Bakit pa? Pwede mo namang papuntahin si Rain sa bahay para magkaroon kayo ng bonding moments."

Sumeryoso ang mukha ni Papa.

"Don't question me, Max. Hanggang wala pa sayo ang kompanya, you'll do what i say."

Asar! Kapag doon kami tumira, mapipilitan akong magkunwari na mahal ko ang babaeng yun! Nakakainis talaga!

"Sige po."

Tumayo siya.

"C'mon, parang ayaw mong makasama namin kayo ng Mama mo. Pwera na lang kung may tinatago ka sa amin, anak."

Natigilan ako. Hindi kaya nagsumbong si Rain? 

"Don't worry gusto ko lang makasama kayo kahit mga 2 buwan lang. May gusto lang akong patunayan."

Patunayan? Ano naman kaya yun?

"Nakalimutan ko may meeting pala ako ngayon. Sige alis na ako!"

Hindi man lang ako nakapagtanong, nilayasan kaagad ako. Kaya lang panibagong problema na naman 'to.

(Melody)

"Ang lalim yata ng iniisip mo, Rainy.."

Tumingin siya sa akin at saka bumuntong hininga. Kanina ko pa kasi napapansin na parang pasan-pasan na naman niya ang daigdig. Hindi nga siya tumatayo sa pwesto niya sa loob ng anim na oras. Meron kasi nga kaming meeting ngayon pero siya nasa ibang mundo na naman ang isip.

"Hindi naman.. Naisip ko lang kasi, kailan ba kayo magpapakasal ni Zach?"

Nagulat naman ako sa biglang tanong ni Rain.

"Bakit mo naman natanong yan?"

Nagkibit balikat lang siya.

"Iniisip ko na kasi kung ano ang ireregalo ko sa inyo. Alam mo na para naman prepared ako."

Napailing ako. Si Rain talaga. Pati ba naman yun pinoproblema na niya.

"Wag mo muna isipin baka matagal pa yun. Pero ano ba talaga ang iniisip mo?"

Umiling si Rain.

"Wala lang.."

Hindi ako naniwala sa sinagot ni Rain sa akin. Alam ko na may malalim siyang iniisip. Ayaw lang niyang sabihin sa akin.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon