Chapter 2

80K 1.8K 263
                                    

Chapter 2

(Rain)

"Why are you late Ms. Garcia or should I say, Mrs. Del Valle?"

What is she doing here?! I thought nasa ibang bansa siya? How come na andito siya?

"What's with the face? Para ka namang nakakita ng multo! Well, FYI lang. Hindi multo itong nakikita mo kundi si Melody, ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa."

Then she flip her hair. She's really here. Ang tagal din kaming hindi nagkita ng babae na 'to.

"Hoy Crystal Rain Garcia. Galaw-galaw din baka ma-stroke ka dyan."

Tapos ngumiti ako ng pagkalapad-lapad at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Melody!Namiss kita!"

She's Melodia Harmony Kim. She's my bestfriend.

"Halata nga e. Ang higpit ng yakap mo.."

Natawa lang ako saka bumitaw sa kanya.

"Kailan ka pa bumalik hindi mo man lang ako tinawagan para nasundo kita. Teka kumain ka na ba? Gusto ko ipagluto kita ng favorite mong carbonara?"

Tatawa-tawang umakbay sa akin si Melody.

"Easy. Para masagot yan mga katanungan mo, kanina lang ako bumalik. Si Zach na ang sumundo sa akin. At saka hindi pa ako kumakain kaya ipagluto mo na ako ng carbonara!"

Inaya ko siya sa kusina para makapagluto na. Ang dami niyang kwento sa akin, galing kasi siya sa isang world tour. Si Melody kasi isa siyang sikat celloist pero mas mahilig siyang mag-flute. Ang gulo niya din noh?

"Rainy, kamusta naman kayo ng magaling mong asawa?"

Tanong niya. Tuwing binabanggit niya ang asawa ko laging nakakunot ang noo niya. Alam ko naman na galit siya kay Max. Pero nginitian ko lang siya. Alam kong alam niya ang ibig sabihin ng ngiti ko.

Napabuntong hininga siya. At saka nailing.

"Rain..."

Tawag niya sa akin.

"Hmm?"

 Ang tagal niya bago siya magsalita ulit.

"Nagkita kami"

Agad akong natigilan. Kilala ko naman kung sino ang tinutukoy niya.

"She's coming back."

Malungkot niyang sabi. I smile. Alam ko naman kahit hindi niya sabihin, alam kong babalik siya.

"Of course she is. She's coming back for him."

At ipinagpatuloy ko ang pagluluto. Gusto ko sanang sabihin na wag muna sana. Pero sino ba naman ako para pigilan na mangyari yun? Babalik at babalik siya.

"You have to let him go."

Napapikit ako. I want to.. but he's the only person i need this time. Habang wala pa siya ako muna ang nasa tabi niya, kahit na ilang beses na niya akong ipinagtatabuyan.

"I love him. And he's my husband. I made a vow in our wedding that I won't leave him."

Malumanay kong sagot.

"Masasaktan ka lang. Masasaktan lang kayo pare-pareho. You have to do what is right. You know how much I care for you, Rain. Gusto ko lang na maging masaya ka."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon