Chapter 33

40.2K 979 294
                                    

(Max)

"Hey, what's the matter? Kanina pa ako salita ng salita dito hindi ka naman nakikinig."

Napatitig lang sa akin si Carisse.

"Oh? Sorry, marami lang akong iniisip."

Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam kapag kasama ko siya pakiramdam ko malaya ako.

"Max, paano kung malaman nila ang tungkol sa atin? Lalo na si Rain?"

Alalalang tanong niya. Huminga ako ng malalim.

"I don't know. Pero hindi ko hahayaang mawala ka ulit sa akin. Si Rain, she will understand. She always do."

Napatingin siya sa left hand ko.

"Hindi mo na suot ang wedding ring niyo."

Tapos ay muli niyang ibinalik ang tingin sa akin.

"Wala na rin namang saysay kung isusuot ko pa iyon. Wala namang halaga sa akin dahil unang-una hindi ko naman siya mahal."

Hinubad ko na iyon simula ng magkabalikan kami ni Carisse.

"Pero para sa kanya may halaga iyon, Max. Asawa mo pa rin siya may responsibilidad ka sa kanya. Mali itong ginagawa natin.."

Kumunot ang noo ko.

"Why are you saying that? Oo asawa ko siya pero hanggan doon na lang yun. Yun lang naman ang nag-uugnay sa aming dalawa. Mahal na mahal kita.."

Alam ko nagdadalawang isip na naman siya. Pero hindi ko hahayaan na magbago na naman ang isip niya.

"Pero.."

Pinutol ko ang sasabihin niya.

"No. Hindi ako makikinig sa iyo. Mabuti pa, ihatid na kita.."

Ihinatid ko na siya sa kanila.

"I'm sorry Max sa sinabi ko. Na-guguilty lang kasi ako. Si Rain, alam nating pareho kung gaano ka niya kamahal."

Napapikit ako. Alam ko naman yun.

"I told you, wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano ako ng bahala."

Hinalikan ko siya.

"I love you.."

"I love you too, Max.."


Nanahimik ako sa opisina ko ng biglang dumating si Zach.

"Ano na naman?"

Inis kong tanong.

"Wala lang. Pakiramdam ko kasi kailangan mo ng advice ko."

Tapos umupo siya sa harap ko.

"Ano bang dapat kong gawin? I made a promise to Rain pero tuwing nakikita ko si Carisse nakakalimutan ko lahat iyon. Sa kanya lang nakaikot ang mundo ko."

Biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Alam mo Max. Mahal naming lahat si Rain, pero nakikita din namin na mahal niyo ni Carisse ang isa't-isa. Pero malaki ang naging hirap ni Rain sayo Max. Ibinangon ka niya ulit noong mga panahon na bumagsak ka. Tinanggap niya ang galit mo hindi ka niya iniwan kahit na pare-pareho nating hindi alam ang totoong pangyayari noon."

Tama siya. Si Rain, lagi ko siyang nasa tabi kahit na sa puntong nasasaktan ko siya hindi niya ipinapakita.

"Kaya kung ako ang tatanungin mo hindi ko gusto ang ginagawa mo. Ikaw na rin ang may sabi Max, nangako ka. Pwes tuparin mo. Hindi mo na nga tinupad ang pangako mo nung ikinasal kayo pati ba naman ang huling ipinangako mo sa kanya hindi pa rin gagawin."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon