Chapter 9

46.8K 1.5K 98
                                    

Chapter 9

 

(RAIN)

 

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng music room ng school. Baka kasi makita ako ni Melody, baka bugahan ako ng apoy nun! Late na naman kasi ako, may practice kasi ngayon ang mga bata at kailangan 8 am andito na kaso 9:30 na. Kaya alam ko ngayon umuusok na ang ilong nun!


*Tingin sa kaliwa*


*Tingin sa kanan*


Wooh! Clear. Walang Melody akong nakita. Puro mga bata lang at saka yung ibang mga music teachers lang ang nandito.


Umayos ako ng tayo at dire-diretsong naglakad sa loob.


"Good morning, everyone! Kamusta naman ang practice niyo?"


Hindi sila sumagot, nakatingin sila sa akin? Pero parang hindi naman sa akin. Tapos feeling ko may masamang aura akong nararamdaman sa likod ko.


"Ahm. Si Melody?"


Parang may tinuturo yung isang bata sa akin sa bandang likod ko. Kaya lumingon ako. Pagtingin ko sa likod, isang nakangiting Melody ang tumambad sa akin.


Nakakatakot ang ngiti niya. Napalunok ako, patay!


"Hello, Crystal Rain. I'm glad you finally join us in the practice."


Unti-unti siya lumapit sa akin. Humahakbang naman ako palayo. Naku po! Hindi na ata ako makakalabas ng buhay dito.


"M-melody k-kasi may ginawa lang ako. Hindi ko na napansin yung oras."


Ngumiti ako ng pagkalaki-laki. Pero wala pa rin siyang reaksyon. Mukhang galit na galit talaga siya sa akin.


"Sorry na, Melody. Promise hindi na mauulit."


Napabuntong hininga si Melody. At napahimas sa sentido niya.


"Fine. I'm just worried na baka kasi kung anong mangyari sa concert. We only have one and a half month."


Napangiti ako.


"I know. Alam mo dapat siguro ikaw na ang maging President ng High Note Foundation. Sa tingin mo?"


Natawa ako kasi ang cute ng reaksyon ni Melody. Nanlaki kasi ang mga mata niya.


"Baliw ka talaga!"


Sigaw niya. Lalo lang akong natawa.


"Matagal ko ng alam 'yan. Pero i think dapat ikaw na ang pumalit sa akin. Tutal naman, mas may future ang foundation sayo."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon