Chapter 17

43.6K 1.2K 90
                                    

(Third Person)

Nanatiling nakatayo sa gitna si Rain at pinipilit niyang isipin kung ano ba ang nangyayari. Hanggang sa may lumapit sa kanyang lalaki at inilahad nito ang kaliwang kamay.

"May i have this dance?"

Hindi kaagad siya nakareact. Pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki pero hindi niya matandaan kung sino. Mukha itong chinese.

"Ahm. Sige?"

Hindi siguradong sagot niya. Hindi naman niya pwedeng tanggihan ang lalaki dahil mukha naman itong mabait at higit sa lahat gwapo.

Hinawakan niya ang mga kamay ni Rain at inilagay sa balikat nito. At humawak naman siya sa bewang ni Rain.

'Hindi ako sanay na may humahawak sa akin, pero ang lalaking ito komportable kaagad ako sa  kanya.'

Habang nagsasayaw sila, pinagmasdan ni Rain ang mukha ng lalaki.

'Parang kamukha niya si Dino, pero ang alam ko nasa China yun ngayon. Hindi kaya kamag-anak niya?'

"Pwede ba akong magtanong sayo?"

Tanong ni Rain sa lalaki.

"Shi-de.." (Yes..)

Nakangiting sagot nito. Nagulat siya, he knows mandarin?

"Ah.. Alam mo ba kung anong meron dito? Kasi nagulat na lang ako nandito na ako."

Lihim na napangiti si Dino.

"Just wait.."

Kumunot ang noo ni Rain sa naging sagot ng lalaki. Nagsayaw lang sila ng nagsayaw habang pinagmamasdan niya ang lalaki at may naalala siya.

"Dino?"

Ngumiti ang lalaki.

"Finally, nakilala mo rin  ako. Ganun na ba katagal tayo hindi nagkikita at nakalimutan mo ang gwapo kong mukha?"

Biro nito kay Rain.

"Siyempre hindi. Para kasing mas lalo kang gumwapo kaya hindi kita nakilala. Mabuti siguro mag-alaga si Lily?"

Ngumiti si Dino. Kitang-kita sa mga mata niya ang kasiyahan.

"Binobola mo lang ako, Rainy girl. Wala namang ibang gwapo sayo kundi si Max. Siya nga lang ata ang nakikita mong lalaki."

Nag-blushed naman si Rain sa sinabi ni Dino. Well, totoo naman kasi ng konti ang sinabi niya. Ang mga mata ni Rain ay nakalaan lang para kay Max.

"And Lily.. She's perfect. Minsan, nakakatakot din ang babaeng yun. But i love her very much. Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sayo. Kundi dahil sa mga advices mo, hindi ako magiging masaya ng ganito. "

Ngumiti lang si Rain.

"Nakakainis ka talaga."

Biglang sambit ni Dino. Nagtaka naman si Rain.

"Teka, bakit naman?"

Wala namna siyang ginawang masama, di ba?

"Hindi mo man lang tinanong ang pangalan ko. Paano na lang kung rapist ako? O kaya kidnapper e di napahamak ka na?"

'Okay. Akala ko naman kung ano na naman ang nagawa ko..'

"I don't think so. I can feel that you are a good person. Wait. Ikaw lang ba ang nandito?"

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon