Chapter 59

66.2K 1.5K 429
                                    

(Carisse)

After the revelation, Sir Reign told us. Dito kami agad dumiretso ni Max sa bahay nila Mama. Gusto kong sabihin nila sa akin ang totoo. Gusto kong aminin nila ang ginawa nila kay Carissa.

"Anak, bakit kayo nadalaw?"

Sabi ni Papa. Anak? They treated me like a princess pero si Carissa, iniwan nila. I wanted to shout at them pero iyon gagawin. Carissa wouldn't like it..

"Sabihin niyo sa akin kung ano ba talagang nangyari kay Carissa?"

Mahinahon kong tanong. Bigla namang naging hindi komportable silang dalawa. 

"Hindi ba nakwento ko na sayo noon? Bakit mo ulit tinanong iyan.."

Sagot ni Mama.

"Gusto ko kasing makilala ni Max si Carissa, tutal naman kasama na siya sa pamilya natin."

I hold Max's hand to have a strength to do this. 

"Okay lang naman iyon di ba?"

Ngumiti ako sa kanila. Pero gustung-gusto ko ng umiyak dahil ang anak na iniwan nila ay wala na gaya ng gusto nilang mangyari noon.

"O-Oo naman.. Okay lang."

Sagot ni Mama..

"Meron kaming isa pang anak, si Carissa. Siya ang totoo naming anak.. Siguro nasabi na rin naman ni Carisse na ampon lang namin siya."

Tumango lang si Max kay Papa.

"Mabait si Carissa, napakabait niyang bata at masayahin. She's always fascinated on everything she sees, even little things. But then an accident happened to her.."

I was expecting them to tell the truth, I hope they will..

"But she got fine eventually, she's a strong girl.."

Hindi nila sinabi ang totoo. And i think hindi nila sasabihin ang totoong nangyari kay Carissa..

"Nasaan na po siya ngayon?"

Tanong ni Max. 

"Noong 6th bithday niya, bigla na lang siyang nawala. Dinala namin siya noon sa beach near Precious Hotel, kasi gusto niyang makakita ng sunset pero nawala siya.. We looked for her pero hindi na namin siya makita.."

Nagsikip ang dibdib ko. 

"O baka naman ayaw niyo na lang talaga siyang matagpuan?"

Nasabi kong bigla. Kumunot ang noo ni Papa sa sinabi ko.

"We really looked for her. Ano bang pinagsasabi mo Carisse?"

Sabi pa ni Papa.

"Nothing.."

Ngumiti pa ako.

"You remember Rain?"

Tumango silang dalawa..

"We just received a news that she's dead."

Nagkatinginan silang dalawa, i wanted to see na nalulungkot sila, pero hindi.

"Oh so bad to hear that. Ano daw ang nangyari?"

Pinipigilan kong hindi umiyak. 

"Ang sabi ng Papa ni Rain, may aids daw kasi si Rain.. Nakuha daw niya iyon dahil sa pagkakamali ng doktor noong bata pa si Rain. Nasalinan ito ng maling dugo."

They seem uncomfortable now..

"Kagaya ko ampon lang din pala si Rain. Iniwan daw kasi ito ng mga magulang niya dahil sa sakit niya. Actually parang doon din sa lugar kung saan nawala si Carissa. Ang nakakita sa kanya si Reign Garcia, siya ang tumayong tatay ni Rain. Dinala siya nito kay Madam Crystal, the owner of Precious Hotel. Hinanap din nila ang parents ni Rain pero hindi nila ito nakita, nakaalis na daw ng bansa."

Hinawakan ko ang kwintas na galing kay Rain..

"So, kilala nila ang parents ni Rain?"

I can sense na kinakabahan silang dalawa.

"Yes. And the names sounds so familiar though.. Ang sabi pa nga ni Sir Reign, may ganitong kwintas din si Rain. Kaya lang nakipagkita daw siya sa magulang niya at isinuli ito."

I feel so numb now. 

"You know and you didn't tell me.."

Sabi ko sa kanila..

"Anak.."

Nagdilim ang paningin ko. Napatayo ako.

"Hindi ako ang anak niyo! Yung totoong anak niyo wala na! Hinayaan niyo siyang magdusa sa mahabang panahon. You hate her, pero siya mahal na mahal kayo! Ang gusto lang niya ay mahalin niyo lang din siya.. Pero dahil sa inyo, sa ating lahat, she died. Sumuko na siya!"

Hinawakan ni Max ang dalawa kong balikat.

"Carisse.."

Hindi man lang sila kumibo.

"Gagaling siya pero dahil sa expectation niyo sa akin, napilitan akong mag-makaawa sa kanya noon. Yun pala aalis na talaga siya noon, para magpagaling. She has a chance to live--"

"She doesn't have a chance to live!"

Nagulat ako sa pagsigaw ni Papa.

"Ginawa din namin ang lahat para makahanap ng paraan para gumaling siya. Pero at that time, wala talaga. Kung mananatili lang siya dito lalo lang siyang mahihirapan, kasi ni hindi namin magawang tumingin sa kanya na hindi sinisisi ang sarili namin."

Lalo lang akong nagalit sa sinabi ni Mama.

"Kulang pa ang ginawa niyo. Alam niyo ba dahil sa pag-iwan niyo sa kanya, iniisip niya kasalanan niya ang lahat ng nangyayari. Iniisip niya wala siyang karapatan maging masaya. Mas kailangan niya ang pagmamahal niyo noon. Alam niyo sa simula pa lang na siya si Carissa. Ilang beses niyo siyang nakita pero kahit minsan hindi niyo pinaramdam na anak niyo siya. She's only waiting for that moment kahit sa huling sandali. A hug of a mother and guidance of a father.."

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha ko.

"And now she's gone. It's all our fault.."

--

Halos wala akong imik noong makauwi kami sa bahay namin ni Max. Unang-una paano kami magsisimula ulit? Everything is not the same anymore.. 

Paano kami magiging masaya kung alam na namin ang totoo? 

"Just rest, Carisse.."

Tumingin ako kay Max..

"What about, Rain's funeral?"

Niyakap niya ako.

"Don't worry about, we'll take care of it.."

Tumango ako. Hinalikan niya ako sa noo at umalis na siya. Humiga ako sa kama. Naalala ko yung mga bata pa kami ni Carissa.

"Masaya ako at dumating ka sa buhay namin. Mas lalo tuloy magiging masaya sila Mama at Papa."

Hawak-hawak ni Carissa ang dalawa kong kamay.

"Talaga? Ikaw magiging masaya ka ba lalo?"

Tanong ko, ngumiti siya sa akin.

"Oo naman. Kapatid kaya kita, gagawin ko ang lahat para maging masaya ang kapatid ko! Kaya wag mo akong iiwan, magiging malungkot ako.. Gusto ko nasa tabi lang kita, tapos gagawa tayo ng masayang alaala. Pangako ko sayo hinding-hindi ko hahayaan na maging malungkot ka."

Tumulo na naman ang mga luha ko. 

"Hindi mo tinupad ang pangako mo. Iniwan mo akong malungkot.. Ibinigay mo si Max sa akin pero nawala ka naman. Anong gagawin namin ngayon?"

Then nakatulog ako at nakita ko siya, smiling at me..

"Don't be sad. Max will make you happy, they all will. Be happy for them, andito lang ako sa tabi niyo."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon