Chapter 58

57.7K 1.6K 505
                                    

(Max)

Kinabukasan ng malaman namin ang tungkol kay Rain, napagdesisyunan namin na magkaroon ng funeral service for Rain. Naglakas-loob akong kausapin ang tatay ni Rain na si Sir Reign. Kinausap naman niya ako pagkatapos kong makatanggap ng malakas na suntok. 

Pero habang nakikipag-usap ako sa kanya, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata nila. He really cherish Rain.

Kasama ko si Carisse, she wanted to do this thing for Rain. 

"Ano po bang nangyari kay Rain?"

Tanong ko. They just looked at me. Madam Crystal is holding Rain's photo.

"She was a sad girl when we met her, Max. Iniwan siya ng mga magulang niya kasi ikinakahiya nila si Rain. Ipinagpalita nila siya sa ampon nila."

Nakatingin sila kay Carisse.

"They think Rain will die anyway.. But then I found her sitting near the shore crying. Pero alam mo ba kahit umiiyak siya, she even managed to give me a beautiful smile. At doon ko naramdaman na parang may iba sa kanya, and i helped her find her parents."

Nakita kong naikuyom niya ang kamao niya.

"Pero wala na sila sa Pilipinas. They really got rid of her. Dinala namin siya noon kay Sister Teresa sa ampunan."

I was shocked. Hindi ko alam ito. Kaya pala ganun na lang ang pagmamahal niya kay Sister Teresa at sa mga bata doon dahil doon din siya nanggaling. Noon every chance we get, pumupunta talaga kami doon para tumulong sa pag-aalaga sa mga bata. At nakita ko ang sobrang pagmamahal niya sa kanila, as if they are her family.

"Pero isang araw, nalaman namin kung ano ang dahilan kung bakit siya iniwan ng pamilya niya."

Nabasag ang boses ni Madam Crystal. She's crying..

"There's an accident and the doctor's made a very huge mistake on her. Nasalinan siya ng dugo na may aids."

Hindi ko ma-process ang sinabi ni Madam. Si Rain? May AIDS? Bakit hindi ko alam ito?

"Hindi pa naman ganun kalala ang lagay ni Rain. It will take years para makita ang epekto ng sakit niya. Pero tumatak na sa isip ni Rain na hindi talaga dapata siya mahalin at alagaan. Inilayo niya ang sarili niya sa mundo, sa amin. Dahil natatakot siya baka mahawa kami sa kanya. Pero hindi sa ganun iyon.. But then she met you, Max.. You make her feel alive and normal."

I remember noong una kong nakita si Rain na nakaupo sa isang tabi habang nanunuod sa mga batang naglalaro. Walang lumalapit sa kanya, kaya lumapit ako sa kanya. 

I can still remember how her face looks like when I approached her. Gulat na gulat siya noon. Nakatitig lang siya sa akin, tinanong ko ang pangalan niya and i declare her as my best friend from that day onwards.

Ang  tagal ko na siyang kilala pero wala man lang akong napansin. Siguro dahil natatakot siyang layuan ko siya..

"Naalala ko pa, masayang-masayang umuwi si Rain noon. Ang sabi niya may best friend na daw siya. And she said your name. Yung kinang sa mga mata niya, she's so happy. Sinabi pa niya na ang ganda-ganda daw ng ngiti mo."

Sabi pa ni Madam. Laging sinasabi sa akin ni Rain kung gaano niya kagusto ang ngiti ko. 

"But then you met her.."

Sabay tingin nila kay Carisse. 

"Iniwan mo siyang mag-isa. And she's said all over again. Pero mas pinili niyang manatili sa tabi mo kahit nasasaktan na siya, mas pinili niya ang kaligayahan mo. Alam mo naman siguro iyon, Max.."

Napayuko lang ako. Hindi ko alam na ganun ang nararamdaman ni Rain noon. Nabaling ang atensyon ko kay Carisse and i forgot about her.

(Carisse)

"Wala akong sama ng loob sa inyo. Lalo na sayo Ms. Carisse. Rain too love you so much, after all you're her sister.."

Natigilan ako sa sinabi ni Sir Reign. Tapos may inabot siya sa aking litrato. Pinagmasdan ko ito, she looks like.

"Carissa.."

Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng luha ko. I wanted to ask if she is Carissa pero hindi ko makuhang magsalita.

"Yes. Carissa Sanchez also known as Crystal Rain Garcia. The real daughter of Crystina and Raymond Sanchez."

Ibig sabihin, ako ang tinutukoy nilang ampon na ipinagpalit kay Rain.. And Rain knew it all along pero hindi niya sinabi sa akin.

Ang sabi sa akin nila Mama, patay na si Rain. Kaya pala nung birthday niya, nawala siyang bigla, tapos bigla na lang kaming pumunta sa America. Hindi nila sinabi sa akin ang totoo.

"How do you feel now, Ms. Carisse? Inagaw mo ang lahat ng dapat sa kanya. Pero may narinig ka ba kay Rain? Noong nagmakaawa ka sa kanya para ibigay ang scholarship, tumanggi ba siya? Hindi. Aalis na siya dapat noon para magpagaling pero she can't leave Max alone. You're enjoying all the happiness in life at si Rain ang kumukuha ng paghihirap. She took care of Max for you. Kasi natatakot siyang maranasan mo ang sakit na nararamdaman niya. It's not all about Max.. She's doing what she did for you and for him."

Max hold my hand. 

"The day before your wedding. She met your parents, tinanggap na niya na kahit kailan hindi nila siya ituturing na anak. And the necklace you're wearing right now, sa kanya yan. Ibinalik niya dahil hindi na siya si Carissa at hindi na siya ang anak nila."

Napahawak ako sa kwintas na ibinigay ni Mama sa akin. Ibinigay niya iton nung araw ng kasal ko.

"And also that night, inatake na naman siya.. Hindi namin siya papupuntahin sa kasal niyo. Hindi na niya kaya. Pero matigas talaga ang ulo ng batang iyon, ang sabi niya pa sa amin, nangako siya na siya ang tutugtog. She did, isn't it? She stopped playing the piano for almost many years but on your wedding she played."

Napatingin ako kay Max, Namumula ang mga mata niya, ngayong ko lang siyang nakitang ganun kalungkot..

"Pero nang araw in na yun, hindi na niya kinaya. Probably because she's too tired. She's just waiting that day comes when all of you are finally happy. Doon lang siya mapapanatag na hindi niyo na siya kailangan."

Naninikip ang dibdib ko sa nalaman ko.

"We did everything pero.. siya na mismo ang sumuko. I was reviving her pero uminulat niya ang mga mata niya and gave me the same  smile she did when I found her and mouthe the words 'thank you' to me. At alam ko, it was really her time to go. And we did let her go, and lost her forever.."




A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon