Chapter 29

40.1K 980 366
                                    

(Carisse)


Nakaka-stress nitong mga nakaraang araw. Ang dami kasing inaasikaso para sa kasal namin ni Eric. Sa totoo lang hindi naman ako ganun ka-excited. Parang gusto ko ngang mag-back out pero ako naman ang may gusto nito. Isa pa si Eric, ang bait-bait niya sa akin.


"Anak, ayos ka lang ba?"


Napalingon ako kay Mama at Papa. Kakadating lang nila kahapon galing sa business trip nila.


"Ayos lang po ako Mama, Papa.."


Tumabi sila sa akin.


"Sigurado ka bang gusto mong ituloy ang kasal niyo ni Eric?"


Tanong ni Mama.


Napabuntong hininga ako at saka tumango.


"Hindi mo naman kailangan gawin ito, Carisse. Nakikita ko naman na hindi mo siya mahal. 'Wag mong pahirapan ng ganito ang sarili mo. Kung mahal mo pa rin si Max, ipaglaban mo."


Hindi mo mapigilang hindi maluha sa sinabi ni Mama. Noon pa man lagi na lang nila akong iniintindi. Sa lahat ng bagay lagi ko silang nasa likod.


"Kailangan ko itong gawin. Para sa akin din naman. Kailangan mabaling sa iba ang nararamdaman ko. At isa pa, kasal na si Max at ayokong masaktan si Rain."


Si Rain, siya ang masasabing kong totoong kaibigan. Alam ko noon wala siyang ibang gusto kundi ang kaligayahan naming lahat. Kaya kahit masakit sa akin kailangan kong ipaubaya si Max sa kanya. Siya lang naman kasi ang kailangan niya.


"Pwede naman namin kausapin si Rain. Baka pagbigyan ka ulit niya. Mukhang mabait namang bata iyon. Maiintindihan naman niya."


Sabi naman ni Papa.


Umiling ako.


"Malaki na ang utang na loob ko sa kanya sa ginawa niya sa akin noon. Ito lang naman ang makapagpapasaya sa kanya. She has nothing Ma, Pa."


Nakatinginan silang dalawa at muling tumingin sa akin.


"Fine. Kung yan ang gusto mo. Malapit na pala ang engagement party niyo. Nagpadala na kami ng invitations. Wala ka na bang idadagdag pa?"


Tanong ni Mama.


"Wala na, Ma. Simpleng party lang naman iyon."


Tumango lang sila.


"Okay then. Magpahinga ka na. Alam naman namin na pagod na pagod ka na."


Humalik ako sa kanila bago umakyat sa kwarto ko.


A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon