Chapter 5

49.8K 1.3K 15
                                    

Chapter 5

(Eric)

Naalala ko na naman ang sinabi ni Rain sa akin.

(FLASHBACK)

"Kung ako sayo, wag mo ng ituloy ang pinaplano mo. Dahil hindi ka magtatagumpay."

Seryoso siyang tumingin sa akin. Bigla akong kinabahan, alam na kaya niya?

"Bakit ano ba ang plano ko?"

Seryoso ko ding tanong. Hindi ko ipapahalata sa kanya na kinakabahan ako. Tumingin siya sa akin ng matagal.

"Gusto mo si Melody at ginagamit mo ako para mapalapit sa kanya tapos you'll make a move to her. But I won't allow it. Ngayon pa lang tumigil ka na. Melody is already engaged. At masaya na sila. Humanap ka na lang ng ibang babaeng mamahalin."

Hindi ko alam kung magagalit ako o matatawa. She thinks that i'm interested with Melody. Well I'm not.

"How can you say that?"

Tanong ko kay Rain. Kumunot naman ang noo niya. Ang cute niyang tignan.

"Yun naman ang dahilan kaya ka lumalapit sa akin. Gusto mo ang bestfriend ko. Di ba?"

Kung kanina napigilan ko pang hindi matawa ngayon hindi na.

"Teka, bakit ka tumatawa?! Hindi ito isang biro!"

Sabi niya. At kitang-kita ko kung paano siya mairita. And i'm enjoying watching her. She's so cute.

"Okay fine. Para tumigil ka na sa mga hallucinations mo sasabihin ko na sayo ang totoo."

(Rain)

Hinihintay ko ang mga susunod na sasabihin ni Eric. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Ang totoo kasi niyan.."

Nag-iba ng direksyon ng tingin si Eric.

"I'm just curious about you."

Curious? Parang hindi ko naman maintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Ahm. Paki-explain?"

Natawa lang siya. At saka iiling-iling.

"Nevermind what i've just said. Gusto lang kitang makilala, yun lang."

Seryoso siya alam ko. Pero there is something this guy that I can't decipher. I know that he is hiding something. But nevermind, ang importante may bago akong kaibigan.

"Okay!"

(Melody)

"Anong titingin-tingin mo? May problema ka sa maganda ko ng mukha?!"

Inis kong sabi doon sa babae.

"Wala po. Sorry!"

Agad naman kumaripas ng takbo yung babae. Tss. Pasensya siya at siya ang napagbuntungan ko ng galit.

Paano ba naman kasi si Rain tinawagan ako bigla dahil may importante daw kaming pag-uusapan at ASAP pa. Siyempre sino ba naman ako para tumanggi sa cute kong bestfriend kahit na nasa gitna na ako ng himbing ng tulog ko.

 Kaya pumunta ako agad sa sinabi niyang lugar, sa isang coffee shop. At pagdating ko doon nakita ko agad siyang nakaupo malapit sa bintana at tahimik na nagmamasid sa labas.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon