Chapter 14

44.7K 1.3K 292
                                    

Chapter 14

(Rain)

5:00 AM ako bumangon para makapaghanda na ng breakfast. At saka kailangan ko din kaisng maaga sa studio ngayon dahil since malapit ng mag-pasko, ,marami kaming kliyente. Kaya busy ako.

"Rain, hija ang aga mo naman ata nagising?"

Tanong ni Mrs. Del Valle.

"Good morning po. Naghahanda na po ako ng umagahan, at saka maaga din po ako aalis marami po kasi kaming aasikasuhin doon sa studio."

Lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa ginagawa ko.

"Ganun ba? So, hindi mo na mahihintay si Max?"

Si Max. Hay.

"Hindi na po."

Hindi pa kaya kami nagkikita simula noong insidente. Nahihiya kasi ako at saka binigiyan ko siya ng space para makapag-isip. Malay natin magbago pa ang isip niya di ba?

"Bago ko makalimutan, baka hindi kami dito makapag-celebrate ng Christmas ni Maximo. Meron pa kasi kaming aasikasuhing importante. So kayo na lang ni Max ang mag-celebrate, okay?"

Tumango ako.

"S-sige po. Pero kailan po ang alis niyo?"

Tanong ko.

"This afternoon. I don't know kung kailan kami makakabalik."

Tumango lang ulit ako.

"Hindi na po pala tayo magkikita. Mag-ingat po kayo sa biyahe niyo. Advance Merry Christmas na din po. Pagbalik niyo na lang ko po ibibigay ang gift niyo."

Ngumiti si Mrs. Del Valle.

"Naku, hija! No need sa regalo. Makita ko lang kayo na masaya ni Max ay ayos na sa akin."

Ngumiti ako at tinapos ang paghahanda ng umagahan. Pagkatapos ay umalis na din ako kaagad ilang beses na kasi akong tinatawagan ni Sam. Kailangan ko ng pumunta baka mamaya sa dami ng gagawin layasan ako ng assistant ko.

Pero teka..

Kaming dalawa ni Max?! Parang bigla naman akong kinabahan doon. Pangalawang Pasko na kasi namin ito bilang mag-asawa. Sana this time medyo maganda naman ang Christmas namin.

"Ms. Rain!"

Nagulat ako ng biglang may sumigaw sa harap ko. Napahawak ako sa dibdib ko, bigla tuloy bumilis ang tibok ng puso ko sa gulat.

"Sam? Bakit ka naman sumisigaw samantalang ang lapit mo sa akin.."

Tanong ko.

"Pasensya na Ms. Rain, kanina ko pa po kasi kayo kinakausap pero hindi niyo naman po ako sinasagot. Mukhang malalim po kasi ang iniisip niyo at saka kanina pa po kayo nakatayo dito sa entrance."

Napakamot ako ng ulo.

"Ganun ba? Pasensya ka na. So, naka-ready na ba ang lahat?"

Tumango si Sam at sinimulan na ang pagsasabi ng schedule namin for today. May shoot kami ng 6:30 AM at tuloy-tuloy na yun hanggang 1:00 PM. Tapos after nun may meeting pa ako. At 5:00 PM resume na naman ang photo shoot at hindi ko alam kung anong oras matatapos.

--

"Okay. That's it for today. Let's meet again, tomorrow. You all did great today, thank you!"

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon