Chapter 4

54.4K 1.5K 98
                                    

Chapter 4

(Melody)

"Meeting Adjurned.."

Dinismiss ko na ang meeting. Ayos naman na ang lahat, kailangan na lang namin ayusin ang mga estudyanteng mag-peperform.

Napatingin ako kay Rain. Mukhang walang naging tulog ang isang 'to. Kanina pa kasi hikab ng hikab.

"Rain, ba't parang antok na antok ka?"

Tanong ko sa kanya. Nakapalumbaba na kasi siya at nakapikit na.

"Hindi ako makatulog kagabi. May insomia na ata ako e."

Sabi niya tapos humikab ulit. Napailing na lang ako. Kahit kailan talaga lagi na lang ibang tao ang iniisip ng babaeng ito.

"Yeah, right. Hinintay mo na naman magdamag yang bwisit mong asawa."

Inis kong sabi. Ngumiti naman siya.

"Teka! Paano mo nalaman?!"

Nanlaki yung mata niya.

"Gosh. Rain for almost two years mong asawa yan, alam na alam ko na. Kundi uuwi ng umaga, may iuuwing babae. Ano pa bang bago? Kaya gasgas na yang dahilan mo noh!"

Napakamot siya sa ulo niya at saka nag-pout. Sa totoo lang kundi ako naasar kay Max pang-gigigilan ko si Rain ngayon sa sobrang cute. May pagka-childish din kasi ito minsan hindi niya lang napapansin.

"Hay, halika na at ihahatid muna kita para makatulog ka na."

Tumayo na ako. Sumunod naman siya.

Hindi trip ni Rain ang mag-drive ng kotse. Mas gugustuhin pa niyan ang maglakad o kaya mag-commute kaysa mag-drive. Ewan ko ba kung bakit. Sabi niya lang mas enjoy daw ang mag-lakad at mag-commute kasi may thrill kaysa mag-isang nasa sasakyan. Boring daw.

Nilingon ko si Rain. Tahimik na naman siyang nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Hanggang sa..

"AHHHHHHHHHHHHH!!!!!"

Bigla akong nagpreno.

"May problema ba Rain?"

Agad ko siyang tinignan. Nakaturo siya sa labas at mukhang tuwang-tuwa.

"Melody, may cotton candy! Dito ka lang bibili ako.."

Dali-dali siyang bumaba. Napatakip na lang ako ng mukha.

Sabihin niyo nga sa akin, masaya bang magkaroon ng best friend na sobrang isip bata minsan? Kasi ngayon, gustung-gusto ko ng sakalin si Rain.

Bumaba ako ng kotse. At lumapit sa kanya.

"Crystal Rain, pwede ba minsan wag kang bigla-biglang sisigaw kapag nagdadrive ako? Jusko, buti na lang expert driver ako. Kundi baka hindi kami ikinakasal ni Zach, mabyudo agad siya. Hindi kakayanin ng beauty ko yun!"

Tinignan lang niya ako na parang pa-inosente look.

"Sorry.. Gusto ko lang kasing kumain nito."

Nanlaki bigla ang mga mata ko. Nag-ccrave siya ng cotton candy.. OMG! Hindi kaya..

"Buntis ka?! OMG! Rainy, dapat i-celebrate yan!"

Bigla naman siyang nalungkot..

"Sana nga e.. Gusto kong magkaroon ng anak, para magkaroon na ako ng sarili kong pamilya. Pero alam naman nating pareho na malabong mangyari yun., ni tignan lang ako ni Max hindi niya magawa, 'yun' pa kaya."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon