Chapter 45

48.2K 1.3K 248
                                    

(HUGO)

Halos mabaliw-baliw ako kakahanap ng lokasyon ni Rain. Kung sila hahayaan na lang na basta umalis si Rain, ako hindi. Malaki ang parte sa buhay ko si Rain. Nang dahil sa kanya natutong lumambot ang puso ko. 

Noon, wala akong pakielam kung sino man ang masaktan ko. Kung magpalit ako ng babae noon ay halos minu-minuto. Pero nang makilala ko si Rain, hindi ko alam pero basta na lang akong hinahatak papalapit sa kanya. Akala ko noon, in love ako kay Rain pero habang tumatagal ibang pagmamahal pala iyon, pagmamahal ng isang kapatid. 

Kaya nga ng malaman ko kung paano siya pahirapan ni Max noon ay halos mapatay ko si Max sa galit. Kung hindi lang ako pinigilan ni Angelique.

Napatingin ako sa gilid ko kung saan seryoso siyang nagbabasa sa mga papeles na hawak niya. Ang babaeng pinakamamahal ko. Hindi niya pinagdudahan ang pagmamahal ko sa kanya kahit na minsan si Rain ang lagi kong bukang bibig. 

"Totoo ba ang lahat ng impormasyon na ito?"

Tanong niya sabay tingin sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Kitang-kita ko kung na hindi siya makapaniwala sa nilalaman ng mga papel na ibinigay ko sa kanya.

Ang nilalaman noon ay mga totoong impormasyon tungkol kay Rain. Lahat-lahat. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para makuha ang mga impormasyon na iyon. Matagal ng nasa akin ang mga ito pero ngayon ko lang ipinakita kay Angelique.

"We really have to find her."

Sabi ni Angelique.

"Alam ko pero hindi ko alam kung saan lupalop ng mundo nagpunta si Rain. Alam kong hindi siya nasa ibang bansa. Andito lang siya, nararamdaman ko."

Saglit siyang natigilan at tumingin ulit sa papel. Bigla siyang sumigaw.

"What?!"

Tanong ko.

"I know where she is."

Sabay turo sa parte ng papel kung saan may nakalagay na lugar.

"What are we waiting for? Let's go!"

Dumating kami sa lugar na tinutukoy ni Angelique. Kahit na nagkaligaw-ligaw kami sa biyahe nakarating kami kung nasaan siya. Malapit ang mataas na building sa dagat. Maski ako hindi ako alam na meron nito dito.

Payapa ang lugar, tamang-tama sa personalidad ni Rain. Pumasok kami sa loob ng building, lumapit sa front desk.

"Hi, good afternoon."

Tumingin sa akin ang babae at ngumiti, hindi nakapang-aakit kundi sincere na ngiti.

"Good afternoon, Sir and Ma'am."

Saglit akong tumingin kay Angelique. Nginitian niya ako at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Is there Rain Garcia here?"

Halata ang pagkagulat sa mukha ng babae.

"Do you know Ms. Rain?"

Tanong niya.

"Yes, we are her friends."

Hindi malaman ng babae kung paano niya ako sasagutin. Napatingin siya sa likuran namin.

"Madam Crystal.."

Napatingin kami sa likuran at doon nakatayo si Madam Crystal. And kahit ko kompirmahin alam kong andito nga si Rain.

"Hugo and Angelique, what are you doing here?"

Hindi na ako nag-dalawang isip na diretsahin si Madam Crystal afterall I'm a lawyer.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon