Chapter 52

46K 1.2K 242
                                    

(Rain)

Throughout the night I can't stop myself from smiling and laughing. Para tuloy huling araw ko na ngayon dahil sa nag-uumapay na kaligayahan na nararamdaman ko. I've never felt this so much happiness in my heart.

"Mukhang masayang-masaya si Rain! Pero alam naman natin lahat na may kulang pa. Napansin ko kasi na kanina pa may hinahanap ang ating special lady. May idea ba kayo kung sino?"

Namula ako sa sinabi ni Melody sa mga tao.

"MAX!"

Mas lalo akong namula ng isigaw nilang lahat ang pangalan ni Max. Parang gusto ko tuloy magtago sa ilalim ng mesa.

"Mukha kang kamatis!"

Natatawang sabi ni Sir Reign. Pati ba naman siya pinagtatawanan ako!

"Syempre makakalimutan ba naman natin ang pinakamamahal na best friend ni Rain. Alam naman natin lahat noon pa lang hindi mapaghiwalay ang dalawa kaya tuloy akala natin silang dalawa ang magkakatuluyan!"

Napangiti ako. Gusto ko din isigaw na, 'Akala ko din kaming dalawa na!'

"Max, magpakita ka na nga kay Rain baka mangawit na ang leeg niya kakalingon at kakahanap kung nasaan ka!"

Biglang nag-dim ang kapaligiran. Biglang nanlamig ang mga kamay ko dahil sa nerbyos. Bigla din sumama na naman ang pakiramdam ko pero ng marinig ko ang boses niya, nawala ang lahat ng nararamdaman ko.

"I'm just here.."

Lumingon ako sa likuran ko. Nakatingin siya sa akin at nakangiti parang nung una na niya akong lapitan noon. Nung unang dumating siya sa buhay ko.

"Rain..."

Tuwing binabanggit niya ang pangalan ko hindi ko maiwasang hindi bumilis ang tibok ng puso ko. Siya lang ang nakakagawa nun, siya lang at wala ng iba.

"May i have this dance?"

Lumuhod siya at inilahad ang kamay niya. Magpapakipot pa ba ako? Syempre tinanggap ko agad. Inalalayan niya ako sa gitna. Ipinosisyon ang kamay niya sa bewang ko at inilagay niya ang isang kamay ko sa balikat niya. Hinaplos niya ang mukha ko bago paglaparin ang isa naming kamay.

Nakatingin lang ako sa mga mata niya. Hindi ko nga naririnig ang tugtog, nasa kanya lang ang atensyon ko.

"Ang hirap mo palang hanapin, Rain. Alam mo bang halos mahalughog na namin ang Pilipinas pero hindi ka namin makita. Hindi ka rin umalis ng bansa. Nasaan ka?"

Hinanap niya ako? Ang sarap ng pakiramdam ko ng marinig kong sabihin niya iyon sa akin.

"Sinabi ko naman na kailangan kong magpahinga. Masyado mo kasi akong sinaktan kaya kailangan kong ayusin ang sarili ko."

Biro ko sa kanya. Pero siya seryoso lang.

"I'm sorry.."

Maigising salita pero ramdam na ramdam ko na totoo ito.

"Sinabi ko din naman di ba? Wala kang kasalanan sa lahat ng ito, lahat ng nangyari ako ang may gawa. Kung nasaktan man ako, kasalanan ko din kasi pinilit kong paniwalain ang sarili ko na mamahalin mo rin ako gaya ng ginawa mo kay Carisse."

Itinapat ko ang kamay na ko nakalagay sa balikat niya sa may bandang puso niya.

"Kahit kailan ang tibo nito ay hindi magiging ako. Aaminin ko ng bigyan mo akong pagkakataon noon, natakot ako na baka kapag bumalik siya sa isang iglap lang iwan mo ako. Hindi naman ako nagkamali di ba? Pero nagtatalo ang puso't isip ko. Ang sabi ng isip ko wag kang pakawalan pero iba ang sinasabi ng puso ko. I know i have to let you go."

Humigpit ang hawak niya sa bewang ko.

"You know why i love you?"

Umiling siya.

"I love everything about you but i love you more because of your smile. You light up my world, ikaw ang nagbigay ng kaligayahan sa akin. I'm a broken person Max. Pero isang ngiti mo lang noon, parang nabuo ako ulit. Na parang bago akong tao dahil sayo. Kaya i promised myself i'll do anything to keep you smiling like that."

Napagawi ako tingin ko sa iba and i saw her.

" You met her and doon ko nakita ang isang ngiti na siya lang nag makapagbibigay. I thought ako lang ang may kayang pangitiin ka ng ganun pero tuwing nakikita mo siya ibang ngiti ang lumitaw sa iyo. I always wish you will smile like that to me. But you never did, and i know at that moment i have to let you go kahit na wala kang kaalam-alam sa nararamdaman ko."

Ngumiti ako kay Carisse.

"Aalis na dapat ako noon, pero Carisse asked me something."

Nagulat ako ng sobrang lapit na namin sa isa't-isa halos yakap-yakap na niya ako.

"I know about it. She told me the truth. That's why i was so sorry for what i have done to you. You sacrificed so much pero anong iginanti ko? Sinaktan kita at hanggang ngayon nasasaktan ka pa rin.."

Umiling ako at lumayo ng konti para makita ang mukha niya.

"Parte na iyon ng buhay di ba? Pero mas nasasaktan ako kung nakikita kong nahihirapan ka. I really wanted to leave pero kung iiwan kita ng nagdudusa hindi kakayanin ng puso ko. Kaya kong tiisin ang sakit pero hindi ko kayang tiisin na makita kang malungkot at nasasaktan. You're too important to me."

Hinaplos ko ang mukha niya.

"Kaya mo sinadya na marinig ko ang usapan niyo ni Eric. Para magalit ako at iwan ka para bumalik kay Carisse."

Napangiti ako.

"Dahil alam kong nahihirapan ka ng mamili sa aming dalawa. Wala ka naman dapat piliin sa amin, kasi noon una pa lang siya naman talaga at naiintindihan ko iyon. Effective naman di ba? Ikakasal na nga kayo. Invited naman ako di ba?"

Tumango siya.

"Pero may hiling sana ako sayo, Max. Huling-huli na talaga ito tapos hindi na ako hihirit pa."

Kumunot ang noo niya.

"Una, best friend na ulit tayo.."

Ngumiti siya at pumayag.

"Pangalawa, let me plan for your wedding."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon