Chapter 50

50.5K 1.3K 375
                                    

(RAIN)

As expected nakakulong lang ako dito sa kwarto ko. Minsan sinasamahan ako ni Madam tapos pupunta si Sir Reign. Pero madalas silang wala, kaya tuloy hindi ko maiwasang hindi malungkot. Wala kasi akong makausap.

Kaya heto ako nakaupo sa tabing bintana na at nakatanaw lang sa dagat. Hinihintay ko na din ang pagdating ni Hugo at Angelique, ngayon kasi sila dapat babalik. Pero palubog na ang araw, wala pa sila.

Naramdaman ko ang paghampas ng hangin sa akin. Naipikit ko ang aking mga mata at ninamnam ito. Maya-maya pa muli kong idinilat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang magandang sunset.

"Another day ends and I'm still alive."

Bawat araw na lumilipas binibilang ko dahil hanggang ngayon buhay pa ako.

Hindi naman sa gusto ko ng mamatay pero sa mga kagaya ko na milagro na lang ang hinihintay para gumaling, swerte pa ako at nabuhay ako ng ganito katagal.

Naramdaman kong bumukas ang pinto.

"Rain?"

Lumingon ako. Si Angelique at Hugo.

"Ice cream ko?"

Yun agad ang pambungad ko sa dalawa. Natawa naman sila.

"Hindi mo man lang kinamusta ang biyahe namin! Ice cream agad?!"

Sabi Hugo. Pero inabot niya ang isang plastic na naglalaman ng isang galon ng ice cream.

"Alam ko naman na mabuti kayo kasi andito kayong dalawa buhay na buhay. Pero thank you sa ice cream!"

Inilapag ko sa maliit na table ang ice cream. Kumuha ako ng kutsara at saka kumain.

"Nga pala Rain, mag-ready ka pupunta tayo sa Manila."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Angelique.

"Bakit?"

Tanong ko

"May reunion tayo. Hindi ko ba nasabi?"

Sagot niya sa akintayWala ka naman nasabi sa akin. Pero meron talaga? Bakit wala man lang invitation?"

Tanong ko.

"Invitation? Ito oh."

Inabot sa akin ni Hugo ang isang envelope.

"Pinabibigay ni Sam yan. Akala kasi doon ka pa sa studio mo."

Tumango ako. Binuksa ko ang envelope at binasa ang details.

"Sa makalawa na ito? Ang bilis naman!"

Gulat kong tanong. Nagtinginan lang ang dalawa.

"Kaya nga. Dapat bumalik na tayo sa Manila. Para naman makaprepare ka. Makapahinga pa yung katawan mo."

Excited akong pumunta. Pero naisip ko na naman si Max. Pupunta kaya siya? Ano kayang mangyayari kapag nagkita kami?

"Ang dami na naman siguro narating yang imagination mo."

Sabi ni Hugo.

"Hindi naman! Pero iniisip ko lang kasi si---"

Hindi na ako pinatapos ni Hugo.

"Si Max? Alam ko na iyon. Siya lang naman ang iniisip mo. Pupunta siya, actually lahat tayo. Kaya ikaw, kaysa mag-isip ka na naman dyan. Tumayo ka at magbihis na dali!"

Grabe talaga makapag-utos itong lalaki na 'to. Kakainis!

"Teka, hindi naman ako makakalis. Alam niyo naman na bantay sarado ako dito. Hindi nga ako nakalabas ng kwarto ko."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon