Chapter 11

46.7K 1.4K 220
                                    

Chapter 11

(RAIN)

"Congrats, guys! You did well today. Umuwi na kayo, bukas naman ulit ang shooting natin."

Sabay-sabay silang nagpaalam sa akin. Nakakapagod ang ginagawa ko pero nag-eenjoy naman ako.

"Ms. Rain, inom po muna kayo ng tubig."

"Thank you!"

Inabot sa akin ni Sam ang isang bote ng tubig. Pero nakatingin pa rin sa akin si Sam. May dumi ba ako sa mukha? Grabe makatitig kasi.

"May problema ba Sam?"

Tanong ko, yumuko ito at umiling. Ibinaba ko ang hawak kong bote at umupo sa upuan. Mukhang alam ko na ang problema ng isang 'to.

"Kailangan mo ba ng day-off?"

Biglang nagliwanag ang mga mata niya. Mukhang natuwa siya sa sinabi ko.

"Pasensya na Ms. Rain. May date kasi ako bukas. Alam mo naman.."

Napangiti na lang ako. Iba na talaga ang may lovelife.

"Ayos lang. Andito naman ang ibang mga kasama natin. I-enjoy mo na lang ang date mo. Pero pahingi ako ng pasulubong pagpasok mo."

"Wala pong problema Ms. Rain. Usual?"

Ngumiti ako. At nag-thumbs up.

"Sige po, Ms. Rain."

Sumaludo siya sa akin at umalis na. Nakakatuwa talaga ang batang yun. Mas matanda ako sa kanya ng 2 taon. Working student siya dati dito. Kakabukas pa lang ng studio noon, tutal wala naman akong oras para maghanap ng assistant ko kinuha ko na siya. At after niyang makagraduate, dito na talaga siya nagtrabaho.

Malayo ang mararating ni Sam, magaling siyang photographer. Kaya minsan, kahit wala ako siya muna ang pumapalit. Dapat siguro irecommend ko siya sa kakilala kong sikat na photographer, para naman mas lalo siyang gumaling. Tama! I'll take note of it.

"Lalim naman ng iniisip mo."

Kumunot ang noo ko.

"Eric? Anong ginagawa mo dito?"

Mukhang kagagaling lang niya sa trabaho niya. Nakasuot pa kasi ng suit.

"Masama bang dalawin ka? Namiss kaya kita."

Lumapit siya sa akin, sabay yakap. I just pat his back.

"Dapat lang na mamiss mo ako. Ang tagal mo kayang hindi nagpakita sa akin, akala ko tuloy ayaw mo na akong maging kaibigan."

Humiwalay ako sa kanya. At nakita ko naman siyang tumatawa.

"Sorry. Alam mo naman busy ako. Ang dami ko kasing ginagawa at hinahanap."

"Hinahanap? Private investigator ka ba?"

Natawa lang siya.

"Hindi naman. May hinahanap lang akong tao. Kailangan ko siyang bawiin."

Tumango ako. Alam ko, mahal niya ang taong tinutukoy niya. Baka girlfriend niya? Hmm. Baka nga.

"Alam mo na ba ngayon kung nasaan siya?"

Tanong ko.

"Oo at salamat sa kaibigan niya. Hinihintay ko na lang ang pagbabalik niya. "

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon