Chapter 6

50.5K 1.5K 162
                                    

Chapter 6

(RAIN)

"WHAT?!"

Napapikit ako agad dahil sa lakas ng boses ni Max.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Ha!"

Patay! Mukhang galit na galit na naman si Max sa akin. Hindi ko naman kasalanan na hindi pala niya alam na dadating na ang Papa niya. Malay ko ba?

"A-akala ko alam mo n-na.."

Bigla niyang hinampas ang lamesa ng malakas. Kaya napitlag ako at napahawak sa puso ko. Hindi lang pala mukha, galit na galit talaga siya. Bigla niyang hinablot ang braso ko. At hinawakan ng mahigpit.

"Are you stupid?! Kaya nga sinabi sayo ni Mama para i-inform ako. Napaka-t*nga mo naman! And don't even say sorry. Naririndi na ako."

Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig. Napayuko lang ako. Dahil alam ko sa ganitong pagkakataon mas mainam na hindi ako magsalita. Knowing Max, kapag sumagot ako lalo lang titindi ang galit niya.

"Ayusin mo na lang ang pag-arte mo sa harap ni Papa. Tutal diyan ka naman magaling ang umarte at mag-pretend. Sisiw lang sayo 'yan."

Pagkasabi niya nun umalis na siya. Tumayo ako at lumabas ng bahay.

Kanina kasing pagdating niya, tinanong ko kung anong oras kami pupunta sa party bukas sa bahay nila. Akala ko naman kasi informed siya na bukas na dadating ang Papa niya niya, yun pala hindi. Kaya ayan, galit na galit sa akin.

Alam niyo kasi nakakatakot ang Papa ni Max. Kaya nga laging napapagalitan yun dati dahil sa sobrang pasaway niya. Binantaan lang siya ng Papa niya na kapag hindi siya natino, itatakwil siya nito. Kaya yun simula nun, tumino na si Max, hanggang sa.. iwan siya ni Carisse.

Medyo nagulo na naman ang buhay niya kaya hindi pa maibigay ng Papa niya ang kompanya sa kanya dahil baka kung ano lang ang gawin ni Max. Kaya ako at ang Mama niya ginagawa ang lahat para maging maganda na ang tingin ng Papa niya sa kanya. Dahil alam namin at alam ko na pangarap niyang patakbuhin ang kompanya nila.

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng biglang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang caller i.d. Pero number lang ang nakalagay. Sino kaya 'to?

"Hello.."

-Rain..-

Napapikit ako. That voice.

"Carisse.."

---

Matapos naming mag-usap ni Carisse kahapon, hindi na ako mapakali. Hindi na nga rin ako nakatulog dahil sa pag-iisip. Dahil after almost 2 years naming hindi pag-uusap, she finally contacted me. And she's coming back here, soon.

Pero kailangan ko munang I-set aside si Carisse for today, kailangan maging maingat ako sa kilos habang nasa bahay kami nila Max.

"Umayos ka, Rain."

Hindi ko napansin na andito na pala kami sa tapat ng bahay nila. Bumaba na si Max at sumunod din ako. Agad kaming sinalubong ng ibang mga kamag-anak ni Max kaya kailangan na naming magpanggap, well siya lang pala ako hindi na kailangan.

Nakahawak ako sa braso ni Max ngayon. Sa totoo lang minsan hinihiling ko na sana laging umuuwi ang Papa niya para naman mahawakan ko siya ng ganito pero ramdam na ramdam ko naman na ayaw talaga niyang malapit ako sa kanya.

Kaya siguro gumawa siya ng paraan para makalayo sa akin. Pinagmamasdan ko siya habang kausap niya ang mga pinsan niya. He looks really happy.

"Rain, hija.."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon