Chapter 22

39K 1K 22
                                    

Chapter 22

(Rain)

Sumasakit ang ulo ko. Ilang araw na kasi akong hindi nakakatulog ng maayos after kasi ng concert naghiwa-hiwalay na kami pero hindi ko makakalimutan kung paano nagkasalubong ng tingin si Max at Carisse. Kitang-kita ko kung gaano nila kamiss ang isa’t-isa.

Their eyes says it all.

Pero pagdating naman naming sa bahay wala naming nagbago kay Max kahit sa mga sumunod na araw. Araw-araw pa niya akong hinahatid at sinusundo dito sa studio.

Napa-angat ang ulo ko ng may nagbukas ng pinto.

Si Melody.

“Are you okay, Rain? Kanina pa kasi ako kumakatok hindi ka naman sumasagot sabi ng assistant mo andito ka lang sa loob ng opisina mo maghapon.”

Umupo siya sa harapan ko.

“Medyo masakit lang ang ulo ko.”

Hinilot ko ang sentido ko.

“Umuwi ka na kaya at magpahinga total kaya naman na ng assistant mo ang trabaho dito. You should rest. Gusto mo tawagan ko si Max para sunduin ka dito?”

Umiling ako.

“Wag na. Ikaw na lang ang maghatid sa akin. Isa pa, merong importanteng meeting si Max ngayon ayokong maging istorbo sa kanya.”

Tumango si Melody.

“Rain…”

Nakikita ko na nagdadalawang-isip si Melody na ituloy ang sasabihin niya.

“What is it, Mel? You can ask me anything.”

Bumuntong hininga siya.

“Ano ba talaga nangyari noon? Bakit umalis si Carisse? Ikaw ba ang dahilan? Tell me.”

Napasandal ako sa swivel chair ko.

I know, one of these days magtatanong na sila kung ano ba talaga ang dahilan ng pag-alis ni Carisse noon at kung bakit ako lang ang nakakaalam.

“You’re my best friend, right?”

Tanong ko sa kanya.

“Of course I am.”

Huminga ako ng malalim.

“She’s also my best friend. She offered me something I cannot declined. At kapag nalaman niyong lahat kung ano iyon, you will all hate me. Max will hate me again.”

Hinawakan ni Melody ang kamay ko.

“Maiintindihan ka namin Rain. You’re the only kind person we know, hindi ka gagawa ng desisyon para lang sa sarili mong kaligayahan.”

Gusto kong sabihin na nagkakamali sila. Hindi ako mabait, masama akong tao.

Nginitian ko lang siya.

“I can’t say it. Not now, Mel.”

Alam ko gusto niyang malaman pero hindi pa ako handa.

“Okay then. Mabuti pa ihatid na kita.”

Pagdating ko sa bahay agad akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa kama. Nakatingin lang ako sa kisame. Malapit na akong makatulog kaya lang nag-ring ang cellphone ko.

 “Hello..”

Pinakinggan ko lang ang sinasabi ng nasa kabilang linya. Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa narinig ko.

“Are you sure?”

“Yes, Ma’am.”

“Sige. Salamat.”

Pinatay ko ang tawag at napaupo ako sa sahig.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot sa binalita sa akin ng private investigator. Nawala na rin bigla ang sakit ng ulo ko. Naririnig ko ang lakas ng tibok ng puso ko.

Maya-may nag-ring na naman ang cellphone.

Si Carisse.

“Hello..”

--

“Okay lang ba na andito ako?”

Tanong ko kay Carisse. Andito ako ngayon sa bahay nila Carisse, andito kasi yung parents niya. Gusto niya akong ipakilala.

“Of course. Sila nga ang may sabi na papuntahin kita. Ikaw ang dahilan para marating ko kung ano ako ngayon. At isa pa, kaibigan kita. Ang kaibigan ay pamilya..”

Natuwa ako sa sinabi niya. Lalo na ang salitang ‘pamilya’.

 “Oh they’re here.”

May dalawang taong pumasok sa dining room. Halos huminto ang tibok ng puso ko ng makita ko ang mga magulang ni Carisse.

Tumayo ako.

“Mom.. Dad.. I want you to meet Rain Garcia. Siya yung kinukwento ko sa inyo.”

Tapos tumingin si Carisse sa akin.

“Rain, sila ang parents ko. Crystina Sanchez at Raymond Sanchez.”

Kahit saan siguro ako mapunta at makita sila, makikilala at makikilala ko silang dalawa… Because they are my idols! C’mon sikat silang dalawa. Si Mrs. Crystina Sanchez ay sikat noon at ngayon na singer. Si Mr. Raymond Sanchez naman ay sikat din na pianist sa buong mundo.

“It’s pleasure to meet you po, Mr. and Mrs. Sanchez.”

Inilahad ko ang mga kamay ko pero nagulat ako ng yakapin ako ni Mrs. Sanchez. Parang bumilis ang tibok ng puso ko.

“Drop that formality. Just call us Tito and Tita. Hay. Finally nakilala ka din namin. Lagi kang ikinukwento nitong si Carisse. Kaya nga ng makauwi kami dito gusto ka naming makilala ng personal at magpasalamat. Sa ginawa mo para sa anak namin.”

Ngumiti lang ako.

“Mabuti pa kumain na tayo. Teka, anak bakit hindi mo inimbitahan si Max?”

Nagkatinginan kami ni Carisse.

“Ahm. Mom, asawa po ni Max si Rain.”

Tumingin sa akin ang nanay niya. At kita ang gulat sa mukha nito.

“Oh! Sorry hindi ko alam.. Kasi ang alam ko sila..”

Umiling ako.

“Wala pong problema doon, tita. ”

Biglang nagsalita si Carisse.

“Ang mabuti pa kumain na muna tayo.”

Kumain kami kasabay ang mga magulang ni Carisse. Nakakatuwang panuorin kung paano sila magkulitan. Halatang mahal na mahal nila si Carisse.

Nakakainggit..

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon