Chapter 32

39.3K 1K 396
                                    

(Rain)

Pinagmamasdan ko si Max habang kumakain. Parang ang saya-saya kasi niya simula noong nag-overtime siya. Umaga na siya umuwi pero ang ngiti sa labi niya abot langit. Hindi ko alam ang nangyari pero pakiramdam ko may nagbago.

Hindi na siya maaga kung umuwi para sabayan akong kumain. Kung maaga man sinasabi niya kumain na siya. Alam ko sa sarili ko ang dahilan pero isinasantabi ko.

"Max, pwede ka bang maagang umuwi mamaya?"

Tumigil siyang kumain.

"Bakit?"

Paano ko ba sasabihin?

"Basta, pwede ba?"

Nag-isip siya sandali.

"Sige."

Ngumiti ako.

Tumayo na siya kaya inihatid ko na siya sa kotse niya.

"Hindi ka ba sasabay sa akin?"

Tanong niya. Umiling ako.

"Hindi na. May pupuntahan kasi ako. Ingat ka na lang."

Tumango siya.

"I love you.."

Niyakap ko siya. Pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse at umalis na. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Alam niyo kasi espesyal ang araw na ito sa akin. Ngayon kasi ang 2nd anniversary namin. Magluluto ako ng mga paborito niyang pagkain.

Pero bago ang lahat mayroon pa akong kailangan puntahan. Magkikita kasi kami ulit.

Dali-dali akong naligo at nagbihis. At nagpunta sa lugar ng pagkikitaan namin.

Pagdating ko andun na sila.

"Hi Ma, Pa. Pasensya na hinintay ko pa kasing umalis si Max.."

Tama kayo ng nabasa ang mga magulang ko ang pinuntahan ko.

Napansin kong nagkatinginan sila.

"Anyway, may regalo po ako sa inyo alam ko po kasing espesyal din ang araw na ito sa inyo."

Kinuha ko ang regalo ko sa bag ko at inabot sa kanila.

"Sana po magustuhan niyo."

Ngumiti lang silang dalawa. Pasensya na kayo hindi masyadong nagsasalita ang magulang ko. Mahiyain kasi silang dalawa.

Kumain na kami, pero tahimik pa din silang dalawa. Napangiti ako, okay lang basta kasama ko sila. Masaya na ako.

"Mauna na kami sayo, Rain."

Tumayo ako at niyakap silang dalawa.

"Salamat po sa pagpunta niyo."

Tumango lang silang dalawa at umalis na. Agad din akong umalis, mamimili pa kasi ako.



Nakatapos na akong magluto, naayos ko na din ang decorations. Tinignan ko ang oras, 8 pm na. On the way na siguro si Max. Excited na ako. Sigurado akong matutuwa iyon.


Ilang oras na ang nakalipas pero ni anino niya ay wala. Pero malay ba natin kung naipit lang siya sa trabaho.

"Dadating din siya.."

Inaantok na ako tumingin ulit ako sa orasan, 11 pm. Hindi siya dumating. Napagdesisyunan kong umalis. May ideya ako kung nasaan siya.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon