Chapter 18

41.9K 1.1K 29
                                    

Chapter 18

(Rain)

Sa sobrang gulat ko sa paghalik sa akin ni Max, hindi ako makagalaw. Hindi ko naman kasi alam ang gagawin. Kayo ba alam niyo?

Kasi naman ngayon lang naman talaga ako hinalikan ng lalaking ito. Well, noong kasal namin dampi lang, hindi pa nga dumikit. Tapos ngayon eto!

Nawala lang ang gulat ko ng biglang may bumulong sa tenga ko.

"Merry Christmas.."

Nilayo niya ang mukha niya sa akin at biglang may mga fireworks na naglabasan sa langit. Pinanuod ko iyon.  Ngayon lang ulit ako nakakita ng mga fireworks, well nakakakita naman ako pero ngayon lang ulit ako nagkaroon ng pagkakataon na panuorin ito at pagmasdan kung gaano sila kaganda.

Tumingin ako kay Max. Ngayon lang ako ulit nagkaroon ng pagkakataon na pagmasdan ang maganda niyang mukha sa malapitan. Kaya hindi ko tuloy namalayan na hinahaplos ko ang mukha niya.

"Merry Christmas, Max and thank you."

 Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

"Kainis ka, Max! Hindi mo man lang ako binigyan ng chance na maisayaw si Rainy. Ang daya-daya mo!"

Kumunot ang noo ni Max at tumingin sa pinanggalingan ng boses.

"Shut up, Chino. Kung hindi ko ginawa yun e di hindi nasira na ang mga plano ko. Kasi naman ang tagal-tagal niyong dumating."

Hindi na pinansin ni Chino si Max dahil nakalapit na siya sa akin.

"Rainy, ano bang nagustuhan mo sa lalaking iyan! Ang sama-sama niya sa akin! Di ba mas love mo ako kaysa sa kanya?"

Natawa ako sa hitsura ni Chino. Mukha siya kawawa pero ang cute niya.

"Manahimik ka nga dyan Chino. Wag kang magtanong kung masasaktan ka lang din sa magiging sagot ni Rain. Ako ang mas love niya."

Tapos tinulak si Chino. Kaya napaatras ng konti si Chino, pero agad din gumanti ang isa at itinulak si Max. Ganun lang silang dalawa hanggang sa may pumigil sa kanilang dalawa.

"STOP!"

Si Angelique. Nakaakbay sa kanya si Hugo.

"Napaka-ingay niyo! Nakaka-irita!"

Napatingin ako kay Hugo. Kumindat lang siya sa akin. So sila na pala, bakit hindi ko alam? Akala ko tuloy nambabae pa siya, pero hindi naman niya sinasabi sa akin kanina.

"Kayo na bang dalawa?"

Tanong ko.

"Yes, Rainy baby. Actually, she's soon to be my wife."

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi nga?

"Oh come on. Parang hindi ka naniniwala. Hindi ka nga umattend sa engagement party namin. Muntik na nga akong magtampo nun. Yun pala hindi sinabi sayo ng magaling mong asawa."

Oh! Kaya naman pala. Tumingin ako kay Max at tumango lang siya sa akin. Binalik ko ulit ang tingin k okay Hugo at Angelique.

"Pasensya na kayo. But don't worry sa kasal niyo hinding-hindi ako mawawala."

Lumapit ako kay Angelique at hinawakan ang mga kamay niya.

"Kaya mo 'yan."

Natawa silang lahat sa sinabi ko. Alam kasi namin lahat kung gaano kapasaway si Hugo. Pero kung si Angelique ang magiging asawa niya. Good luck na lang sa kanya.

"RAINY!"

Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin. Pagtingin ko si Melody.

"Sorry! Alam mo naman na ayaw kong nagsisinungaling sayo. Kaya lang kasi.."

Napangiti ako.

"Ayos lang, Mel. Wala namang masama doon. Isa pa kailangan di ba?"

Tumango siya.

"Kaya umayos ka na dyan at mag-party na tayo!"

----

Nakaupo ako sa isa sa mga table. Napagod na kasi ako kakasayaw. Kaya umupo muna ako sandali. At heto ako pinapanuod ko sila.

Ang saya-saya nila. Ang tagal-tagal na din kasi naming hindi nagkikita. Syempre busy sa mga kanya-kanya naming buhay.

Sayang lang at hindi ko man lang dala ang camera ko.

 "Wait. Meron nga pala akong pouch na dala."

 Binuklat ko iyon at nakita ko ang cellphone ko.

"Pwede na ito. Maganda naman ang resolution ng camera nito."

Ipinosisyon ko na ang cellphone ko at kinuhanan ko sila ng litrato. Dagdag remembrance din ito. Pagkakuha ko ng picture tinignan ko at natuwa ako sa kinalabasan.

Nagawi ang tingin ko sa labas. Gusto kong makita kung nasaan kami. Kaya tumayo ako at naglakad palabas. At ang sumalubong sa akin ay ang malamig na hangin.

Pinagmasdan ko ang paligid at mukhang nasa isang kaming private na lugar kasi puro puno at mga bulaklak ang nasa labas.

Anyway, ang lugar na ito ngayon ang isa sa pinakapaborito ko dahil maganda ang nangyari sa akin dito. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga nangyari dito.

This is the best Christmas I ever had in my whole life.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon