Chapter 23

39.2K 1K 54
                                    

Chapter 23

(Max)

Maaga akong umuwi dahil tinawagan ako ni Melody, aasama daw ang pakiramdam ni Rain. Pero pagdating ko naman sa bahay ay wala siya. Kanina ko pa siya ilang ulit na tinatawagan pero naka-off ang cellphone niya.

“Saan kaya nagpunta yun?”

Maya-maya lang may humintong kotse sa tapat ng bahay. Bumaba si Rain, pero ikinagulat ko kung sino ang kasama niya, si Carisse. Ngumiti ito sa akin, hindi ko mapigilan na bumilis ang tibok ng puso ko.

“Kanina ka pa ba Max?”

Tanong ni Rain. Nabaling ang tingin ko sa kanya.

“Hindi naman. Sabi kasi ni Melody masama ang pakiramdam mo kaya umuwi ako kaagad. Okay ka lang ba?”

Ngumiti si Rain at tumango.

“Ayos na ako.”

Muli kong nilingon si Carisse, hindi ko alam pero parang mukha siyang malungkot. Bakit kaya? Dahil ba sa pag-aalala ko kay Rain? Nag-seselos ba siya? Kung nag-seselos siya ibig sabihin…

‘Tumigil ka nga. You promised Rain. ‘Wag mo siyang saktan ulit. Siya na ngayon at hindi na si Carisse.’

“Max? Are you okay?”

Hinawakan ni Rain ang pisngi ko.

“Yes. I’m fine. Medyo marami lang akong iniisip.”

Bumuntong hininga si Rain.

“Yan na nga ba ang sinasabi, kaya ayokong ipa-contact ka. Hindi ka na dapat umuwi agad ayos lang naman ako.”

Nag-titigan lang kami ni Rain. Napaka-bait talaga niya, hindi ko tuloy alam kung bakit ko ba nagawang saktan ang babaeng walang ginawa kundi ang mahalin ako.

“Ahm. S-sige mauna na ako. Sige, Rain next time ulit.”

Tapos tumingin siya sa akin.

“Bye Max.”

Pagkasabi niya nun tumalikod siya. Pero napansin ko ang luha sa mga mata niya. Nasasaktan siya? Pero iniwan niya ako noon.

Ano na naman ba ang nararamdaman ko? Gusto ko siyang habulin, gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin na siya pa din ang mahal ko, siya lang.

Pero si Rain…

‘Hay. Kalimutan mo na siya, Max. Hindi na pwede..’

“Kumain ka na ba?”

Tanong niya.

“Hindi pa. Ipagluto mo ako?”

Paglalambing ko. Saka ko siya niyakap.

“As if namang may choice ako di ba?”

Tumaas ang kilay ko.

“Ah ganun..”

Binuhat ko siyang parang sako at pinasok sa bahay.

“Max! Ibaba mo ako!”

Nagwawala siya at ilang ulit na rin niya pinapalo ang likod ko.

“Nah. Kailangan kang turuan ng leksyon. You’ve been a bad girl, Rain. And you know what to do to a bad girl?”

Hindi siya sumagot pero alam kong umiiling siya.

“Bad girls should be punished.”

Dinala ko siya sa may pool side. Mukhang nakita niya na nasa may swimming pool kami.

“Oh no! Maximillian! Kapag hinulog mo ako dyan, I promised hinding-hindi kita ipagluluto!”

Natawa lang ako.

“Then I have to throw you to this pool again and again.”

Hinampas niya ako sa likod ng malakas kaya naibato ko siya bigla sa pool.

“Ahhhhhhhhh!”

Oh sh*t!

“Maximillian!”

Galit na sigaw ni Rain.

“Sorry, wife!”

Tapos tumakbo ako papasok sa loob! Geez, napakabait nga niyan kaya lang syempre once in a while tumutubo ang sungay niyan at ngayon ang isa sa mga araw na iyon.

Just pray for me na maka-survive ako!

(Carisse)

Agad akong sumakay ng kotse at pinaandar iyon papalayo sa bahay nila Max at Rain. Hindi ko mapigilan ang mga luha sa mga mata ko. Inilabas ko lahat ng nararamdaman ko.

 Ang sakit-sakit pa din. Pero kasalanan ko naman kung bakit ako nasasaktan. Ako ang nang-iwan sa kanya, hindi siya. Kahit ilang taon na ang lumipas kahit magkalayo kaming dalawa siya lang ang laman ng puso ko. Siya pa din at wala ng iba. Pero iba na ang sitwasyon namin ngayon.

Matapos kong ilabas lahat ng luha, nakapagdesisyon na ako. Kakalimutan ko na siya, hindi kami ang para sa isa’t-isa.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang makakatulong sa akin para kalimutan si Max.

“Eric..”

“Carisse,  may problema ba?”

“Let’s continue our supposed marriage.”

Tahimik ang kabilang linya. Tinignan ko ang cellphone ko kung naka-on pa ang tawag.

“Eric? Are you still there?”

Tumikhim ito.

“Magkita tayo. Ang ganitong bagay ay hindi dapat pinag-uusapan sa telepono. Okay?”

“Sige.”

Tumingin ako sa wallpaper ko. Ang picture naming ni Max. I never thought ng dahil sa sarili kong desisyon masasaktan ako ng ganito.

“Nasa huli talaga ang pag-sisisi..”

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon