Chapter 31

38K 992 621
                                    

(Carisse)

"Anong problema Eric?"

Kanina pa kasi kaming dalawa magkasama pero wala siyang kibo. HIndi siya kagaya dati na laging nagkukwento. Kahit naman hindi ko siya talaga mahal importante din sa akin si Eric.

"Carisse.."

Mukhang hirap na hirap siyang magsabi sa akin. Mukhang malaki ang problema niya.

"Ano ba kasi iyon? Eric."

Huminga siya ng malalim. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaglaruan ang engagement ring na binigay niya.

"Mahal mo ba ako Carisse?"

Kumunot ang noo ko. Bakit niya tinatanong? Pero higit sa lahat hindi ko alam ang isasagot ko. Mahal ko siya pero ibang pagmamahal ang nararamdaman ko, pagmamahal ng isang kaibigan.

"Silence means yes. But i know better, kahit kailan hindi ako naging parte ng puso mo. Pero ikaw ang tagal kang naging laman ng puso ko hanggang sa makilala ko siya."

Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin?

"What do you mean?"

Tipid siyang ngumiti.

"Let's cancel the wedding."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ako makapagsalita.

"I love you Carisse pero nakita ko na ang babaeng para sa akin. Ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Ang babaeng totoong mahal ko."

Nakikita ko sa mga mata niya na kung sino man ang babaeng iyon ay talagang mahal niya.

"Another thing, she's carrying my child."

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Carisse, i'm really sorry. Hindi ko naman gusto ang mga nangyari. Believe me, i truly love you pero mukhang ito ang kapalaran natin. Kung ang kasal ang iniisip mo, ako ng bahalang magpaliwanag sa kanila."

Gusto kong sabihin na hindi ang kasal ang iniisip ko. Paano ako? Mag-isa na naman ba ako?

"Okay. Masaya akong marinig yan. Although na-shocked ako sa mga sinabi mo. Naiintindihan ko. Ayokong gumaya ka sa pagkakamali ko."

Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you, Carisse.."

Bakit ganun? Lahat sila iniiwan ako? Ito ba ang karma ko sa ginawa ko dati? Hindi ko naman sinasabing mahal ko si Eric pero nasaktan ako. Mag-isa na naman ako.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nasa isang bar at lasing na lasing. ALam ko sa sarili ko na hindi ako makakauwi mag-isa kaya tumawag ako sa bahay. Sa labas ako naghintay hanggang sa may humintong sasakyan sa tapat ko at agad akong sumakay.

"Pasensya na manong kung dis-oras ng gabi ako nagpasundo."

Hindi sumagot ang driver o siguro hindi ko lang narinig.

"Alam mo ba manong. Hindi na ako ikakasal. Iniwan na ako ni Eric, nakita na niya kasi ang babaeng para sa kanya at mag-kakaanak na sila. Hindi ko naman siya mahal kaya lang masakit. Kasi akala ko mahal niya ako at hindi niya ako iiwan pero nagkamali ako. Kaya ko siya gustong pakasalan kasi matutulungan niya akong kalimutan si Max. Pero mukhang karma ko ata ito sa ginawa ko kay Max dati. Sa totoo lang gustung-gusto ko siyang makasama. Kaya lang kasi hindi pwede. Siya lang kasi ang nakapagpapasaya sa akin. Siya lang.."

Naramdaman kong umaagos na ang mga luha sa mga mata ko.

"Kung maibabalik ko lang ang dati. Hindi ko siya iiwan. Mahal na mahal ko siya."

Siya lang talaga. Kakaiyak ko hindi ko napansin na nakatulog na ako pero narinig kong may sinabi ang driver.

"Mahal na mahal din kita..."


Kinabukasan, ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Bumalik sa akin ang alaala kagabi. Ano kayang magiging reaksyon ng mga magulang ko?

Tumingin ako sa paligid ng pansin kong hindi ko kwarto ito. Kumunot ang noo ko ang alam ko sinundo akong driver namin. HIndi ba?

Biglang may pumasok. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino.

"Max?!"

Ngumiti siya, parang ang ganda-ganda ng gising niya.

"Good morning.. Kamusta ang tulog mo? May masakit ba sayo? Bakit ka naman kasi uminom kagabi?"

Alalang tanong niya. Hindi ako makapagsalita.

"Where am i?"

Tanong ko.

"Oh! Nandito ka sa condo ko."

Condo? OMG!

"Don't worry tinawagan ko na ang parents mo."

Tumingin ako sa kanya. Kung magkasama kaming dalawa hindi siya umuwi sa bahay nila ni Rain.

"Si Rain?"

Sumeryoso ang mukha niya.

"Nasa bahay. Ang alam niya nag-over time ako."

Napailing ako. Oh God! Ayokong magkaroon kami ng problema ni Rain.

"Pasensya na sa abala. Aalis na ako."

Dali-dali akong tumayo buti na lang suot ko pa ang damit ko.

"Wait. Wag ka munang umalis. Mag-breakfast muna tayo, umorder ako."

Umuling ako.

"Hindi na. I have to go. Umuwi ka nasa asawa mo, i'm sure nag-aalala na siya. Saka si Eric baka hinahanap na ako nun."

Nagtagis ang bagang niya.

"Hindi naman na kayo ikakasal. Wala na siyang karapatan."

Nagulat ako. Paano niya nalaman?

"Sinabi mo kagabi sa akin. Akala mo siguro ako yung driver niyo na tinawagan mo."

Siya ang natawagan ko? Napasapol ako sa noo ko.

"Thank you then. I really have to go."

Aalis ako ng bigla niya akong yakapin sa likod.

"Ang sabi mo kagabi gusto mo akong makasama, ngayon nandito na ako aalis ka naman. Ang sabi mo kagabi ako ang nagpapasaya sayo bakit mo naman ako itinutulak kay Rain?"

Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Asawa mo siya. Nag-usap na tayo di ba?"

Isinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Oo. Pero nang marinig ko ang mga sinabi mo kagabi. Hindi ko na kaya, hindi ko kayang makita kang umiiyak ulit. Ikaw lang din ang nagpapasaya sa akin. Kaya natin ibalik ang dati, tayo ulit dalawa."

Kinalas ko ang yakap niya sa akin at humarap sa kanya.

"Max naman. Paano si Rain? Wag mong gawin ito sa kanya.."

Oo pumasok sa isip ko na agawin si Max pero hindi ko kayang gawin kay Rain ang bagay na yun.

"Lagi na lang si Rain ang iniisip mo. Paano naman tayong dalawa? Hindi pa ba sapat ang tagal ng panahon nating magkalayo? Carisse, hindi ko na kaya. HIndi ko na kayang magkunwari na masaya ako sa piling niya."

HIndi pwede. Malaking problema ang mangyayari.

"Max, ayoko ng gulo."

Niyakap niya ulit ako.

"Kasama mo naman ako. Hindi naman kita pababayaan. Kahit anong mangyari, aayusin ko ang kay Rain. Please, mahal na mahal kita.."

Niyakap ko na rin siya pabalik.

"Mahal na mahal din kita."

Patawarin mo ako Rain..




A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon