Chapter 53

49.5K 1.3K 478
                                    

(Rain)

Bukas na magaganap ang kasal ni Max at Carisse. Wala silang nagawa ng ako ang humawak ng preparasyon sa kasal ng dalaw. Siguro kasi hanggang ngayon guilty pa rin sila sa kasalanan nila sa akin. Kaya ayun bahala ako sa gusto kong gawin.

Kung siguro iniisip niyong masokista ako o martyr. Para sabihin ko sa inyo hindi naman masyado. Kaya ko lang naman gustong gawin ito kasi ito na ang isa sa regalo ko sa dalawa.

Kaya heto ako ngayon nakatayo sa altar ng Simbahan kung saan sila ikakasal bukas. Naalala ko tuloy yung kasal namin ni Max. Hindi ako nag-effort na ayusin man lang iyon dahil mas focus ako sa nararamdaman niya noon.

"Rain..."

Nilingon ko siya.

"Hindi ka pa ba uuwi? Kailangan mong magpahinga para bukas. Alam kong pagod ka na."

Ngumiti lang ako kay Max.

"Ikaw ang dapat umuwi na. Big day mo bukas at saka may bachelor's party ka pang pupuntahan."

Inakbayan niya ako.

"Kailangan muna kitang ihatid. Hindi ako matatahimik kung hindi ko alam na nakauwi ka ng maayos."

Ang sweet talaga ng best friend ko.

"Naalala mo ba ang kasal natin?"

Bigla kong tanong. Tumingin ako sa kanya.

"Probably not. Pero may tanong ako."

Tumingin siya sa akin.

"Masarap ba sa pakiramdam na ikakasal sa taong mahal mo? Just tell me the truth."

Ibinalik niya ang tingin niya sa altar.

"Sa totoo lang, oo sobrang sarap. Parang wala na akong mahihiling pa. Iba nung..."

Ngumiti ako.

"I know. Ibang-iba nung kasal natin. Pero masaya ako na masaya ka. Malapit ng matapos ang papel ko sa buhay mo."

Kumunot ang noo niya sa huling sinabi ko.

"I told you my only goal is to make you happy. And bukas makakasama mo na habang buhay ang totoong magpapasaya sayo."

Humarap ako sa kanya.

"Masaya na ako na minsan akong naging isang Mrs. Del Valle. Kahit na sa maigsing panahon."

At kahit na hindi totoo. Ito na lang ang sikretong itatago ko sa kanya.

"Anyway sige na nga ihatid mo na ako. Speechless ka na lang palagi kapag nagdadrama na ako."

Habang nasa biyahe kami tahimik lang siya. Ako naman pinagmamasdan lang siya. 

"Nga pala sana magustuhan niyo ang wedding gift ko. Hirap na hirap pa naman akong gawin iyon."

Hindi siya kumibo. Pero nakit kong sumulyap siya ng konti sa akin. Maya-maya pa nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Madam Crystal.

"Salamat sa paghatid. Ingat sa pag-drive ah, kasal mo pa bukas!"

Masaya kong sabi sa kanya. Pero siya naman seryosong-seryoso. Bumaba na ako ng kotse niya, nakaabang naman sa gate si Madam.

"Wait.."

Tumingin ako sa kanya. Nagulat ako bigla niya akong yakapin ng sobrang higpit.

"Siguro nga hindi kita kayang mahalin gaya ng pagmamahal ko kay Carisse. Pero sa lahat ng taong naging parte ng buhay ko, ikaw ang pinaka-importante. You never left me alone, even in my darkest time. Kung matuturuan ko lang ang puso ko na ikaw ang mahalin, gagawin ko. Pero sinubukan ko naman pero siya pa din talaga. Mahal na mahal ko siya."

Ramdam na ramdam ko ang pagtulo ng luha niya.

"Kaya nga malaki ang pasasalamat ko sayo. Kasi ginawa mo ang lahat para sa akin, sa amin. Pero wala man lang kaming nagawa para sayo."

Umiling ako.

"May nagawa na kayo sa akin. Naging masaya ang buhay ko simula ng makilala ko kayo. Tama na yun sa akin."

Pinahid ko ang luha sa mga mata niya.

"Mahal kita Rain, alam mo 'yan.."

Tumango ako.

"Mahal na mahal din naman kita. Sobra na nga ata ang pagmamahal ko sayo."

Natatawa kong sabi sa kanya.

"I know she'll take good care of you. And she'll love you more than I did. I'm really happy for both of you.."

--

"Rain? They're here.."

Pagkaalis ni Max, agad din kaming umalis ni Madam papunta sa Precious Hotel. Gusto ko ng tapusin ang lahat ngayon, dahil hindi ko alam kung anong mangyayari bukas.

Napatayo ako ng makita ko ang dalawang tao na naging parte ng buhay ko.

"Mama, Papa.."

Napatingin ako kay Madam Crystal. Alam kong nag-aalala siya sa akin pero kaya ko ito.

"Umupo po kayo Mr and Mrs. Sanchez."

Sabi ni Madam.

"What do you want to order?"

Tanong pa ni Madam.

Pero umiling lang ang dalawa. 

"Okay then, maiwan ko muna kayo."

Lumabas siya at naiwan kaming tatlo.

"Naalala niyo po ba ang lugar na ito? Dito niyo ako iniwan noon. You left me to tend for myself knowing that I have AIDS. And you choose Carisse over me. You all choose her, lahat nasa kanya wala ng natira sa akin."

Ngumiti ako ng mapakla.

"Can i ask why? Bakit siya, bakit hindi ako?"

Hindi sila kumibo. Bakit ba ganun kapag nagdadrama ako lahat sila hindi makapagsalita?

"Well siguro nga, i was just born to be lonely, sad. I even wish na sana namatay na lang ako during the accident para hindi ko nakuha ang sakit na 'to. At para mamatay naman akong alam kong mahal niyo ako."

Hindi ko mapigilang hindi tumulo ang luha ko.

"Pero don't worry after all, hindi ko makuhang magalit sa inyo especially kay Carisse. Kasi paano ako magagalit sa taong nagpapasaya sa mga taong mahal ko?"

Napatingin sila sa akin.

"At saka kaya ko lang naman kayo pinapunta dito para magpasalamat. Kasi ginawa niyo sa kanya ang hindi niyo nagawa sa akin. Minahal niyo siya, inalagaan, tinuring na prinsesa.."

Napatingin ako sa labas.

"And I realized na hindi para sa akin ito.."

Inabot ko ang isang locket. Kinuha iyon ni Papa, siya mismo ang nagbigay sa akin nun noon.

"I'm not you daughter anymore. Well, i was never your daughter at the first place."

Nararamdaman ko na ang pagod ko. Bigla akong pinagpawisan..

"A-Are you okay?"

Tanong ni Mama. Ngumiti ako sa kanya.

"Don't worry hindi naman ako mamamatay sa harap niyo."

Sakto naman na dumating si Madam Crystal.

"Rain, you need to rest.."

Tumango ako. Tumingin ako sa dalawa, inalalayan ako ni Madam Crystal tumayo.

"It's nice meeting you Mr. and Mrs. Sanchez. Congratulations on your daughter's wedding."

Dito muna kami magpapalipas ng gabi. Inihatid ako ni Madam sa kwarto.

"Pagod na pagod na ako, Madam.."

Bigla na lang nag-blangko ang lahat..

"Rain!"


A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon