Chapter 15

44K 1.2K 194
                                    

Chapter 15

(Rain)

Idinilat ko na ang mga mata ko. Tumingin ako sa orasan. Alas-dos na pala ng tanghali. Late na pala ako ng gising, pero pakiramdam ko pagod na pagod pa rin ako. Hay..

Wait. 2 PM na! OMG!

Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Mabilis lang ang ginawa kong ligo tapos nagbihis na. Hindi na ako masyadong nag-ayos dahil super late na ko!

Tumatakbo ako pababa sa hagdan, binuksan ko na ang front door ng may magsalita.

“Where do you think you are going?”

Ka-boses ni Max. Pero hindi naman mag-iistambay dito yun, mas gugustuhin niyang nasa opisina siya. Pero lumingon ako at si Max nga. Nakaupo siya sa sofa at may hawak-hawak na papeles.

“Answer me. Where are you going?”

Nakakunot na naman ang noo niya.

 

”Pupunta ako sa studio. Meron kaming photo shoot ngayon.”

Ibinaba niya ang mga hawak niyang papel at diretsong tumingin sa akin.

”Tumawag na ako sa assistant mo. Sinabi ko na hindi ka makakapasok.”

Sagot niya.

”Pero walang mag-aasikaso doon. At isa pa sino ang magiging photographer nila?”

At saka baka mamaya mag-hysterical na naman si Sam doon.        

”Don’t worry about it. Nagpadala na ako ng isang professional photographer doon. At besides nakausap ko na rin ang kliyente mo. Okay lang naman sa kanila. Pinadala ko na din doon si Zach, kahit papaano naman may alam din sa ganun ang lalaking yun kaya may katulong na yung assistant mo.”

Napanganga lang ako sa sinabi niya.

”Kaya ikaw, wala kang ibang gagawin kundi magpahinga. Halika, nagluto ako.”

Tumayo siya at hinatak ako sa kusina. Nakahain na at ang dami niyang niluto.

”Well, niluto ko lahat ng alam kong paborito mo. Sana magustuhan mo..”

Tumingin ako sa kanya. Namumula siya at ang cute niyang tignan.

”Alam mo ang paborito kong pagkain?”

Tanong ko sa kanya.

”Oo naman.”

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon