Chapter 42

48.7K 1.2K 125
                                    

(Rain)

Namangha ako sa napakagandang tanawin  na nasa harap ko. Ganito pala kaganda ang sunset, nakakatuwang pagmasdan ang magandang kulay. 

Ito ang pinakamagandang regalong ibinigay nila sa akin. Tumingin ako sa likod ko kung nasaan sila pero nagtaka ako ng hindi ko sila makita. Saan sila nagpunta? Nawala na sa isip ko ang magandang tanawin na nasa harap ko. 

"Mama! Papa!"

Tumakbo ako habang hinahanap sila. Ilang oras din akong takbo ng takbo, pagod na pagod na ang mga maliliit kong paa. Pero hindi ko pa rin sila nakita..

Umupo ako sa pwesto ko kanina sa tabing dagat. Iniwan nila ako.. Hindi ba nila ako mahal? Masama ba ako? Mabait naman ako, ginawa ko naman ang lahat ng gusto nila pero bakit ganun? 

Iniyuko ko ang sarili ko at umiyak. Ito ang pinakamasaya at pinakamalungkot kong birthday.

"Happy Birthday to me .."

Bulong ko sa sarili ko.

"Bata, bakit ka umiiyak? Nawawala ka ba?"

Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa alaking lumapit sa akin. 

Hindi ako sumagot pero tumango ako sa kanya. Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Mukha siyang mabait, kaya nginitian ko siya. Para siyang nagulat sa pagngiti ko. Bakit kaya? Lumuhod siya para maging kapantay ko.

"Ganun ba? Sumama muna ka sa akin. Kaibigan ko ang may-ari ng hotel na ito baka matulungan niya tayo.."

Dinala niya kami sa isang kwarto kung saan may naghihintay na napakagandang babae.

"Ano bang problema, Reign?"

Reign. Yun siguro ang pangalan ng lalaki. 

"Crystal, nawawala daw ang batang ito. Baka pwede mo naman kaming tulunga na hanapin sila."

Crystal. Ang ganda naman ng pangalan niya, kasing ganda rin niya. Tumingin sa akin si Ms. Crystal. Nginitian ko lang din siya. Ngumiti din siya sa akin.

"Sige. Tulungan natin siya.."

May ipinatawag siyang mga tao at may sinabi siya sa kanila. Tinanong niya kung ano ang pangalan ng magulang ko. Sinabi ko naman. Medyo nagulat pa nga sila, hindi ko alam kung bakit.

Pero lumipas ang ilang oras hindi nila sila nakita. Wala na rin daw sila dito sa Pilipinas. Ganun kabilis nila nalaman ang lahat.

Nakaupo lang ako sa isang tabi habang nakatingin sa kanila. Nakita ko ang mga lungkot at awa ng tumingin sila sa akin.

"Anong gagawin natin sa kanya?"

Narinig kong tanong ni Sir Reign kay Ms. Crystal.

"Pwede natin muna siyang dalhin kay Sister Teresa. Doon muna siya pansamantala."

Napayuko ako, wala na akong pamilya. Mag-isa na lang ako..

Dinala nila ako sa isang ampunan. Maraming bata ang andun, marami din palang kagaya ko na iniwan. Gusto kong makipag-kaibigan pero alam ko naman na kakaiba ako sa kanila. Mababait naman sila kaya lang kasi baka mahawa sila sa akin.

Lagi naman akong dinadalaw nila Sir Reign at Ms. Crystal. Kaya lang siguro napapansin nila na hindi ako masyadong nakikisalamuha sa mga ibang bata. Kaya ginagawa nila ang lahat para naman hindi ako laging mag-isa. Pero nagbago ang lahat isang araw, nalaman nila ang sikreto ko.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon