EPILOGUE

97.3K 2.7K 2.2K
                                    

(Max)

I feel sad now pero hindi nakikisama sa akin ang panahon. Dahil ang ganda pa ng sikat ng araw, pero ang puso ko nagdudusa.

"Sabi na nga ba dito ka namin mahahanap."

I looked up and saw them. 

"Masyado kasing malungkot sa bahay at isa pa alam ko kasing nalulungkot siya dito.."

Nakita kong ang awa at lungkot sa mga mata nila. 

"Gusto mo bang samahan ka namin?"

Tanong ni Zach.

Umiling ako.

"Ayos lang ako. Nakakaabala pa ako sa inyo."

Lumapit sila sa tabi ko.

"Ano ka ba? Hindi ka nakakaabala, isa pa wala naman kaming gagawin. At alam namin na kailangan mo kami ngayon."

Napangiti ako sa sinabi nila.

"Alam namin ang nararamdaman mo Max. Hindi lang ikaw ang nawalan, kami din. Kaya sana wag mong solohin ang sakit. Hindi man namin kayang alisin pero atlest may kasama kang kaharapin iyon,"

Sabi ni Melody. 

Inakbayan ako ni Hugo.

"Well, ayoko pa rin sayo pero hindi naman ako ganun kasamang tao para kawawain ka ngayon sa ganitong sitwasyon. At isa pa magagalit sa akin si Rainy. Pero tandaan mo lang na andito kaming mga kaibigan mo kahit anong mangyari."

Napangiti ako sa sinabi ni Hugo. Hearing Rain's name also brought me some relief and sadness.

"Salamat sa inyo. Andito pa rin kayo sa kabila ng lahat ng nangyari."

Humagikgik ang anak ni Zach and Melody.

"Tama ka, sa dami  ng pinagdaanan natin, ngayon pa ba tayo mag-iiwanan? Ito ang gusto nilang mangyari sa atin. Gusto nilang dalawa na manatili tayong masaya at matatag. Lalo na si Rain, she's probably watching us right now."

Tama si Melody. I looked up ath the sky.

'Are you here Rain? If you are, nalulungkot ako ngayon.. Anong gagawin ko?'

"Today is Rain's birthday, we should probably celebrate."

Right. Muntik ko pang makalimutan, kaya siguro may humahatak sa akin papunta dito.

Now I pictured her being sad again.. 

'I'm sorry.. I forgot again.'

"I guess we should,  sasabihin lang ako sa asawa ko."

Ngumiti lang sila at umalis. Tumayo ako at humarap sa puntod.

"Wife, it's Rain's birthday today.. Iiwan muna kita pero babalik din ako bukas. Dalawin mo naman ako sa panaginip ko. I wanted to see you again.."

Oo tama kayo ng nabasa, si Carisse ay wala na. It's been 5 years since we lose Rain and now we also lose Carisse and our baby too.

Siguro may sumpa ako kaya lahat ng babaeng nagmamahal sa akin nawawala. I don't even know what to do ng oras na iyon. May complication sa panganganak ni Carisse, and the doctor wanted me to choose between my wife and child. I can't choose between them pero si Carisse she begged me not to choose anyone. Gusto niyang hayaan lang silang dalawang mamatay at hindi ko alam kung bakit.

"Don't choose. Just let us go.. Ito ang kabayaran sa lahat, Max."

I was crying my heart out. 

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon