Chapter 24

40.8K 1K 26
                                    

Chapter 24

(Rain)

"So, let's meet again next week. Mag-practice kayo para sa practical test natin, okay?"

Masiglang sumagot ang mga estudyante.

"Yes, Ma'am Rain!"

Ngumiti ako sa kanila. Nakakatuwa talaga sila.

"Good bye, everyone."

Natapos na ang klase ko for this week. Once a week lang naman ang schedule ko ditto sa High Notes School of Music kasi alam niyo naman busy din ako sa studio.

Habang naglalakad ako panay ang bati ng mga estudyante sa akin, ako naman bumabati pabalik. Sinong makapagsasabing ang iba sa mga batang ito ay malungkot ang naging simula sa buhay. Parang ako lang..

Napahinto ako dahil biglang nanlabo ang paningin ko. Kaya napakapit ako sa pader. Pumikit ako sandali at saka muling dumilat.

Maya-maya tumunog ang cellphone ko hudyat na may nag-text sa akin. Binasa ko iyon. Galing kay Eric, gusto niyang makipagkita sa akin.

"Bakit naman kaya?"

Nagmadali akong umalis para puntahan siya. Pagdating ko sa restaurant na pagkikitaan naming, agad ko siyang nakita kaya lang may kasama siyang babae.

"Rain!"

Masayang bati niya. Nagulat pa ako ng yakapin niya ako at ipaghila ng upuan. Anong problema ng isang ito?

Muling bumalik ang tingin ko sa babaeng kasama niya. Nakatingin ito sa akin, masasabi kong maganda siya at mukhang mabait. Ngumiti ako at nginitian din niya ako.

Hindi ba niya ipapakilala sa akin ang kasama niya?

"Anong gusto mong orderin? Treat kita."

Kung dati kapag sinabi niyang libre walang atubili akong oorder pero iba ngayon parang ang weird naman niya. Masyado kasi siyang masaya.

"Why are you so happy?"

Tanong ko sa kanya.

"May good news ako sayo."

Tumaas ang kilay ko. Pero ang babaeng kasama niya parang lumungkot, bakit kaya?

"I'm getting married!"

Nanlaki ang mga mata ko. Magsasalita pa lang ako ng pigilan niya ako.

"Wait bago ka mag-react dyan. Ikakasal na kami ni Carisse."

Kumunot ang noo ko. Pero doon pa rin ako sa babae nakatingin.

"What?"

Halos pasigaw kong tanong. Nagtinginan tuloy yung ibang tao sa amin.

"Geez. Relax ka lang."

Ikakasal sila? Pero paanong nangyari iyon?

"Nagulat din ako ng sabihin sa akin ni Carisse na gusto na niyang ituloy ang kasal namin dati. Hindi ko alam ang nangyari pero masaya ako."

Halata naman sa kanya na masaya siya. Sa totoo lang masaya ako para sa kanya pero may parte sa akin ang nalulungkot at hindi ko alam kung bakit.

"Well, congratulations. Masaya ako para sayo."

Nginitian niya ako.

"So kamusta naman kayo ni Max?"

Tanong niya.

"We're fine."

Nagkwentuhan lang kami pero yung kasama niya walang kibo. Pero sa kanya nakatuon ang atensyon ko, teka baka isipin niyo tomboy ako.

It's just that the way she looks at Eric, she looks at him with love. And I know, hindi ito napapansin ni Eric. Alam ko dahil ganyan din ako dati.

"Hindi mo ba ako ipapakilala sa kanya, Eric?"

Natigilan si Eric at tumingin sa katabi niya.

"Oh! I forgot!"

Napailing ako. Napayuko na lang ang babaeng kasama niya.

"Nevermind. I'm Rain Garcia, nice to meet you."

Inabot ko ang kamay ko for shake hands at tinaggap niya.

"I'm Lucia Louis. It's my pleasure to meet you Ms. Rain."

Ngumiti ako.

"Just call me Rain. And you're very beautiful."

Narinig kong tumikhim si Eric.

"I'll just go to the CR."

Tumayo siya at umalis. Si Lucia nakatingin lang sa papalayong si Eric.

"You love him."

Nagulat siya sa sinabi ko. Pero agad siyang umiling.

"No, I'm just his executive assistant."

Sumandal ako sa upuan ko at pinaglaruan ang baso.

"You can't lie to me, Lucia. Your eyes can't lie."

Napayuko siya.

"Hindi naman niya ako napapansin. Ang napapansin lang naman niya palagi si Ms. Carisse kahit na ako ang laging nasa tabi niya, lagi na lang siya."

Punung-puno ng lungkot ang mga mata niya. Ganya din ba ako dati tuwing nakikita ko si Max at Carisse?

"Naiintindihan kita. Ganyan din ako dati. You know Max, right?"

Marahan siyang tumango.

"Ex siya ni Ms. Carisse hindi ba?"

Malungkot akong ngumiti.

"Yes. He's my best friend, you know. I've always been his best friend. Mas nauna ko siyang nakilala, mas nauna ko siyang mahalin. Like you andyan lang ako sa tabi niya. I wanted to tell him my feelings pero ayokong masira ang friendship namin. And then he met Carisse, I even supported him. Ako pa nga ang gunawa ng paraan para magkakilala silang dalawa. Ako rin nag-iisip para maligawan niya si Carisse, I even arranged their dates. Masakit sa akin na hindi man lang niya ako matapunan ng konting pagmamahal pero hindi ako nagalit kay Carisse, kasi siya ang nakapagpapasaya sa lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko kayang saktan ang taong nagbibigay ng kaligayahan sa kanya. As long as makita ko ang mga ngiti niya, I'm fine with it. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana ako ang naging dahilan kung bakit siya nasaktan. Hindi niya alam pero kasalanan ko kung bakit umalis noon si Carisse."

Kumunot ang noo niya.

"Bakit anong ginawa mo para umalis si Ms. Carisse?"

Huminga ako ng malalim.

"I---"

Bago ko pa masabi biglang dumating si Eric.

"Rain, sorry pero kailangan na naming umalis ni Lucia."

Ngumiti ako at tumango.

"Sure. Salamat sa libre mo. "

Tumayo na si Lucia.

"Salamat sa kwento mo Rain. Sana magkita pa ulit tayo."

Tumangi ako.

"Lucia, ipapahatid na lang kita sa driver. Kailangan kong sunduin si Carisse. Okay?"

Tumango si Lucia. Tinignan ko si Eric, and then his eyes. Napangiti ako. Tapos umalis na ito. Susunod na dapat si Lucia pero pinigilan ko siya.

"Fight for him. Nakikita ko he felt something for you."

Malungkot siyang ngumiti.

"Baka nagkakamali ka lang."

Umiling ako.

"No. Believe me. Hindi niya marerealize kung wala kang gagawin. It's there, nakatago lang kailangan mo lang palabasin sa kanya. See you around."

Tapos umalis na siya.

Nag-ring ang cellphone ko.

Si Max.

"

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon