Chapter 38

44.9K 1.2K 156
                                    

(Rain)

Nagpunta ako sa venue ng exhibit para tignan kong may aayusin pa. Pagpasok na pagpasok ko para akong bumalik sa nakaraan.

Lahat kasi ng mga litrato na idinisplay ko ay mula noon hanggang ngayon. Gusto ko kasing maalala nila kung gaano kasaya ang lahat noon. Gusto kong maramdaman nila ang tuwang nararamdaman ko tuwing pinagmamasdan ko ang mga litrato nila.

At isa pa ito rin ang nagsisilbing mga alaala ko. Ito ang mga pangyayaring nakatatak sa isip ko na alam kong nakalimutan nila. Isa pa, sila ang mga taong importante sa buhay ko.

Natapat ako sa litrato ni Max. Ito ang pinakapaborito ko sa lahat. Tuwing nakikita ko ito hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Nakuhanan ko ito ng noong nasa high school pa kami, masaya sila noong nagkukwentuhan ni Carisse. Ito ang ngiting hindi ko kayang ibigay sa kanya.

Naramdaman ko na naman ang lungkot. Namismiss ko na siya, kahit na hindi niya ako namimiss. Gustung-gusto ko siyang makita. Pero alam ko naman kung ano ang magiging reaksyon niya. Ipagtatabuyan niya ako.

Pero huli na ito. Nabuo ang determinasyon sa puso ko napuntahan siya. Dali-dali akong umalis at pumunta sa kanya.

I wait for him here beside his car. It will be the last time na hihingi ako ng favor sa kanya. Sana lang pumayag siya. I just badly want to be with him.

Hindi ako makatagal na hindi siya nakikita, siguro nasanay na lang ako na lagi siyang nasa paningin ko. Minsan pa nga out of habit tuwing umaga nakapaghahanda ako ng breakfast niya tapos hihintayin ko siyang bumaba pero lagi akong nagiging sa sarili kong ilusyon na wala na pala siya. Wala na ako sa bahay namin, na mag-isa lang ako.

I saw him, he's smiling habang may kausap siya sa phone niya. Alam ko naman kung sino yun. And i heard him say..

"I love you.."

Lalong nadurug ang puso ko sa narinig ko na yun.. Sana ako yung sinasabihan niya nun, sana nagagawa din niyang ngumiti sa akin ng ganun. Pero malabong mangyari yun.. I know it, from the very start.

Huminto siya sa harap ko at agad nawala ang ngiti niya. But unlike him i smile.

"Max..."

Kumunot ang noo niya.

"What are you doing here? Di ba ikaw na ang may sabi na pinapakawalan mo na ako, so ano ang ginagawa mo dito? Guguluhin mo na naman kami? Rain naman! Masaya na kami, masaya na ako. Wag mo namang sirain ulit."

Kahit na gusto kong umiyak sa mga sinabi niya sa akin hindi pwede. Gusto ko lang talaga siyang makasama. Ang tagal na ng huli ko siyang mapagmasdan ng malapitan. Baka ito na ang huli.

"I'm just here to ask kung pwede mo ba akong samahan, manuod ng sunset dun sa may beach."

I said with so much happiness. Pero lalung kumunot ang noo niya.

"Don't worry, it will be the last time na lalapit ako sa iyo. Just this one, samahan mo naman ako.. Please."

He's staring at me. Pinagmasdan ko ulit siya at napansin kong maayos na maayos ang damit niya. Meron din siyang dalang boquet of flowers. I guess I know the answer. Pero baka naman pumayag siya.

"Ngayon ako magpoprose sa kanya. Ngayon ko gagawin ang dapat matagal ko ng ginawa kundi mo lang kami sinira. Ang mabuti pang gawin mo, asikasuhin mo ang annulment natin para maikasal na kami ng babaeng mahal ko.."

Nilampasan niya ako at lumapit na sa kotse niya. Pero agad akong humabol sa kanya.

"Please, Max. Last na 'to. I just want to be with you for the last time."

Marahan siyang humarap sa akin.

"Why can't you jut stop, Rain? Wag mo ng ipagsiksikan ang sarili mo sa akin. Kasi kahit anong gawin mo hindi kita mamahalin. At kahit na sino walang magmamahal sayo!"

I was taken aback of what he said.

Realization hit me.

He's right no one will love me and no one will. Even my parents.

Napayuko ako.

Truth really hurts.

"You're right. Don't worry hindi na ulit ako magpapakita sa inyo. Pasensya na din sa abala. And congratulations.."

Naglakad ako palayo.

Para akong nagising sa isang panaginip. Noon pa lang alam ko na hindi talaga nila ako mahal pero ng sabihin iyon ni Max parang ngayon lang talaga nag-sink in sa utak ko ang katotohanan na kahit anong gawin ko walang magmamahal sa akin.

(Melody)

Ilang araw ng hindi nagpapakita si Rain. Hindi na siya pumupunta sa music school. Nag-resign na pala siya, hindi ko man lang alam. Pati ang studio niya, ibinigay na niya kay Sam.

Alam kong iniisip niyo masama akong kaibigan. Pero sa maniwala kayo at sa hindi, ginagawa ko ang lahat ng ito para sa kanya.

Iniiwas ko lang siya sa pangyayaring mas makakasakit sa kanya. Alam ko kung gaano niya kamahal si Max, nakita ko lahat ng sakripisyo niya. Kaya nga dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Max nakalimutan na niya ang sarili niya.

Mahal na mahal ko si Rain kaya ayoko na siyang makitang nasasaktan gaya ng nangyari noon. Halos kay Max lang nakaikot ang mundo niya, kaya ng makilala ni Max si Carisse halos gumuho ang mundo niya. Alam ko iyon dahil kaibigan ko siya.

Gusto ko lang makitang masaya si Rain pero ang kaligayahan niya ay mahirap makuha.

"Namimiss mo siya noh?"

Napatingin ako kay Zach.

"Sino ba naman ang hindi makakamiss sa kanya? Siya lang naman ang nagpapasaya sa atin. Kaya lang kasi pakiramdam ko ang sama ko kasi alam kong nahihirapan siya ngayon pero wala ako sa tabi niya."

Simula ng nangyari ang komprontasyon namin sa kanya, hindi na kami naging masaya, well masaya naman pero alam namin sa sarili namin na nagkukunwari lang kaming lahat. Lalo na ng magalit si Hugo.

Siguro kung sa aming dalawa, mas mahal ni Hugo si Rain.

Lalo ngayon na maghihiwalay na silang dalawa. Hindi namin alam kung bakit pero alam kong nahihirapan siya. Mag-isa lang siya ngayon.

"Gusto mo lang na mapabuti siya. Wag kang mag-isip masyado, makakasama sayo at sa baby.."

Napahawak ako sa puson ko hinimas-himas iyon. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti.

"Kapag nalaman siguro ni Rain na buntis ako, tiyak matutuwa siya. Napakahilig kasi niya sa mga bata."

Naalala ko tuwing nakakakita siya ng mga bata nagiging bata din siya.

"Why don't you tell her?"

Kumunot ang noo ko.

"Paano ko naman gagawin iyon kung hindi nating siya mahagilap?"

May inilabas siyang papel, iniabot niya sa akin iyon at binasa ko.

Invitation iyon para sa photo exhibit niya.

"Sino nagbigay sayo nito?"

Nag-kibit balikat siya.

"Nakita ko lang yan sa ibabaw ng mesa ko kanina. Tinanong ko kanina sa secretary ko kung sino ang nagdala, ang sabi niya lalaki pero hindi daw niya kilala."

Tumango ako at tinignan ulit ang invitation. Bukas na pala ito ng gabi,

ang bilis naman lumipas ng araw..

"I think pinadalhan niya tayong lahat. Kasi meron din yung triplets."

Pinadalhan niya kaming lahat?

"Gusto niya tayong makita.."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon