Chapter 21

45.6K 1.2K 218
                                    

Chapter 21

(Rain)

"So sabay tayong pupunta bukas, okay?"

Napaisip ako.

"We'll see. Kung kailangan ako doon ng mas maaga baka mauna na ako pero kapag hindi, sabay tayo."

Tumango siya.

"Okay then. Good night."

Pumasok na siya sa kwarto niya. Pero ako dumiretso muna sa secret haven ko. Kahit na gaano ako ka-busy hinding-hindi ako makakapayag na hindi pumupunta dito. 

Hindi naman puro mukha ni Max ang andito. Kasama sila Melody dito, lahat sila kaya nga lang puro stolen shots. These pictures are my memories. Hindi naman kasi ako mahilig magsulat sa diary. Ito na siguro yung maituturing kong sariling version ko ng scrap book at photo album.

Kaya lang sa dinami-dami ng pictures na andito may mga tao pa akong hindi nakukuhanan. Sila ang kukumpleto nito, ang kukumpleto sa buhay ko..

"Bukas, magbabago na ang lahat. Mananatili ka pa rin ba sa tabi ko gaya ng sinabi mo o iiwan mo na naman ako."

Hinaplos ko ang litrato niya.

"Babalik na ang babaeng totoong nag-mamay-ari ng puso mo. Pero patawarin mo ako kung sa pagkakataong ito, magiging makasarili ako. Alam ko, nangako ako sa sarili ko na sa oras na bumalik siya ay pakakawalan na kita pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang mawala ka ulit sa akin. Masyadong masakit, Max. Dahil baka kapag nawala ka ulit sa akin, hindi ko na kayanin. Baka ikamatay ko."

Pumatak na naman ang mga luha sa akin. 

"Panghahawakan ko ang sinabi mo sa akin. Na hindi mo ako iiwan. Mahal na mahal kita.."

(Max)

"I told you di ba na sabay tayong pupunta."

Narinig kong bumuntong hininga si Rain sa kabilang linya. TInawagan niya ako para sabihin na mauuna na siya sa venue ng concert dahil may kailangan pa siyang i-check. Pero napag-usapan na sabay kaming pupunta.

"Max, kailangan kasi ako doon. Di ba sinabi ko naman sayo kung kailangan ako mauuna akong pumunta. Itext mo na lang ako kapag nasa may entrance ka na para susunduin kita doon, okay?"

Wala naman akong choice kundi pumayag sa kagustuhan niya.

"Fine. I'll see you there. I love you.."

Narinig kong tumawa ng mahina si Rain.

"I love you too.."

Hinintay kong patayin niya ang tawag. Sandali lang ay pinatay na niya. Ibinaba ko na ang cellphone ko at pinaandar ang kotse papunta sa Precious Hotel.

Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Sobrang saya ni Rain, well ako din naman ay masaya. Ngayon ko lang kasi narerealize na mahal ko siya. Well, sino ba namang hindi di ba? At isa pa sabi nga ng mga kaibigan ko, maswerte ako kay Rain. She's the woman every man is dreaming to be their wife and she's wife.

Huminto na ang sasakyan ko sa harap ng entrance ng hotel. Dami ng mga press ang nakaabang sa labas. Bumaba na ako at inabot sa valet ang susi ng kotse ko.

Pagbaba ko biglang umiba ang pakiramdam ko. Parang may mangyayari ngayong gabi. Hindi ko alam kung maganda o hindi.

Dire-diretso lang akong naglakad. Hindi ko pinansin ang mga reporters. Hindi din ako tumigil para sa picture. Hindi ako mapakali kapag hindi ko nakikita si Rain. Ewan ko ba pero hinahanap-hanap ko siya.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon