Chapter 51

45.1K 1K 55
                                    

(Rain)

This is it! Ito na yung araw na makikita ko ulit silang lahat lalo na si Max. Siguro masayang-masaya na siya ngayon kasi wala ng hadlang sa kanilang dalawa ni Carisse.

"Rain, ready ka na?"

Tanong ni Angelique. Tumango lang ako. Siya ang nag-ayos sa akin kaya tuloy feeling ko ang ganda-ganda ko. Napatingin ako sa salamin, pinagmasdan ko ang sarili ko. Salamat talaga sa make-up na nilagay sa akin ni Angelique, hindi halata ang pamumutla ko at hindi ako mukhang may sakit.

"Matunaw naman ang salamin kakatitig mo."

Tinignan ko si Hugo mula sa salamin. At saka ako humarap sa kanya. 

"Syempre kailangan kong tignan ang sarili ko bago humarap sa kanila. Baka sakaling mabaling ang atensyon sa akin ni Max!"

Biro ko. Narinig ko ang pagtawa ng dalawa.

"Hay naku! Halika na nga! Baka iniintay na nila tayo."

Sabi ni Hugo sabay hatak sa akin. Sumakay kami ng kotse papunta sa school naming dati. Nakaka-excite na ewan ang nararamdaman ko. Kasi halos lahat ng magagandang alaala ay nandoon. Dahil doon ko sila nakilalang lahat, at higit sa lahat doon ko nakilala ang lalaking mamahalin ko hanggang wakas.

"Rain?"

Napatingin ako kay Hugo.

"We're here.."

Napatingin ako sa paligid, sa lalim siguro ng pag-iisip ko hindi napansin na andito na kami. Napansin kong nakatingin pa rin ang dalawa sa akin.

"Don't worry I'm fine."

Binuksan ko ang pinto at bumaba sa kotse. Pinagmasdan ko ang paligid, may mga pagbabago na. Pero hindi pa rin mawawala ang alaala ko dito. Sana lang hindi ko makalimutan.

May mga kotse na naka-park, na-late ata kami.

"Halika na, Rain. Late na tayo oh!"

Nag-lakad kami papasok sa gym naming kung saan ang venue. Natutuwa ako sa mga decorations, ang daming lanterns at ang payapa ng paligid. Naalala ko tuloy,pangarap ko dati kapag may magpoprose sa akin ganito ang ayos.

"Ang galing naman ng nag-ayos dito. Pero parang hindi naman ito pang-reunion e!"

Huminto kami sa tapat ng pintuan ng gym. Biglang nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti na lang nasapo ako ng dalawa kundi bagsak ako.

"Rain!"

Huminga ako ng malalim hanggang sa maramdaman ko na bumalik ang lakas ng tuhod ko.

"Ayos lang ako. Tumatanda lang kaya siguro ganito ako. Tara na sa loob!"

Inayos ko ang sarili ko at bumukas ang pinto. Bumungad sa akin ang masayang tugtugin at ang maraming tao. Nagsasayawan silang lahat at ang saya-saya.

"Upo muna tayo."

Pumunta kami sa table sa gitna. Ang daming bumabati sa akin pero hindi ko na sila maalala. Ito ang kinatatakot ko, nakalimutan ko na ang iba kong alaala.

"Dito ka muna, Rain. Ikukuha ka lang naming ng pagkain at saka sasabihin ko sa organizer na andito ka na."

Tumango lang ako kay Hugo. At umalis na silang dalawa. Tumingin ako sa mga tao at hinanap si Max.

"Dumating na kaya siya?"

Maya-maya pa nagsalita ang mc. Sino pa ba? E di ang maganda kong best friend na si Melody. Medyo halata na sa kanya ang baby bump niya. Nakakatuwa, malapit na siyang maging nanay.

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon