Chapter 25

40.5K 1K 17
                                    

(Max)

“It was nice doing business with you, Mr. Del Valle.”

We shake hands sealing the deal.

“Thank you, Mr. Tan.”

Tapos umalis na ito.

Finally. Another deal has been closed. Makakapag-relax na ako at syempre babawi ako kay Rain. Nitong mga nakaraang araw kasi nawawalan ako ng oras sa kanya dahil sa pag-aayos ng expansion ng business.

Pero paano kaya ako makakabawi? Dapat siguro i-treat ko siya ng dinner.

Tumayo ako palabas ng restaurant ng makita ko siya.

Si Carisse.

Sa tagal ng pagkakatitig ko sa kanya hindi ko napansin na nakita na pala niya ako at nakalapit sa pwesto ko.

“Hi, Max.”

Ngumiti siya. Ang ganda pa din ng ngiti niya.

“Ahm. Hello.”

Ano ba itong nararamdaman ko? Para akong teen ager na kaharap ang crush niya.

“So, what are you doing here?”

Tanong niya.

“I have a meeting, pero paalis na rin ako. Ikaw?”

Tumingin siya sa labas.

“Dumaan lang ako para kumain.”

Ngumiti ako.

“Of course. This is your favorite restaurant.”

Parang bigla siyang natigilan. May nasabi ba akong masama?

“You remember.”

Gusto kong sabihin na kahit lahat ng tungkol sa kanya hindi ko kayang kalimutan.

“Oo naman. Ikaw pa.”

Natahimik kami sandali.

“Kayo ba ni Eric?”

Bigla kong tanong. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon pero lumabas na lang sa bibig ko.

Bago pa siya makapagsalita biglang dumating si Eric. HInalikan niya si Carisse, biglang nag-sikip ang dibdib ko.

“Hon, kanina ka pa ba naghihintay?”

Tanong niya kay Carisse. Lumingon sa gawi ko si Carisse.

“Hindi naman.”

Tumingin sa gawi ko si Eric.

“Oh? Max, andito ka pala.”

Tumango ako.

“Yeah. Nakasalubong ko lang si Carisse.”

Tumango-tango siya at tumingin kay Carisse.

“Nasabi mo na ba sa kanya?”

Tanong ni Eric. Bahagyang tumingin sa akin si Carisse.

“Hindi pa.”

Mahinang sagot ni Carisse.

Teka ano ba ang dapat sabihin sa akin ni Carisse?

“Okay. Then we should tell him.”

Lumingon ulit sa gawi ko si Eric, nakangiti ito. Pero ngiting nang-aasar.

“We’re getting married.”

That statement shattered me. Ikakasal sila?

Tumingin ako kay Carisse para malaman kung totoo ang sinabi ni Eric pero nag-iwas ito ng tingin sa akin. So it’s true then.

Umayos ako ng tayo.

“Well, I’m glad to hear that. Congratulations in advance. By the way, mauna na ako sa inyo. Hinihintay na ako ni Rain.”

Tumango si Eric.

Naglakad ako palabas pero muli kong tinignan si Carisse, nakatingin din siya sa akin. Pero may napansin ako, may luha sa mga mata niya.

“Hindi talaga kami ang para sa isa’t-isa..”

Umuwi ako sa bahay. Gaya ng dati andun na si Rain, naghihintay sa akin. Hindi ako masyadong nagsasalita. Hindi pa rin kasi maalis sa isip ko ang nalaman ko kanina.

Tinatanong ako ni Rain kung anong problema ko pero hindi ko siya sinasagot. Dahil kapag sinabi ko, alam ko masasaktan ko na naman siya. Kaya ibinuhos ko na lang ang problema ko sa pag-inom ng alak.

Umupo siya sa tabi ko. Hindi siya nagsasalita alam ko naman kung ano ang ginagawa niya. Gusto niyang maradamdaman ko na andyan lang siya sa tabi ko. Ganyan naman siya palagi kahit noon, kapag may problema ako at hindi ko sinasabi sa kanya. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko.

Pero si Carisse, ako dapat ang nasa tabi niya. Ako dapat ang nagpapasaya sa kanya hindi ang lalaking iyon. Hindi maalis ang mukha niya kanina, ang mga luhang pumatak sa maganda niyang mga mata. Gustung-gusto kong punasan iyon at yakapin siya ng mahigpit pero may mga bagay na hindi na pwede.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa balikat ni Rain, naririnig kong nagsasalita siya pero hindi ko na naintindihan hanggang sa nilamon na ako ng tulog.

(Rain)

Dumating si Max pero pansin ko parang iba ang mood niya. Kumain kami ng hapunan pero walang imikan. Heto siya nakaupo sa labas habang umiinom ng alak. Alam ko may problema siya. Lumapit ako sa kanya.

“Max, may problema ba?”

Hindi siya umimik.

“Max…”

Napabuntong hininga ako. Umupo ako sa tabi niya, nakatingin ako sa langit. Ayokong iwan siya, gusto maramdaman niya andito lang ako sa tabi niya.

Maya-maya lang naramdaman kong bumigat ang balikat ko kasabay ng mahinang hilik ni Max.

“Alam ko naman kung ano ang problema mo. Nalaman mo na siguro na ikakasal sila. Paano ko nalaman? Alam ko lang. Don’t worry, I’ll do everything para maging masaya ka sa akin. Gagawin ko lahat.”

--

Kinabukasan maaga akong umalis. Ngayon ko sila makikita ulit pagkatapos ng maraming panahon. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila.

Hinintay ko sila dito sa isang hotel.

Maya-maya lang dumating na sila. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

“Good morning, Mama.. Papa..”

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon