Chapter 41

49.9K 1.4K 174
                                    

(Rain)

Tahimik lang ang naging biyahe namin ni Madam Crystal. May mga pagkakataon naman na may tinatanong siya sa akin pero tipid ang aking isinasagot. Alam kong alam ni Madam ang nararamdaman ko.

Bigla akong nahilo. Napahawak ako sa ulo ko.

"Are you okay, Rain?"

Alalang tanong ni Madam. Tumango lang ako.

"Malayo pa naman tayo, pwede ka munang matulog. Gigisingin na lang kita kapag nakarating na tayo doon."

Sinunod ko siya at ipinikit ang mga mata ko.

Naramdaman kong may humahaplos sa ulo ko.

"Rain, hija.. Gising na."

Narinig ko ang maamong tinig ni Madam. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa kanya.

"We're here.."

Pagkasabi niya nun tumingin ako sa paligid. Ang lugar na matagal kong hindi nakita. Bumaba na kami ng kotse. 

Tinignan ko ang mataas na building na nasa harapan ko ngayon. I'm back to the place I called 'home'. 

Tumingin ako kay Madam Crystal, nakatingin lang siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya..

"Let's go."

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papalapit kami sa entrance. Sa oras na pumasok ako dito, baka hindi na ako makalabas pa. Alam kong hindi na nila ako hahayaang makaalis. Bago pa man kami tuluyang makapasok huminga ako ng malalim. At tuluyan na kaming pumasok.

Nakita kong nanlaki ang mga mata ng mga taong nakakita sa akin. Napangiti lang ako, hindi nila akalain na babalik na ako, na uuwi na ako.

"Rain!"

Agad silang lumapit sa akin. Nakikita ko ang saya sa mga mukha nila at siyang nagbigay ng saya din sa akin. 

"Thank God bumalik ka na! Namiss ka namin! Hindi ka kasi nagpaparamdam akala namin kung ano na ang nangyari sayo!"

Napangiti ako sa sinabi ni Ms. Mina. Sabihin na lang natin na malapit siya sa puso ko.

"Ano ka ba?! Kaya nga ako dumalaw sa kanya noon di ba? At saka andyan naman si Madam Crystal hindi niya pababayaan si Rain.."

Sabi ni Ms. Janna. Natandaan niyo ba siya? Siya yung dumalaw sa akin noon dis-oras ng gabi. 

"Namiss ko rin kayong lahat. Pasensya na kung hindi ako nagparamdam, alam niyo naman.."

Napatango sila. Umikot ang tingin ko at hinanap ang isang taong namiss ko. At narinig ko muli ang tinig na iyon.

"Bukas niyo na lang siya guluhin ulit. Let her rest, siguradong pagod na si Rain."

Humarap ako sa kanya. Pinagmasdan ang mukha niya. Medyo tumanda na siya ng konti, kita na rin ang mga puti nitong buhok.

Si Mr. Reign Garcia. Magkahawig kami ng pangalan di ba? Sabihin na lang natin na siya ang tumayong magulang ko.

"Sige, Rain magpahinga ka na. Bukas na lang ulit tayo magkwentuhan. Good night!"

Umalis na sila ang naiwan na lang ay ako, si Madam at si Sir Reign.

"Ihahatid ko na muna kayo dalawa sa kwarto niyo."

Sumunod kami sa kanya. Panay ang tingin ko sa paligid, malaki na ang ipinagbago nito. Pero andun pa rin ang magaan na pakiramdam tuwing andito ako.

Una namin dinala si Madam si kwarto niya. 

"Magpahinga kang mabuti, Rain. You need it."

Sabi ni Madam at niyakap niya ako ng mahigpit. Ng humiwalay siya ay isang ngiti lang ang ibinigay ko.

Naglakad na kaming dalawa. Nasa likod lang niya ako. Naglakbay ang isip ko kay Max. Namimiss ko na siya.

Huminto kami sa paglalakad ng tumapat na kami sa pinto ng kwarto ko. Ang kwartong saksi ng kabataan ko.

Binuksan na niya ito at pumasok kami. Nilibot ko ang tingin sa kwarto, wala man lang nagbago parang hindi ako umalis. Nadako ang tingin ko sa bintana.

Lumapit ako doon at bumungad sa akin ang magandang tanawin ng siyudad. Ang makukulay nitong ilaw na parang mga bituin.

"Araw-araw ko itong pinapalinis dahil alam ko babalik ka. Nagkaroon ng konting renovations pero siniguro ko na hindi magagalaw ang parte na ito. Alam ko kasi kung gaano mo kagustong ang tanawin mula dito."

Humarap ako kay Sir Reign.

"Thank you po."

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. 

"Alam ko, Rain.. Alam ko.."

Sa sinabi niyang iyon bumagsak na ang luhang matagal ko ng pinipigilan. Humagulgol ako ng iyak, humigpit naman ang yakap niya. 

"Ang sakit.. Ang sakit-sakit.."

Iyak lang ako ng iyak. Hinayaan lang niya ako, hanggang sa huminto ako sa pag-iyak. Ang sarap sa pakiramdam dahil ito ang yakap na matagal ko ng hinahanap, ang yakap ng isang magulang. 

Naramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko kaya ipinikit ko na lang ito. 

(Third Person)

Inayos ni Reign si Rain sa kama nito. Pinagmasdan niya ang babaeng itinuturing niyang anak. Bumukas ang pinto at pumasok si Madam Crystal. Tinignan niya si Rain na mahimbing na natutulog.

"How could they hurt her this much?"

Tanong ni Reign kat Crystal.

"Reign, they didn't know."

Malungkot na sagot ni Crystal.

"Lagi na lang niyang hinahanap ang kaligayahan na iyon. Kaligayahan na hindi niya makuha-kuha."

Hinaplos ni Reign ang mukha ni Rain. 

"How about them?"

Biglang nagtagis ang panga ni Reign sa tanong ni Madam Crystal.

"They left her. Iniwan nila ang tunay nilang anak para lang sa ampon nila. Akala nila mamatay na si Rain? Malinaw na hindi nila kailangan si Rain. Rain is my daughter at ngayon andito na siya no one will hurt her."

Lumapit si Crystal at ipinatong ang kamay nito sa balikat ni Reign.

"What will happen to her now?"

Tanong nito kay Reign.

"I don't know Crystal. Hindi ako natakot para sa kanya noon pero ngayon.."

Hinawakan niya ang kamay ni Rain. 

"I'm going to make sure she'll be happy."

A Sad Rain (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon